Download App
1.44% The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 25: Narinig mo ba ang sinabi ko?

Chapter 25: Narinig mo ba ang sinabi ko?

Editor: LiberReverieGroup

"Kuya mahusay, may mga demand aka ba dito?"

Habang sinusuot ni Ye Xiu ang kanyang headphones, nakita niya ang mensahe galling kay Seven Fields.

"Gusto kong kunin ang mga Skeleton Warrior's Sabers." Tugon ni Ye Xiu.

"Yung ornamental Sabers?" Nagulat si Seven Fields.

"Tama." Sagot ni Ye Xiu.

"Oh… kung may mga demand aka, huwag na lang tayo magdagdag. Tayong apat na lang!" May punto ang sinabi ni Seven Fields lalo na sa parte tungkol sa demanda. Kakailanganin pa nila ng mahabang oras para maipaliwanag ito sa bagong salin na player. Pagkatapos noon, baka hindi sila pagkatiwalaan nito. Tsaka, kapag direktang ibinnigay ssa party leader ang priority pick, ang bagong salin ay matatakot lamang. Sinong makakaalam kung mabibigyan ba ssiya ng parte sa loot? Kaya mas maganda kung apat na lang silang magkakaibigan.

"Okay." Gusto ring maiwasan ni Ye Xiu ang ganitong tipo ng problema.

Pumasok ang grupo ni Seven Fields at sabay-sabay sinigaw: "Lapit na hidden BOSS!"

"Naaadik na ba kayo sa pagpatay ng mga hidden BOSS?" Tumawa si Ye Xiu.

Pilyong tumawa ang tatlo. Simula nang sundan nila si Ye Xiu, lahat sila ay may iniisip ukol sa hidden BOSS. Kung walang hidden BOSS, bassta na lang nila tinatapos ang dungeon. Walang puwersa.

"Tara na!" Saad ni Ye Xiu. Winagayway ni Lord Grim ang kanyang battle lance at itinuro ang daanan. Dalubhasang sumunod sila Seven Fields, Sunset Clouds, at Drifting Water. Umaambon sa Skeleton Graveyards. May mga makulimlim na berdeng will-o'-wisps na parehong makikita malayuan at malapitan. Ang sound effects ay mahihinang iyak ng mga multo. Paminsan-minsan ay may maririnig na malungkot na daing na dahilan ng pangingilabot nila.

Hindi… hindi lang ang anit niya ang kinikilabutan. Para bang may hanging umiihip sa kanyang tainga?

Matibay at matigas ang ulo ni Ye Xiu. Determinado siyang hindi ito pangkaisipang epekto ngunit may umiihip talaga. Kahit na hindi tumigil ang kaniyang kamay, lumingon siya kaliwa't kanan. Nakakita siya ng kumikintab na putting mukha at isang pares ng itim na matang patagong tumitingin sa kanya nang hindi man lang kumukurap. Ang napakapula niyang labi ay mukhang malapit na itong dumugo…

"Pow!" Ang kaliwang kamay ni Ye Xiu ay direktang hinampas ang keyboard at tumigil ang kanyang character. Ngayon, nakapindot siya ng pito o walong keys. Sa laro, nagmukhang napasma si Lord Grim at nakagawa ng maraming pagkakamali. Buti na lang at maliliit na halimaw lamang ang kinakalaban nila. Madali siyang nasagip ni Seven Fields at ng iba pa. Wala pang nagagawag pagkakamali si kuyang mahusay kagabi. Kakasimula niya pa lang maglaro ngayon, paanong bigla siyang nasiraan ng bait at nagsimulang gumawa ng gulo? May nangyari ba kay kuyang mahusay? Ngunit kakarinig lang nila ng boses niya, ang boses ni kuyang mahusay!

Sa sandaling ito, lumingon na pabalik si Ye Xiu at inayos ang sitwasyon. Huminahon na sila Seven Fields at ang iba, pagkatapos narinig nila si Ye Xiu na nagsabi: "Boss, gabing-gabi na, gising ka pa. Tumatakbo k aba sa paligid nang may facial massk at sinusubukang maging putting Supergirl?"

"Ano?" Naguluhan si Seven Fields.

"Pumapag-ibig." Private message ni Drifting Waters sa kanya.

Agarang nanahimik ang tatlo at hinawakang mahigpit ang headphones nila sa kanilang tainga.

"Hindi ako matulog kaya bumaba muna ako para umupo saglit." Sabi ni Chen Guo pagkatapos tanggalin ang kaniyang facial mask.

"Seven Fields, lumikod ka. Drifting Water, ikaw manguna. Sunset Clouds, atensyon sa 4 o'clock." Si Ye Xiu ang nagdirekta ng laban.

Tahimik na tumingin si Chen Guo kay Ye Xiu na pumapatay ng mga halimaw at biglang sinabing: " Sa tingin ko, hindi dapat nagretiro si Ye Qiu."

"Sang-ayon ako. "Saad ni Ye Xiu."

"Dahil lang siguro masyadong mataas ang posisyon niya. Sa sandaling nagkaproblema ang Excllent Era, mapupunta sa pinuno ang kasalanan." Sabi ni Chen Guo.

"Oh."

"Pinanood ko lahat ng laban Ng Excellen Era. Ramdam kong hindi na kasing lakas ni Ye Qiu at ng Battle God One Autumn Leaf ang dating sila."

"…" Tahimik lang si Ye Xiu.

"Paunlad nang paunlad ang Professional Alliance, nagkalat ang mga eksperto. Parang sila Great Gunner, Sword Saint, King of Fighting, Magician, hindi sila mas mahina kay Ye Xiu at kasing lakas lang ng account nila ang One Autumn Leaf."

