Download App
1.79% The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 31: Ito ang Talento

Chapter 31: Ito ang Talento

Editor: LiberReverieGroup

"Hi, hayaan mo kong magpakilala. Ako si Blue River ng Blue Brook Guild, ang aking main account ay si Blue Bridge Spring Snow." Pagkatapos tanggapin ang friend request, ang kabilang party ay nagpadala ng mensahe. Hindi siya nagtanong ng, "Nanjan ka ba?" at deretsahang pinakilala ang sarili. Masasabi na siya'y isang taong may malaking tiwala sa sarili.

"Hi." Pasimpleng sagot ni Ye Xiu. Sabagay, sampung taon din siya naging kasama sa Glory community. Nakikilala niya ang pangalan ng isa sa mga tatlong mga dakilang guilds, Blue Brook Guild. Tungkol kay Blue Bridge Spring Snow, talagang walang alam si Ye Xiu sa manlalarong ito. Kung siya si Huang Shaotian at ang kaniyang, Sword Saint Troubling Rain, mas madaming alam si Ye Xiu.

Talagang hindi alam ni Blue River na kausap niya ang isang bihasa na mas magaling pa sa kaniya. Sabagay, ang kaniyang pangalan na Blue Bridge Spring Snow palang ay paniguradong tatakot na sa mga ibang tao na nasa mga gaming community. Tiwalang-tiwala si Blue River na alam ng kausap niya kung sino siya. Ang resulta'y, sumulong siya at nagtanong: "Anong ginagawa mo, kaibigan?"

"Tinatapos ang dungeon." Hindi maiging nakipag-usap si Ye Xiu, kasabay nito'y nakapasok na ng Green Forest sina Lord Grim at Chasing Haze.

"Oh? Anong dungeon?" Tanong ni Blue River.

"Green Forest."

Nalito si Blue River at kalauna'y nagtanong, nahihinuha niya ang nag-iisang posibilidad: "Nagbubuhat ng kaibigan?"

"Parang ganun na nga..." Tugon ni Ye Xiu.

"Oh, kailangan nami ng isa pang miyembro para sa Frost Forest. Interesado ka bang sumali, kaibigan?" Sabi ni Blue River.

"Oh? Bakit ako?" Tanong ni Ye Xiu.

Bakit ikaw? Sa tanong na ito'y napabuntong hininga si Ye Xiu. Ang tanong na ito'y matagal nang dumating, mga isang araw na ang nakakaraan.

Noong una, ang party ni Lord Grim ay nagnakaw ng dalawang Spider Cave first clears na naging dahilan para mawalan ng mukhang maihaharap ang Blue Brook Guild. Lahat sila'y nagalit. Pero pagkatapos nilang nalaman ang sitwasyon ni Lord Grim at ang kaniyang team, ang Blue Brook Guild ay nakadiskubre ng mga hindi karaniwang mga bagay

Ang isang miyembro sa team ng taong ito, na nakasama niya sa first clear, ay yung tao na siniraan siya noon.

Yung nagngangalit na si Sleeping Moon ay sinabi na dinaya siya sa kaniyang hidden BOSS. Kung titingnan ang oras nang pangyayari, yun yung panahon na sinolo-kill ni Lord Grim ang Midnight Phantom Cat. Ang mga paninirang-puring mensahe na pinagkalat ay sinasabing sinadyang hinayaan ni Lord Grim na mamatay ang mga kasapi ng kaniyang party para masolo niya ang boss. Kung ganoon, pano naging ka party ni Sleeping Moon ang walanghiya at tarantadong taong na to?

Hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari, pero sinasabi na ang party, na unang nag clear sa Spider Cave, ay hindi naman talaga magkakaibigan sa simula pa lang. Mga dayo silang lahat at isang random party din na madaming hindi pinagkakaisahan.

Pero dahil nanakaw ng team na ito ang dalawang first clear, masasabing ang kaniyang lakas ay hindi basta-basta. At masasabi ding si Lord Grim ang centro ng kanilang team. Ang itong walang hiyang baguhan, na naging dahilan ng pagkamatay ng party para lamang sa isang hidden BOSS, at sa di-inaasahang dahilan ay natanggap ulit sa team. Anong klaseng tao to?

Maliban doon, may mga ibang detalye pa na ipinapasaliksik ang Blue Brook Guild. Itong team na walang nakakakilala at hindi alam kung saan nanggaling ay kinuha ang dalawang unang Spider Cave clears at may iba't-ibang miyembro pa sa bawat clear. Ang pinakauna sa list ay ang party leader, sa una, ang party leader ay si Sleeping Moon pero sa pangalawa, ito'y naging si Lord Grim.

Ang status ng pagiging party leader ay isang seryosong bagay. Maari niyang sipain ang mga manlalaro palabas at magtakda ng player order. At para sa isang party na handang ibigay ang posisyon na ito para sa isang walanghiya at tarantadong magnanakaw ng hidden BOSS, anong ibig sabihin nito? Lahat ng ito ay nagsasabing nakadepende sila sa manlalaro. Kung wala ang manlalarong 'to, imposibleng makuha nila ang first kill.

Ang taong ito ay totoong talento, at may mataas na posibilidad na siya'y isang talento na walang guild.

Ang isang talento galing sa isang guild ay paniguradong hindi dapat mag-isa sa bagong server. Ang isang talento galing sa isang guild ay hindi rin naka-on ng 24 oras.

