Download App
1.86% Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 42: May Nagpapaka Astig (1)

Chapter 42: May Nagpapaka Astig (1)

Editor: LiberReverieGroup

"Aalis ka na ngayong gabi? Master, bakit di ka muna dumito kahit ilang araw pa?"

"Bakit aalis ka na agad?"

Nang marinig nilang aalis na sa lungsod ang master, nabahala at nalungkot ang mga tao.

[Bihirang magpunta ang isang mag-aalahas sa Tianxuan Royal City, tapos aalis siya agad pagkatapos lang ng ilang araw?]

"May mga kailangan pa akong asikasuhin!" Tumaas ang mga kilay ni Master Mo Yang. Makikita sa kanyang mga kilos ang mga katangian ng isang eksperto, at ang kanyang disposisyon ay kahalintulad ng isang umaagos na ilog, na tila walang kasiguruhan. "Ganito na lang, dadagdagan ko ang bilang ng mga kayamanang susuriin ko mula lima ay gagawin kong sampu! Alam niyo namang lahat na hindi madaling gawain ang pagsusuri, nakakaubos ito ng lakas at enerhiya. Hanggang sampu lang ang kakayanin ko…"

"Master, huwag kang mag-alala! Kapag tinulungan mo akong pumili ng isang artifact para sakin, babayaran kita…" Ang sigaw ng isang lalaki mula sa madla.

"Tama, handa kaming magbayad!"

"Basta pipilian ako ni master, kahit na magkano pa ang halaga ng bagay na yun, handa akong magbayad ng parehong halaga kay master!"

May ilang mga tao na nagsimulang sumigaw bilang sagot sa kanyang mga sinabi.

Base sa mga "battle record' ng master, ang mga taong pinayuhan niya ay kumita ng ilang patong ng halagang pinuhunan nila. Basta makakakuha sila ng isang tunay na kayamanan, bale wala na sa kanila ang pagbabayad ng kaunting halaga bilang kapalit nito.

"Hmph!"

Ikinumpas ni Master Mo Yang ang kanyang kamay upang patigilin ang mga tao. Sumimangot siya at sinabing, "Ako, si Mo Yang, ay hindi natutong sumuri para lang sa pera. Hindi ako sumusuri ng mga bagay para sa inyong lahat para lang yumaman ako! Kung talagang gusto ko lang magkapera, hindi ko na kayo kailangang tulungan. Kailangan ko lang suriin ang isang artifact at ibenta ko, sa ganoong paraan kikita ako ng mas malaking pera hindi ba?"

"Keng…"

Hindi makapagsalita ang madla.

Tama ang mga sinabi niya. Gamit ang kanyang kakayahan sa pagsusuri, pwede niyang bilhin ang mga artifact na sinuri niya para maging kayamanan niya, at madali niyang mapagkakakitaan ang mga ito.

"Ang dahilan kaya ako nangakong sumuri ng mga bagay para sa inyo ay dahil sa mainit niyong pagtanggap sakin! Para sakin lumilipas lang ang pera, gaya ng mga ulap! Madaling kumita ng pera, ngunit walang katumbas na halaga ang pagkakaibigan!"

Habang nasa likuran niya ang mga kamay niya, nagmistulang isang santo si Master Mo Yang na tinitingala ng lahat. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Ang dahilan kung bakit nangako ako na susuriin ko ang mga artifact para sa inyo ay ang pagkakaibigan natin, hindi para sa pera. Kapag may nagsalita pa ng tungkol sa pera, huwag na kayong mag-aksaya ng oras sa paghingi ng tulong sakin!"

"Master, matalinhaga ang mga salita mo! Masyado kaming bastos!"

"Hindi namin mapapantayan ang moralidad ng master!"

"Hindi pa ako naging taga sunod ng kahit sino buong buhay ko. Ngayong araw, sayo lang ako unang susunod, master!"

Nang marinig nila ang mga sinabi ng master, lahat ng mga sumisigaw kanina ay nahiya dahil sa inasal nila.

