Download App
0.79% Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 18: Naloko

Chapter 18: Naloko

Editor: LiberReverieGroup

"Gusto mo 'kong patayin?"

Nang makita niya ang lalaki na naglabas ng patalim, nagulat si Zhang Xuan.

Mabuti na lang ay nagcu-cultivate siya at hindi natutulog. Kung hindi, kapag tahimik na lumapit sa kanya ang lalaki, malamang siguro ay mamamatay siya?

"Kailangan kong masigurado kung sino 'to!"

Alam ni Zhang Xuan na sa pagsasagawa ng ganitong klaseng pagsalakay, hindi simpleng indibidwal ang taong ito. Posibleng may organisasyon na nag-utos sa kanyang gawin ito. Kung hindi niya malalaman kung sino ang gustong pumatay sa kanya, kahit na mapatay niya ang taong ito, malamang ay marami pang ang magtatangka sa buhay niya. Kapag hindi niya hinarap ang organisasyon na may pakana nito, hindi na siya makakatulog ng payapa kahit kailan.

"Sino yan?"

Habang nag-iisip si Zhang Xuan ng paraan kung paano niya pipiliting magsalita ang taong 'to tungkol sa organisasyon na nag-utos sa kanya, narinig niya ang isang boses. Hindi niya alam, ang lalaking nakaitim na may hawak na patalim ay nakatayo na malapit sa kanya.

Hindi pa niya nasubukang sumubaybay sa isang tao dati. Nang makita niyang maglabas ng patalim ang lalaki, kinabahan siya at napabitaw ng hininga, dahilan para maramdaman ng lalaki ang kanyang presensya.

"Patay…"

Sumimangot si Zhang Xuan nang makita siya agad ng lalaki. Bago pa man niya sugurin ang lalaki, bigla siyang may naisip na magandang ideya.

"Nandito ako para patayin si Zhang Xuan, yung walang-kwentang guro na yun! Sino ka ba?"

Iniba ni Zhang Xuan ang tono ng boses niya para hindi siya makilala ng lalaki, at tsaka siya nagsalita.

Dahil nagpunta dito ang lalaki para patayin siya, naisip niyang malilito niya ang lalaki kapag sinabi niyang pareho sila ng balak gawin.

"Nandito ka para patayin siya?" Napaatras ang lalaking nakaitim. Ngunit, dahil nakita niya kung panong tinatakpan ni Zhang Xuan ang kanyang mukha at ang maingat na pagkilos nito, agad siyang naniwala sa mga sinabi ni Zhang Xuan.

"Totoo yan. Mapapahamak lang ang mga estudyante sa mga kamay ng walang-kwentang guro na yun!"

"Oh, sige ikaw na ang gumawa. Ako na lang magbabantay sa labas!" Ang sabi ng lalaking nakaitim.

"Ano?" Hindi maintindihan ni Zhang Xuan ang gustong mangyari ng lalaki. Sinubukan niyang ibigay ang gawain sa lalaki, "Sa tingin ko mas maganda kung ikaw ang gagawa. Tutal, iisa naman ang gusto nating mangyari, kaya ayos lang kahit sino satin ang gumawa!"

"Ikaw na ang gumawa. Yung totoo, wala akong balak patayin siya. Gusto ko lang siyang parusahan. Pero, kung mamamatay siya, sa tingin ko mas makakabuti yun!"

"Parusahan siya?"

Naguluhan si Zhang Xuan. Parusahan siya… Kung ganun, bakit siya may hawak na patalim? Hindi niya mapigilang magtanong, "Paano mo naman siya paparusahan?"

"Hmph, may sinubukang gawin yung taong yun sa young mistress namin. Balak kong putulin ang 'ano' niya at gawin siyang isang eunuch!"

Galit na galit na nagsalita ang lalaking nakaitim.

"..." Nang marinig niya ang mga sinabi ng lalaki, nakaramdam si Zhang Xuan ng malamig na hangin sa kanyang singit at bigla siyang nangatog dahil sa takot.

[Patay na! Kung natulog ako ngayong gabi, siguradong papasa akong tagasunod ng emperador pagkatapos nito!

****!

Sino ka ba sa akala mo, para maging ganyan ka ka-bayolente!

Walang galang sa young mistress mo?]

Sinubukang alalahanin ni Zhang Xuan ang mga nangyari sa buhay ng dating siya at ang mga nangyari pagkatapos ng muling pagkabuhay niya, pero mukhang hindi naman siya nagkaroon ng kahit anong relasyon sa isang young mistress!

"Yung Zhang Xuan na yun, narinig ko lang na hindi siya magaling na guro, ngayon ko lang nalaman na nambabastos din pala siya ng mga babae. Ano naman ba ang ginawa niya?" Hindi napigilan ni Zhang Xuan na magtanong.

