"Walang problema!" Halos hindi nagdalawang-isip si Seven Fields at ang mga kasamahan niya sa pagbitaw ng kanilang sagot.
Sa kasalukuyan ay mas pinapahalagahan pa nila ang kanilang relasyon kay Kuyang Mahusay kaysa sa mga mahahalagang materyales o kagamitan man na mahuhulog mula sa BOSS.
Sa totoo nga lang ay nag-aalala sila kung papaano nila ipapakita na gusto nilang makipagkaibigan sa kaniya, kaya tungkol sa panukalang ito na binigay ni Ye Xiu. Hindi sila nagdalawang-isip sa pagsagot.
At isa pa, gusto ni Seven Fields na ipakita ang kanilang kagandahang loob. Siya'y umikot at sinabing: "Little Moon Moon. gawin mong Party Leader si Kuyang Mahusay!"
"Kapag sinabi mo pa ulit iyan mapapatay na talaga kita!" Pagalit na sabi ni Sleeping Moon.
"Hahaha, hindi ba masarap pakinggan? Ba't ayaw mo?" Natatawang sabi ni Seven Fields, pero hindi na siya nagbiro pa at nagpatuloy sa pagsasalita: "Kung ayaw mo talaga na tawagin kitang ganun, gawin mo nang Party Leader si Kuyang Mahusay."
Naintindihan naman ni Sleeping Moon and ibig-sabihin niya. Kapag binigay na nila kay Lord Grim ang posisyon ng isang Party Leader, doon na mawawala ang mga agam-agam ni Lord Grim sa kanila.
Matapos niya itong mapagtanto, doon lang naintindihan ni Sleeping Moon ang lahat. Hindi kailangan maglatag ng kung anong plano ni Lord Grim. Kung gusto niya talagang makuha ang lahat, sa isang sabi lang at susunod agad ang kanyang tatlong kasamahan nang walang alinlangan. Kaya naman walang ibang nagawa sabi Sleeping Moon kung hindi ibigay ang posisyon na iyon kay Lord Grim
Wala namang ibang binago si Lord Grim at sa huli ay sinabing "Tara na't magpatuloy na tayo," kaya naman patuloy niyang pinangunahan ang grupo.
Ang kanilang pamamaraan ng pagpatay ay hindi nagbago at nagpatuloy sila ng walang nakaharap na problema. Sa unahan nila ay nahati ang daan papunta sa pangunahing daanan ng Spider Cave. Alam naman ng lahat kung saan ang daanang papunta sa lunga ng Spider Emperor. Hindi na nagdalawang-isip si Lord Grim at tinahak na ang papunta sa kuta ng Spider Emperor habang nakasunod sa likod ang apat pang manlalaro.
Hindi lilitaw ang daanang kanilang tinatahak kapag sila ay nasa ordinaryong dungeon lamang. Papunta pa lang ay makikita mo na sa daan ang ilang mga itlog ng gagamba. Habang papalapit ang mga manlalaro dito ay bigla itong magsisimulang mapisa. Marmaing mga malilii na gagamba ang magsisilabasan at aatakihin ang mga manlalaro.
Hindi mataas ang pinsalang nailalapit nila sa manlalaro, pero lubhang maliliit sila't mabibilis gumalaw. Malinaw na hindi sila madaling matamaan. Pero para kay Lord Grim ay sa isang kumpas lang ng kaniyang Lance ay iilan sa mga maliliit na gagamba ang tumutumba, dahil dito ay hindi nagtagal. Nalinis niya rin ang lahat.
Nung makita niya ang apat na nagkakaroon ng problema ay tumungo siya sa kanilang kinaroroonan upang magbigay ng suporta. Tiningnan ng lahat si Lord Grim. Kung hindi dahil sa taong ito kahit na marating nila ang Spider Emperor, paniguradong matatagalan naman sila't aabutin ng isang oras sa daanang ito.
"Sa tingin mo ba tayo pa rin ang unang makakapatay sa Spider Emperor?" Sabi ni Drifting Water na inaasahan ang mga susunod na mangyayari
"Depende kung tayo ang mga unang manlalaro na nakasagupa sa Spider Emperor, sa kasalukuyang estado ng laro." Sagot naman ni Seven Fields.