[Tingnan mo kung paano niya dalhin ang sarili niya, habang tayo naman ay…

May basehan ba maipagkumpara kami?

Hindi nakapagtatakang isa siyang master habang kami naman ay maliliit na tao lamang.]

"Subalit, bago ako magsimula sa aking pagsusuri, may gusto lang sana akong sabihin. Ang isang mag-aalahas ay maaari lang mapataas ang posibilidad na makakuha kayo ng kayamanan. Hindi ko maipapangakong lahat kayo ay makakakuha ng kayamanan!"

Ang pagpapatuloy ni Master Mo Yang.

"Master, alam naming lahat na isang malaking sugal ang treasure speculation. Ang kakayahan mong malaman kung alin ang kayamanan at basura ay higit na mas mataas kaysa samin at nagtitiwala kami sayo!"

"Naniniwala kami sa iyong mga desisyon!"

"Alam namin ang mga patakaran, imposible namang lagi ka na lang makakakuha ng kayamanan di ba? Subalit, naniniwala kami na siguradong matutulungan kami ni master na kumita!"

Nagsimulang magsigawan ang mga tao.

"Dahil naniniwala kayong lahat sakin, magsisimula na akong ipahiya ang sarili ko. Pwede ko bang malaman kung sino sa mga kaibigan ko dito ang may gustong pilian ko siya ng isang artifact?" Tiningnan ni Master Mo Yang ang paligid.

"Ako!"

"Ako…"

Sa isang iglap lang, maraming tao ang nagtaas ng kanilang mga kamay at tumalon sa sobrang pananabik.

Kitang kita ang kakayahan ng isang mag-aalahas na manghimok ng tao. Ang bawat gawin nila ay nagdudulot ng pagkakagulo ng mga tao.

"Sige, ikaw!"

Tumuro si Master Mo Yang, at naglakad mula sa madla ang isang matabang lalaki, hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang napili. "Ako… Ako ba talaga?"

"Ikaw nga!" Tumango si Master Mo Yang nang may ngiti sa kanyang mukha, kitang kita ang aura ng isang master sa kanyang mga kilos.

"Salamat po, master!"

Napatalon sa tuwa ang lalaki habang nakatingin siya sa matandang kaharap niya. "Master, alin po ba ang dapat kong bilhin?"

"Titingnan ko muna!"

Hinawi niya ang kanyang damit, at naglakad. Kalmado siyang tumingin sa mga artifact na nakalagay sa platform.

Nanahimik ang mga tao dahil sa kanyang ginagawa, walang may gustong magsalita dahil natatakot silang maistorbo siya.

Hindi nagtagal, huminto siya at ipinatong niya ang kanyang kamay sa isa sa mga artifact. Matapos niyang pakiramdaman ang labas ng artifact, tila may ginamit siyang isang special technique na naging dahilan para manginig ang buong katawan niya. Ilang sandali pa, bahagyang namutla ang kanyang mukha.

"Sige, pwede mong bilhin ang isang 'to. Tiningnan ko na ito gamit ng aking special technique at ito ay nagkakahalaga ng malaki!"

Lumingon si Master Mo Yang at sinabihan ang lalaki.

"Ito?"

Nagningning ang mga mata ng lalaki at sumugod siya para tingnan ito.

Isa itong napakalaking kayamanan na nabalutan ng makapal na bato, hanggang magmistula isang malaking bato lamang ang artifact na 'to.

Ang ganitong klaseng kayamanan ang pinakamahirap linisin. Higit pa dito, dahil sa sobrang laki nito, na halos kasing laki ng tao, tatagal ng halos isa o dalawang araw bago tuluyang matanggal ang nakabalot na bato dito.

"Un!" Tumango si Master Mo Yang.

"Dahil inirekomenda ito ni master, bibilhin ko 'to!" Tumango ang lalaki at lumingon sa nagtitinda nito. "Magkano ba ang halaga nito?"

"50000 pirasong ginto!" Lumapit ang nagtitinda sa treasure speculation hall.

"50000" Nabigla ang lalaki sa halaga nito.