"Hmph, isa siyang hayop na nagpapanggap na tao! Yung guro na yun, hayop siya! Ang aming young mistress… Kalimutan na natin yun, kapag naiisip ko yun, lalo lang akong nanggagalaiti!" Ramdam ang matinding galit mula sa boses ng lalaking nakaitim.

"..." Tanging mga bituin lang ang nakikita ni Zhang Xuan.

[Ano ba talagang problema mo, para tawagin mo 'kong hayop? Ano bang ginawa ko sa young mistress mo? Bukod pa dun, sino ba yung young mistress mo? Buti sana kung maganda siya, pero kung pangit, parang sobra-sobra na ata yung paratang niya sakin!]

"Bakit mo siya gustong patayin?"

Pagkatapos niyang insultuhin si Zhang Xuan, lumingon ang lalaking nakaitim kay Zhang Xuan.

"Ako?" Hindi inasahan ni Zhang Xuan na tatanungin siya ng lalaki. Napaisip siya saglit bago siya nakasagot, "Ano kasi… Hindi ko matatanggap ang pambabastos niya sa mga babae!"

"Alam mo ang tungkol sa pambabastos niya sa mga babae? Sino bang binastos niya?" Nabahala ang lalaking nakaitim sa sinabi niya.

"Ganito kasi…" biglang sumimangot si Zhang Xuan at sinabing, "Hindi ko na kailangang sagutin ang tanong mo!"

"Tama ka, tutal pareho tayo ng layunin, ikaw na ang mauna!" Nang makita niyang walang balak magsalita ang kausap niya, kahit na nagdududa siya dito, pinili na lamang niyang manahimik at sumenyas na lang kay Zhang Xuan na siya na ang mauna.

"Mas maganda kung mauuna ka! Kapag ako ang nauna, malamang patay na siya bago mo pa maputol ang ari niya. Masmaganda kung puputulan mo muna siya bago ko siya patayin!" Ang sagot ni Zhang Xuan.

"Ah…" Nagsimulang mag-alangan ang lalaking nakaitim. Tumingin siya kay Zhang Xuan ng may pagdududa.

Nagsimula siyang maghinala.

Imposibleng nagkataon lang ang lahat ng ito? Kasabay ng pagtatangka niyang pagkapon kay Zhang Xuan, may lumitaw naman na gusto siyang patayin? Kung hindi dahil sa takot niya sa lakas ni Zhang Xuan, malamang ay inatake na niya ito.

"Bakit? Hindi ka ba naniniwala sakin? Kung wala akong balak na patayin siya, bakit naman ako pupunta dito ng alanganing oras!" Nang mapansin niyang nagdududa na ang lalaki, sinubukan ni Zhang Xuan na pawiin ito.

"Un!"

Nang marinig niya ang mga sinabi ni Zhang Xuan, nagdalawang-isip ang lalaki bago siya tumango at naniwala sa mga sinabi ng kausap niya.

[Totoo yun, malalim na ang gabi. Kung hindi siya nagpunta dito para patayin si Zhang Xuan, bakit siya nagpunta dito?]

"Hindi ito dahil wala akong tiwala sayo. Pero tutal pareho naman ang gusto nating mangyari, magsabay na tayo!" Sumagot ang lalaki pagkatapos makapag isip-isip.

Medyo naghihinala pa rin siya sa taong kaharap niya.

"Masyado kang nag-aalala. Huminahon ka, may mga prinsipyo din akong sinusunod bilang tao. Pero, dahil wala kang tiwala sakin…" Hindi na ipinagpatuloy ni Zhang Xuan ang usapan at sinabing, "Tara sabay na tayo!"

Pagkatapos nito ay, sumugod siya paharap.

"Fighter 5-dan pinnacle?" Nang makita niya ang kilos ni Zhang Xuan, agad na nalaman ng lalaking nakaitim ang lebel ng kanyang cultivation. Ginamit niya ang kanyang qinggong[1] at sumunod kay Zhang Xuan.

Nang makita niyang nakasunod sa kanya ang lalaking nakaitim, agad na lumingon si Zhang Xuan sa lalaki.

Boom!

Umugong ang Library of Heaven's Path at lumitaw ang isang libro.

Ang skill na ginamit ng lalaki para sundan siya ay katumbas ng paggamit ng isang technique sa pakikipaglaban. Kapag ang isang tao ay gumamit ng skill, makakagawa agad ang Library of Heaven's Path ng libro na naglalaman ng mga kahinaan niya at dahil dito, malalaman niya ang katauhan ng lalaki.

Tumingin si Zhang Xuan sa libro.

Nakita niya ang dalawang salita na nakasulat sa cover ng libro, 'Yao Han'.

"Parang pamilyar yung pangalan na 'to… Saan ko ba narinig 'to?" Tumitig saglit sa cover ng libro si Zhang Xuan bago niya binuklat ang mga pahina nito.

"Yao Han, ang butler ng Baiyu City Lord Residence. Fighter 6-dan Pixue primary stage, walong acupoint na ang nabuksan niya!"