"Tayo ang unang nakatapos sa Spider Cave, ang ibig sabihin ay tayo ang unang mga manlalaro na dalawang beses na nakapasok sa Spider Cave. Hindi rin naman tayo mabagal at saka pangatlong pasok na natin 'to, pero wala pa akong nakikitang balita na may nakapatay na sa Spider Emperor." Pagsusuri ni Drifting Water.
"Kung wala tayong sapat na kakayanan kahit na matagpuan pa natin ang Spider Emperor, hindi natin ito maaring matalo," Napabuntong hininga si Sunset Clouds.
"Buti na lang at kasa-kasama natin si Kuyang Mahusay," Sabi ni Seven Fields.
"Tama, tama, tama," Sumagot naman ang dalawa.
"Nasusuka ako sa inyo." Panghahamak na sabi ni Sleeping Moon sa tatlo na laging nag-aapurang makuha ang pansin ni Lord Grim. Hindi rin naman siya takot na marinig ni Lord Grim mga sinasabi niya.
Nahiya naman ang tatlo at medyo nainis kay Sleeping Moon. At tungkol sa dati nilang alitan, may mali rin naman siya doon, kasi bakit hindi na lang siya nagparaya?
Nagpadala na naman ulit ng pribadong mensahe si Seven Fields kay Sleeping Moon para mabigyan siya ng leksyon. At si Sleeping Moon naman, matapos makita ang mensahe ni Seven Fields ay sumagot lang siya ng "masama ang pakiramdam ko,"
Matapos makita ang isinagot ni Sleeping Moon sa mensahe niya ay hindi mapakali si Seven Fields, hindi maaring magkaroon ng kahit na anong pagkakamali sa kalagitnaan ng labanan, kaya kung masama ang pakiramdam niya ay mas mabuti pang umalis na lang siya sa dungeon at lisanin sila!
Lalong sumama ang pakiramdam ni Sleeping Moon matapos makita ang mensaheng ipinadala ng mga kasamahan niya sa kaniya, talaga bang iiwan nila siya para sa kapakanan ng ekspertong ito?
"Nandito na tayo." Dahil si Ye Xiu ang nasa unahan, nakikita niya na may isang kuweba pa sa tabi. Alam niya na iyon ang lungga ng Spider Emperor.
"Paano natin papatayin ang halimaw na iyon?" Tanong ni Seven Fields.
"Maghintay nalang muna tayo dito, may titingnan lang ako na patnubay." Biglang sabi ni Ye Xiu.
Kaagad na nagulantang ang apat, ano ba ang nangyayari? Para maghanap ng patnubay sa kalagitnaan ng lahat ng ito, ano ba 'tong ginagawa niya? Madaliang preparasyon para sa isang delubyo?
"Kuyang Mahusay, bakit..." May sasabihin sana si Seven Fields, pero hindi niya mahanap ang mga katagang dapat sabihin sa sitwasyong ito. Sa huli ay nakita niya na talagang tumayo na lamang si Lord Grim diyan, at hindi na gumalaw pa. Talagang umalis siya para maghanap ng patnubay!
Naguluhan ang apat, alam na nilang lahat na siya ay isang mala-Diyos na manlalaro, pero bakit kinakailangan pa niyang maghanap ng isang patnubay?
"Baka... Baka pinalitan siya ng ibang tao!" May panukalang ibinigay si Seven Fields tungkol sa kasalukuyang sitwasyon nilang lahat. Nang marinig ito ng iba ay kaagad silang nataranta.
"Sinasabi ko na nga ba! Papaanong mananatili ang isang mala-Diyos na manlalarong kagaya dito, imbis na sa Heavenly Domain! Bakit nandito siya't nag-iisa sa bagong server?!" Sabi ni Drifting Water.
"T*ngina, kanina isang tunay na eksperto ang tumulong satin, pero ngayon ay umalis na ang ekspertong iyon at pinalitan ng isang pekeng eksperto na kasalukuyang may gamit kay Lord Grim?!" Natatarantang sabi ni Sunset Clouds.