Hindi ito maliit na halaga lamang. Kahit na mayaman siya, halos sagad na iyon sa kaya niyang ilabas na pera.

Kahit nga ang mga kilalang high-level na teacher na gaya ni Shen Bi Ru ay kumikita lamang ng 1000 pirasong ginto sa loob ng isang buwan. Aabutin siya ng napakaraming taon bago siya makaipon ng 50000.

"Bilhin mo na yan! Inirekomenda ito ng master. Kung ayaw mo, ako na lang ang bibili…" Nang makitang nag-alinlangan ang lalaki, may sumigaw mula sa madla.

"Tama, imposibleng magkamali ang mga rekomendasyon ng master. Maaaring 50000 ang halaga nito ngayon, pero kung magkakahalaga ito ng 1000000 pagkatapos mo itong linisin, ibig sabihin ay sobrang yaman mo na…"

"Nitong mga nakaraang araw, ang mga kayamanang sinuri ng master ay maliliit lang. Ngayon, tila napagdesisyunan niyang ibigay ang lahat ng makakaya niya. Talagang napaka swerte mo ngayon…"

May ilang mga tao ang sumigaw.

"Sige, bibilhin ko 'to!"

Matapos siyang mag-alinlangan sandali, tumango ang lalaki at nagbayad.

"Sige, yung pangalawa naman!"

Pagkatapos bilhin ng lalaki ang artifact, tila nakabawi na si Master Mo Yang sa pagkapagod niya kanina at muling tiningnan ang paligid.

"Ako!"

"Ako…"

Nagtaasan ng kanilang mga kamay ang mga tao. Paglingon niya, napansin ni Zhang Xuan na nasa kumpulan ng mga tao ang tinderong tinulungan niya kanina. Nakataas ang kanyang kamay at masaya niya itong iwinagayway, kitang kita ang pagnanais niyang mapili ng master.

"Ikaw!"

Pumili ng isa pang tao si Master Mo Yang. Ngayon, isang matandang nakabihis mayaman ang napili niya. Sa isang tingin pa lang, makikitang napakayaman ng taong ito.

Gaya ng una, naglakad ang master sa tambak ng mga kayamanan at pumili ng isa sa mga ito.

"80000 pirasong ginto!"

Ang kayamanang ito ay higit na mas mahal kaysa sa artifact kanina. Ngunit, hindi man lang nag-alinlangan ang matanda at binili ito agad.

"Ito ay… Hindi ba ito yung Ornamental Vase na ginawa ng isang 1-mo craftsman mula sa Timog Kiln? 80000 pirasong ginto?"

Pagkatapos niyang tingnan ng maigi ang kayamanang pinili ni Master Mo Yang para sa matanda, hindi makapaniwala si Zhang Xuan at napakurap ang kanyang mga mata.

Maaari ngang hindi niya masiguro ang halaga ng ibang kayamanan, dahil hindi pa niya nakikita ang mga ito, pero natingnan na niya kanina ang artifact na pinili ni Master Mo Yang. Maaari ngang malaki ito, pero isang dekorasyon lang ang laman nito. Hindi nga ito nagkakahalaga ng kahit isang pirasong ginto man lang, tapos… 80000 pirasong ginto?

"Posible kayang nagkamali siya…"

Habang napupuno ng pagtataka ang kanyang isipan, hindi mapigilan ni Zhang Xuan na tumingin mukha ng master nang biglang umigkas ang kanyang isipan at lumitaw ang isang libro sa library.

Nakasulat ang mga salitang 'Mo Yang' sa librong ito.

"Posible kayang gumagamit siya ng battle technique ngayon?"

Base sa mga natatanging katangian ng Librarybof Heaven's Path, makakagawa lamang ito ng isang libro kung gagamit ng battle technique ang isang tao. Posible kayang gumagamit ng battle technique ang taong 'to ngayon?

Takang taka siya sa nangyari at binuklat na lamang niya ang libro.

"Ito… Ito ang…"

Habang binabasa niya ito, pumitik ang labi ni Zhang Xuan at makikita ang kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C42
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login