Download App
2.34% Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 53: Ang Pagbagsak ni Bai Xun

Chapter 53: Ang Pagbagsak ni Bai Xun

Editor: LiberReverieGroup

"Ito ay…"

Nagkatinginan sila, natahimik at hindi makapaniwala.

[Siya si Master Lu Chen, ang tagapagsanay ng emperador. Sinong magtatangka na saktan siya?

Isa pa, hindi ba nagpunta kayong dalawa sa silid aklatan? Bakit bumalik siya ng… ganito?

Posible kayang hindi sila nagpunta sa silid aklatan para mag-aral, kundi… para maglaban?

Ang eleganteng si Master Lu Chen ay may ganitong hilig?]

"Ayos lang ako…" Ihinawi ni Master Lu Chen ang kanyang kamay.

Kunsabagay, hindi niya pwedeng sabihin na… Tumaas ang lebel ng cultivation ni Zhang Xuan at hindi sinasadyang nasaktan niya si Master Lu Chen dahil di niya makontrol ang lakas niya.

Alam din niyang mahihirapan siyang ipaliwanag ito. Kaya naman, naglakad si Master Lu Chen papunta sa main seat, pagkatapos ay lumingon kay Uncle Cheng at sinabing, "Ah Cheng, kumuha ka ng isang Strength Measuring Rock Pillar at dalhin mo dito!"

Isa siyang mahusay na pintor, hindi isang fighter. Kaya walang mga Strength Measuring Rock Pillar na nakalagay sa lounge. Pero, dahil may kinalaman ito sa cultivation ng isang tao, mayroon pa ring iilan nito sa loob ng kanyang bahay, kaya ayos lang na kumuha ng isa sa mga ito.

"Opo!" Kahit hindi niya alam kung ano ang binabalak ng kanyang master, tumango pa rin si Uncle Cheng at lumabas ng silid.

"Master Zhang, talaga bang nakaabot ka na sa Fighter 5-dan pinnacle? Nang mapansin niyang tumahimik ang buong silid, hindi mapigilan ni Bai Xun na matuwa at lumapit kay Zhang Xuan.

"Un!" Maaari ngang hindi maganda na sabihin niya ang tungkol dito sa loob ng akademya, pero hindi ito isang sikreto dito, kaya walang dahilan para itago ni Zhang Xuan ang katotohanan.

"Nasa parehong lebel din ako. Pwede ba tayong maglaban?" Nang marinig niya ang sagot ng binata, nag-alab ang mga mata ni Bai Xun dahil sa sobrang tuwa.

"Bai Xun, anong ginagawa mo. Isipin mo nga kung nasaan ka…" Dahil sa pagkabigla, agad siyang pinagsabihan ni Huang Yu.

Si Master Lu Chen ay isang eleganteng tao, at ayaw niyang nagtatalo at naglalaban ang mga tao sa harap niya. [Hindi mo ba naisip na isang kalokohan kung maghahamon ka ng laban sa lounge pa mismo ni master?]

Gaya nga ng sinabi ni Huang Yu, ayaw na ayaw ni Lu Chen na iwinawasiwas ng ibang tao ang mga sibat at espada nila sa harapan niya. Pero, habang wala pa ang Strength Measuring Rock Pillar, ang pinaka mabisang paraan para malaman kung lumakas nga si Zhang Xuan ay sa pamamagitan ng pakikipaglaban niya kay Bai Xun.

Alam niya na nakaabot na rin sa Fighter 5-dan pinnacle si Bai Xun.

Dahil pareho ang lebel ng kanilang cultivation, malamang ay magagawa niyang malaman kung lumakas nga si Zhang Xuan.

Sa puntong ito, inangat niya ang kanyang ulo at sinabing, "Pinahihintulutan ko ito kung ito ay isang ordinaryong sparring lamang. Pero, huwag niyong seseryosohin!"