Kuyang Mahusay, bakit mo ginawa samin 'to? Sana'y tinulungan mo nalang kami na matapos ang dungeon! Bumaha ang luha ng apat na manlalaro, at si Sleeping Moon naman ay tahimik lang na nanonood sa isang tabi.
Kanina ay umasta naman si Lord Grim ng pareho sa inasta nung Lord Grim na nakatagpo at nakaaway ni Sleeping Moon noon, hindi ba't wala naman talagang pinagbago sa ugali ni Lord Grim? Malamang ay hindi naman talaga siya pinalitan at siya pa rin ang may hawak ng account na iyan.
Sa mga sandaling naisip niya ang lahat ng ito ay natapos na sa pagbabasa ng patnubay si Ye Xiu at nakabalik na siya sa laro.
"Tapos na..." Sabi ni Ye Xiu.
"Kuyang Mahusay... Ikaw pa naman siguro 'yan, di ba? Wala naman sigurong pumalit na tao sayo para gamitin ang account na 'yan, di ba?" Natatarantang tanong ni Seven Fields.
"Pumalit na tayo?" Naguluhan si Ye Xiu.
"Ikaw ba ang may gamit ng account na 'yan kanina, hanggang ngayon?" Nagtanong si Seven Fields.
"Oo!" Sumagot naman si Ye Xiu.
"Hindi ko maintindihan, bakit ang isang manlalarong kagaya mo ay kailangan pang magbasa ng patnubay para sa isang dungeon?" Nagtanong na naman si Seven Fields.
"Mga ilang taon na rin ang lumipas nung napasok ko ang dungeon na ito. Kung hindi ako naghanap ng patnubay ay hindi ko maaalala kung papaano ko 'to natapos." Sabi ni Ye Xiu.
"Pero noon..."
"Tumingin rin ako ng patnubay para sa dungeon na iyon!" Sabi ni Ye Xiu.
Ang apat na manlalaro ay nagulantang.
"Kailan?" Nagtanong muli si Seven Fields.
"Matapos makuha ang mga kinailangan kong Skills, may ilan akong tiningnan. Pero naging sobrang mahaba sila kaya di ko na nabasa ang parte tungkol sa mga hidden BOSS." Paliwanag ni Ye Xiu.
Naguguluhan pa rin silang lahat, tiningnan rin naman nila ang patnubay tungkol sa Spider Cave, pero wala silang nakitang patnubay na kung saan nakasulat ang mga bagay na iniutos sa kanila ni Lord Grim. Kung ganoon, anong patnubay ba ang binasa niya?
Sinimulan na ni Ye Xiu ang kaniyang pagpapaliwanag sa kung papaano nila maaring matalo ang Spider Emperor: "Kanina lang ay nabasa ko ang patnubay para sa Spider Emperor, para makalaban ang halimaw na iyon ay maari pa rin naman nating gamitin ang mga nakaraan nating pamamaraan."
"Pero ang mahirap na parte ay nandirito, palagiang maglalagay ng itlog ang Spider Emperor at ang paglalagay niya ng mga itlog ay hindi maaring mapigilan ng kahit na anong Skill o Hidden Effect, hindi naman malaki ang pinsalang nailalapat ng mga gagambang lalabas sa mga itlog na iyon."
"Pero ang bawat atake nila ay naglalapat ng Stasis Debuff na nagtatagal sa loob ng tatlong segundo, hindi ko na naman siguro kailangang ipaliwanag kung ano ang Stasis Debuff, hindi ba?"
"Kapag nalapatan kayo ng debuff na iyon ay hindi kayo maaring gumalaw o umatake, pero hindi rin naman kayo nalalapatan ng pinsala. Kahit na mahina ang pinsala nito ay nasisira ng Debuff na iyon ang mga plano natin kaya kailangan nating mag-ingat na hindi tayo makagat ng mga maliliit na gagamba."
"Kung ganoon, ano ang dapat nating gawin?" Nagtanong si Seven Fields.
"Hayaan niyong ako ang luminis sa mga maliliit na gagambang iyon, huwag niyo na silang alalahanin. Dahil diyan ay ang pinakamahirap na parte sa paparating na labanan ay kung kaya niyo bang apat na patayin ang Spider Emperor gamit ang nakaraan nating pamamaraan."