Ito na kaya ang Yin-Yang Lake, o hindi?
Kung hindi ito yun, papaanong merong ganitong kakaibang bagay dito?
Ngunit kung hindi ganun yun... Bakit ang liit nito?
Sa lawak na dalawang metro, masyado nang masikip para pumasok dito.
Dahil hindi naman paliligo ang cultivation. Walang cultivator na kusang magbababa ng kanilang depensa sa harap ng kapwa nila sa ganitong lugar para lang mag-cultivate.
Kung ganito lang kalaki ang Yin-Yang Lake, walang rason para maging sikat ang Glacier Plain Court.
At kung hindi babanggitin, hindi nagtutugma kung papaanong meron silang maraming disipulo na nagku-cultivate ng yin at yang cultivation techniques.
"Tignan ko kaya muna ito para malaman kung ano ang nangyayari..."
Pagkalapit, dahan dahang hinawakan ni Zhang Xuan ang ibabaw ng lawa.
Hu!
Isang libro ang lumitaw sa kaniyang isipan.