"…" Tahimik pa rin.

"Sa ngayon, hindi pwedeng isang tao lag ang nagbubuhat sa buong team. Ngunit umaasa pa rin ang mga tao na kaya pa rin ipakita ni Ye Qiu ang kanyang lakas katulad noon sa kaniyang dakilang panahon."

"Seven Fields, palikod ka ng konti. Masyado kang nasa harap. Sunset Clouds, tayo ka malapit kay Drifting Water. Kaya kong labanan itong parteng 'to mag-isa." Habang dinidirekta sila ni Ye Xiu, gumawa siya ng "pa pa" na tunog sa keyboard.

"P*TA!" Magalit si Chen Guo. Tumayo siya at hinila ang leeg ni Ye Xiu. Habang bayolente niyang inaalog ang leeg ni Ye Xiu, dumagundong ang sigaw ni Chen Guo: "NARINIG MO BA ANG SINABI KO? NARINIG MO BA ANG SINABI KO?"

Nanginig ang lahat ng kliyente sa Internet Café. Nagnakaw ng tining ang mga suki sa direksiyon nila dahil sa kagustuhang Makita kung sino ang naglakas-loob na galitin si Boss Chen Guo. Sa lakas ng dagundong ng sigaw niya, natatakot sila para sa kung sinuman ang makakaranas ng matrahedyang pagkamatay.

Kumalog ang headphones sa ulo ni Ye Xiu ng ilang beses bago ito mahulog. May naririnig na mahinang nanginginig na tunog mula kay Seven Fields at sa mga iba niya pang kasamahan at saka sinabing: "Narinig ko. Narinig ko."

Sa laro, perpekto pa rin ang paggalaw ni Lord Grim ngunit ang kumokontrol sa kanya ay nahihirapan nang huminga at malapit nnang mamatay sa sakal.

Nang malapit nang mahulog ang dila ni Ye Xiu, binitawan na siya ni Chen Guo. Malakas siyang napa-ubo ngunit hindi pa umaalis ang tingin niya sa screen. Tinanong niya si Chen Guo: "Anong sinabi mo?" Habang mabilis niyang ibiinalik ang kanyang headphones, sinigaw niya sa kanyang headphones, "Seven Fields, likod. Lumikod ka.

Pagkatapos ibalik ang knayang headphones, ibinalik niya kaagadd ang kamay sa keyboard. Wala siyang oras para maayos 'tong mabalik. Sa laro, kasalukuyan silang kumakalaban ng BOSS. Kulang sila sa tao at kailangan nila ang Lord Grim ni Ye Xiu.

Nakita ni Chen Guo na hindi man lang galit si Ye Xiu. Pwede ko lang siyang sakalin hanggang mamatay siya, no? Hindi niya alam ang gagawin niya kaya bumalik na lang siya sa pagkaupo. Binuksan niya ang computer sa harap ng kanyang station: "Maglaro ka kasama ako."

Lumingon sa kanya si Ye Xiu at tumingin: "Yan ang server computer!"

"Ako ang boss." Sagot ni Chen Guo.

Walang masabi si Ye Xiu. Mas makapangyarihan ang patakarang iyon kaysa sa patakarang bawal gamitin ang server computer.

"Paano amo makikipaglaro sa iyo?" Hindi lumingon si Ye Xiu para magtanong. Kasalukuyan siyang nakikipaglaban ng matinding laban sa BOSS.

"May account din ako sa tenth server." Kumuha si Chen Guo ng card at iwinagayway kay Ye Xiu. Sa huli, nag-"Oh" lang si Ye Xiu at hindi na lumingon. Sa galit, napamura si Chen Guo. Dapat talaga sakalin ko 'tong lalaking ito hanggang mamatay siya at maghukay para sa lugar kung saan ko siya ililibing.

"Gumawa ka muna ng intro missions." Sabi ni Ye Xiu.

"Hindi ako gagawa ng missions. Dalhin mo 'ko sa kahit anong dungeon." Padalus-dalos na ngayon si Chen Guo. Napagdesisyunan niya nang gagawin niya ang kabaliktaran ng lahat ng sasabihin ni Ye Xiu.

"Level 1 ka pa lang, paano kita dadalhin sa dungeon?" Sabi ni Ye Xiu. Green Forest ang pinakamababang level ng dungeon, Level 5-10. Hangga't hindi pa siya Leevel 5, hindi siya makakapasok nito.

"Mag—isip ka ng kahit ano." Saad ni Chen Guo.

"Okay, mag-iisip lang ako." Sagot ni Ye Xiu. Pagkatapos, gumawa na naman ng "pa pa" na tunog ang kanyang kama sa keyboard. Bigla niyang hinila ang kanyang headphones: "Drifting Water, bumalik ka sa iyong position, malapit ka nang mapaligiran. Anong nangyari sa inyo? Ang dami niyong mali!"

Pagkatapos niyang ibaba ang headphones, nakarinig siya ng tunog na tila nagmula sa paglagutok ng buto sa kamay sa kanyang likod. Nangngalit si Chen Guo at nagtanong, "May naisip ka na ba?"

"Nakaisip na ako." Agad na sabi ni Ye Xiu.

Öh?"Nagulat si Chen Guo. Walang posibleng paraan dahil sa setup ng system. Paano siya nakahanap ng paraan?

"Huwag mong isipin ang mga mission, pumatay ka na lang ng mga monsters hanggang Level 5 ka na." Saad ni Ye Xiu.

"PAPATAYIN MUNA KITA!!!" 


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C25
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login