Sinuring maigi ng mga manlalaro sa Blue Brooks Guild ang sitwasyong iyon sa pamamagitan ng buong araw na pagtatanong at pagoobserba. At sa wakas ay nakarating sila sa isang kongklusyon. Dahil sa kasabihang mas madaling bumuhay ng isang libong kawal, pero mahirap hanapin ang magaling na heneral, itong klaseng tao na ito ay dapat maiging akitin. At yung ang dahilan kung bakit nagpadala si Blue River ng 18 friend requests. Pinagpilitan ni Blue River ang kaniyang sarili para maipakita ang kaniyang sinseridad. Sa katunayan, nagtagumpay ang kaniyang paraan at sa huli'y tinanggap ni Ye Xiu ang kaniyang friend request.

Pero ngayon, tinatanong ng kabila kung bakit nila hinahanap siya. Syempre, walang sasabihin na mataas at komplikadong dahilan si Blue River. Sinabi lang niya na namalayan nila siya galing sa kaniyang unang tatlong clears sa bagong server. Nakita nilang isa siyang eksperto at gustong makipagkaibigan sa kaniya.

"Sa totoo lang, naghahanda kami ngayon para sirain ang Frost Forest clear record, pero wala kaming kilala na kagaya mo, na isang napakahusay na eksperto. Kapag na sira namin ang rekord, pwede naming iparaya ang purple equipments para sa iyo, ano sa tingin mo? Gusto lang ng guild namin na sirain ang rekord."

Si Blue River ay hindi nagmadaling akitin ang manlalarong ito sa kanilang guild. Matagal na ang Glory at lahat ay may alam na sa mga pangalan ng mga sikat at malalaking guilds. Pero ang manlalarong ito ay hindi nagpakita ng interest para sa kanila. Naisip ni Blue River na ang taong ito ay isang eksperto galing sa ibang guild na naglalaro lang para maglibang sa bagong server. Kung hindi, ibig sabihin ay hindi siya interesado sa mga guilds o sa isang eksperto na kung saan nanggaling.

Kung siya ay isang tao kagaya sa una niyang naisip, wala silang magagawa. Hindi talaga siya maaakit. Pero kung siya yung taong walang pagaalintana sa guilds, mayroon pa silang pag-asa.

Ang resulta, napagdesisyunan ni Blue River na imbitahin ang taong ito para mag dungeon kasama sila. Una, magiging kaibigan sila, at sa kadahilanang ang lahat ay eksperto sa laro, magiging masaya ang kanilang paglalaro at mas madali nilang maiintindihan ang isa't-isa. Pero kailangan muna nilang tingnan kung dapat ba talaga nilang akitin ang manlalaro. Tungkol naman sa pangako na bibigyan nila siya ng purple equipment, iyon ay pakitang tao lang at isa sa mga bargaining chip nila. Ang Frost Forest ay magbibigay lang ng Level 25 Purple Equipment na malapit naring maluma. Hindi nila kailangang tumawad para sa isang low-leveled equipment. Sa totoo lang, kung ang taong iyon ay talagang isang dakilang manlalaro, hindi rin niya ito iintindihin. Pero sa ngayon, iyon ang pinakamalaking bargaining chip na kaya nilang ibigay sa kasalukuyang estado ng laro.

Nung makita niya ang imbitasyon, umilaw ang mga mata ni Ye Xiu. Mabilis na sinabi niya kay Blue River: "Hindi ko kailangan ng Purple Equipment. Kung pwede, gusto ko ng iba."

"Ano?" Tanong ni Blue River.

"Uncommon materials." Sagot ni Ye Xiu.

"Ha ha, naiintindihan mo talaga ang lahat, kaibigan." Nakikita ni Blue River na hindi madaling mauto si Ye Xiu. Wala siyang pakialam sa mga low-leveled equipment. Sa ngayon, ang pinakamakabuluhang mga bagay ay itong mga uncommon materials. Ang mga materials na ito'y pwedeng gamitin sa panghuling estado ng laro at hindi kailanman magiging luma.

"72 Strong Spider Silk." Tugon ni Ye Xiu.

"Walang problema," Walang pag-aatubiling sagot ni Blue River. Kahit na ang Strong Spider Silk ay mga uncommon materials, ang mga beginner dungeons ay maaring tapusin nang walang limit. Idagdag pa na ang mga normal BOSSes ay may chance na maghulog nito at ito'y masasabing pinakamura sa lahat ng mga common materials.

"At tsaka isang White Witch's Mithril Pendant." Sabi ni Ye Xiu.

"Sige, pwede kong ibigay sila sayo ngayon." Sabi ni Blue River habang nakangiti. Ang Mithril Pendant ay kahawig nong Saber na tinamaan ni Ye Xiu mula sa Skeleton Warrior. Sila'y mga ornamental items na walang kahit anong halaga. Babae lang ang magkakagusto nito at ginagawang palamuti.

"At tsaka White Wolf's Sharp Fangs, kailangan ko ng walo." Sabi ni Ye Xiu.

"Kaibigan... Kailangan mo ng Strong Spider Silk, Mithril Pendant, at ngayon Sharp Fangs? Hindi ba parang andami na niyan?" Medyo naiinis na si Blue River.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C31
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login