"Ayos!" Noong una, inisip ni Bai Xun na hindi papayag si Master Lu Chen. Pero, hindi gaya ng inaasahan niya, pumayag si Master Lu Chen. Halos mapatalon si Bai Xun dahil sa sobrang tuwa. Humakbang siya ng dalawang beses papunta sa gitna ng lounge at pumorma ng maangas, at sinabihan si Zhang Xuan. "Tara dito!"

"Sige!"

Kakakumpleto lang ni Zhang Xuan sa cultivation niya ng Heaven's Path Golden Body at interesado siyang malaman kung gaano na ba siya kalakas ngayon. Kaya naman, hindi niya tinanggihan ang hamon ni Bai Xun at naglakad na din siya papunta sa gitna ng lounge.

"Malakas ang mga kamao ko, kaya mag-iingat ka!" Nawala ang pagiging maginoo ni Bai Xun at napalitan ng aura ng isang napakalakas na tao na hindi mapapantayan ng sinuman.

Bilang isang taong nasa lebel na Fighter 5-dan pinnacle, pagdating sa lakas, mas malakas siya kahit na kay Shang Bin!"

Huala!

Pagkatapos niyang mag-ipon ng lakas, sumugod siya kay Zhang Xuan. Gamit ang lakas niya bilang espada, ang pwersa ng kanyang suntok bilang patalim, nagpalipad siya ng suntok papunta kay Zhang Xuan.

Para masubukan niya ang lebel ng kanyang cultivation, hindi na tiningnan ni Zhang Xuan ang mga kahinaan ni Bai Xun na ginawa ng Library of Heaven's Path at sa halip, sinalo niya ang suntok ni Bai Xun gamit ng kamao niya.

Hu!

Nagsalpukan ang mga kamao ng dalawa at napasimangot si Zhang Xuan.

"Bakit sobrang hina ng suntok niya? Posible kayang wala pa siya sa Fighter 5-dan pinnacle?"

Tumagos ang suntok ni Zhang Xuan sa suntok ni Bai Xun, natalo ng lakas niya ang lakas ni Bai Xun, na oara bang sumalpok ang isang bato sa isang bula.

Nang maisip niya na baka hindi pa nakahanda at hindi pa inilalabas ni Bai Xun ang lahat ng lakas niya, agad na ibinaba ni Zhang Xuan ang lakas niya sa kalahati.

Gayon pa man, namutla ang mukha ni Bai Xun at tumalsik siya na parang isang bola. Sou! Huminto lamang siya sa pagtalsik nang sumalpok ang likod niya sa isang poste.

"Bakit hindi mo ginagamit ang buong lakas mo?

Itinago niya ang kamao niya, lumapit ai Zhang Xuan at inabot niya ang kamay niya para tulungang tumayo si Bai Xun.

"Huwag…"

Nang makita niya ang nangyari, nanliit ang mga mata ni Master Lu Chen. Agad niyang pinigilan ang dalawa, ngunit huli na siya.

Sou!

Si Bai Xun, na hinila ng binata, ay lumipad na parang isang saranggolang naputulan ng tali. Kasabay ng pagtunog ng hangin, muling lumipad sa ere si Bai Xun.

Paji!

Pagkatapos niyang tumalsik ng ilang metro, sumalpok ang mukha niya sa padet at bumulwak ang dugo mula sa kanyang bibig at ilong.

"Wuuu…."

Halos maiyak na si Bai Xun.

[Kuya, alam kong hindi kita kayang tapatan, pero hindi mo kailangan maging ganito kabrutal. Ang kagwapuhan ko, ang mukha ko…]

"Bakit ka…"

Nang makita niyang tumalsik si Bai Xun dahil sa paghila niya, napakamot ng ulo si Zhang Xuan.

[Anong ginagawa nila?

Una si Master Lu Chen, at ngayon naman si Bai Xun. Ayos lang ba talaga para sa inyo na magtatalon kung saan-saan?]

Kung malalaman nilang dalawa ang tumatakbo sa isipan ni Zhang Xuan, siguradong susuka sila ng dugo dahil sa sama ng loob.

[Ikaw yung nagtatatalon kung saan-saan… Ibinato mo kami…]

"Ang taong 'to…"

Habang nakatayo siya sa gilid, hindi maintindihan ni Huang Yu ang nangyayari.

Maituturing na isa sa mga mahuhusay sa nakababatang henerasyon si Bai Xun. Maliban sa iba, hindi siya matatapatan. Ito marahil ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng 'palaban-pero-hindi-kayang-tumanggap-ng-pagkatalo' na pag-uugali. Inisip niya na hindi siya kayang tapatan ni Zhang Xuan sa isang labanan, ngunit hindi niya inakalang mapapatalsik siya ni Zhang Xuan sa isang suntok lang.

Talong talo siya!

[Mukhang ordinaryo ang taong 'to, pero paano siya naging ganito kalakas?]

"Ayos ka lang ba?" Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng iba, naglakad na lamang si Zhang Xuan palapit kay Bai Xun ng may pagsisisi sa kanyang itsura.

"Ayos lang ako…"

Nagpumilit tumayo si Bai Xun at ipinagpag ang alikabok sa kanyang damit.

Bilang isang Fighter 5-dan na pinatibay ang kanyang buto at balat, hindi problema ang pagkakaroon ng maliliit na sugat na gaya nito.

"Ayos, napansin kong hindi mo ginamit ang lahat ng lakas mo kanina. Ganito na lang, maglaban tayo uli ng ginagamit mo ang buong lakas mo…"

Ang seryosong sinabi ni Zhang Xuan.

"Ulit?"

Kumibot ang mukha ni Bai Xun at halos maiyak na siya.

[Kung ipagpapatuloy namin ang paglalaban, posibleng mamatay ako…]

Agad niyang ikinumpas ang kanyang kamay at sinabing, "Hindi na kailangan, totoong mas malakas sakin si master. Sa tingin ko hindi na natin kailangang ipagpatuloy ang laban natin…

"Hindi mo kailangang maging magalang, laro lang yun, kaya huwag mong masyadong higpitan ang sarili mo. Tsaka, huwag mo 'kong tawaging master, parang anlayo naman nun…"

Akala ni Zhang Xuan na nag-iingat lamang si Bai Xun dahil itinuturing siyang kaibigan ni Master Lu Chen, dahilan para hindi niya ibigay ang lahat ng lakas niya sa laban nila, kaya naging mahina siya.

Nang maabot niya ang Fighter 5-dan pinnacle, nakipaglaban siya kay Yao Han, at nahirapan siya sa laban nila dahil sa lakas ni Yao Han. Mas mataas ang cultivation realm ni Yao Han kesa kay Bai Xun, dahil walang masyadong pinagkaiba ang dalawa, naisip niya na ganun din ang mangyayari. Pero, tumalsik si Bai Xun sa isang suntok lang. Dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari, naisip niya na baka hindi ginamit ni Bai Xun ang buong lakas niya.

Kung hindi, gamit ang kanyang lakas na 8 ding, imposible para sa kanya na patalsikin ang isang Fighter 5-dan pinnacle na nagtataglay ng lakas na 4 ding sa isang suntok lang.

"Spar?"

Nanginig sa takot si Bai Xun. [Sparring ba ang tawag mo dito? Sa isang suntok mo lang, muntik na akong umakyat sa langit, alam mo ba yun?

Isa pa, bilang kaibigan ni Lolo Lu Chen, ano pa bang itatawag ko sayo kung hindi master?]

Biglang may sumagi sa isipan niya, at halos naluluha na siya. "Dahil sinabi mong parang malayo kung tatawagin kitang master, bakit hindi na lang kita tawagin na lolo? Lolo Zhang, tanggap ko na ang mali ko, okay? Hindi ako dapat nagalit sayo, kaya patawarin mo ako… Huwag mo na akong pilitin na makipaglaban sayo!"

"Nandito na ang Strength Measuring Rock Pillar!" Sa oras na ito, dumating si Uncle Cheng at nakita niya ang nangyari. Nang marinig niya ang pagmamakaawa ni Bai Xun, napahinto siya sa kinatatayuan niya. "Ano?"


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C53
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login