"Siya?"

Nang makita niya ang mga salitang Baiyu City, agad na naalala ni Zhang Xuan kung sino ang kaharap niya.

Hindi ba siya yung butler na galing sa Baiyu City na sumugod at nagbanta sa kanya noong tunanggap niya si Zhao Ya bilang estudyante niya?

[Kaya pala pamilyar ang boses at pangalan niya!

Kaso lang…

Ibig sabihin yung young mistress na sinasabi niya ay si Zhao Ya… Ano bang ginawa ko sa kanya para puntahan mo pa ako dito para lang kapunin ako?]

"Ang lakas ng loob mong siraan ako… Kahit na masmalakas ka pa sakin, tuturuan kita ng leksyon!"

Mas lalo siyang nagagalit habang iniisip niya ang tungkol dito.

Kung tungkol 'to sa isang bagay na ginawa ng dating siya, at dahil napadpad siya dito para palitan siya, kahit na pakiramdam niya ay nilalapastangan siya, aaminin niya ito. Ngunit, ang problema ay… wala siyang ginawa! Para akusahan siya ni Yao Han sa isang krimen ng wala naman siyang ginagawa, sobrang sama niya!

Habang naiisip niya ang mga ito, nagpatuloy siya sa pagbabasa sa listahan.

"Cultivation Technique: White Jade Circulation Technique!"

"Battle Techniques: Mystical Diagram Palm (Expert), Mystical Diagram Fist (Expert)..."

"Mga Kahinaan: 16 na aspeto. No. 1, ang kanyang mingmen ay nasa puwetan niya at ang kanyang mga skill ay hindi kayang depensahan ang mga atakeng naka direkta dito… No. 2… No. 3…"

Gaya ng dati, inilista ng libro ang lahat ng kahinaan ng taong ito.

Dahil walong acupoint na ang nabuksan niya, ibig sabihin nito ang lakas niya ay nasa 12 ding. Kung susubukan siyang labanan ni Zhang Xuan, siguradong hindi niya matatapatan ang lalaki.

Subalit…

"Ano ngayon kung nasa Pixue realm ka na? Ano naman pakialam ko kung 12 ding ang lakas mo? Kapag di kita tinuruan ng leksyon ngayon, hindi na ako si Zhang Xuan!"

Hu!

Sa puntong ito, biglang huminto si Zhang Xuan.

"Anong problema?"

Nang makita niyang huminto si Zhang Xuan, nagtaka ang lalaki at agad na nagtanong.

"Tignan mo may UFO!"

Pasimpleng turo ni Zhang Xuan.

"UFO? Anong UFO?"

Nagulat ang lalaking nakaitim at agad na lumingon upang tignan ito. Dahil dito agad na nakita ni Zhang Xuan ang kanyang mingmen.

Naguluhan si Yao Han. Alam niya ang paru-paro, ultimatum at espiya. Subalit, ano nga ba ang isang 'UFO'?

TL Note: Paru-paro -> Hu Die | Ultimatum -> Tong Die | Spy -> Jian Die | UFO(Flying saucer) -> Fei Die | Ang Die ay binibigkas na Di-yeh.

"Mamatay ka na!"

Hinihintay ni Zhang Xuan ang pagkakataon na 'to. Walang pag-aalinlangan, buong pwersa niyang sinipa ang puwet ng lalaki.

Peng!

Bago pa man makakilos si Yao Han, nasipa na ni Zhang Xuan ang kanyang mingmen. Lumipad si Yao Han at lumagapak sa isang bato sa di kalayuan. Tumulo ang dugo mula sa sugat niya sa kanyang ulo.

[Tutal gusto mo 'kong kaponin, mas maganda siguro kung kakaponin kita ngayon?]

Mas lalo siyang nagagalit sa tuwing naiisip niya ito. Sumugod papalapit sa kanya si Zhang Xuan at umupo sa kanyang katawan. Pinagsusuntok ni Zhang Xuan ang mukha ni Yao Han.

[Anong Pixue realm expert, anong 12 ding expert? Malakas sila? Kung malalaman mo ang mingmen nila at mga kahinaan nila, pwede pa rin silang mamatay kapag biglaan mo silang inatake.

"Bwisit ka…"

Hindi inasahan ni Yao Han na bigla siyang aatakihin ng taong guatong pumatay kay Zhang Xuan. Ang masama pa dito, tinamaan ang kanyang mingmen, na dahilan para manigas ang buong katawan niya. Hindi siya makaganti kahit na gustuhin niya. Nanginig sa galit ang katawan niya.

[Akala ko ba sabay naming aatakihin si Zhang Xuan?

Ano 'to!

Nasaan yung tiwalang sinasabi mo?

Nasaan yung sinabi mong prinsipyo mo bilang tao?

Bukod pa dito… Kahit na anong mangyari, isa kang Fighter 5-dan Dingli pinnacle master, isang eksperto sa hanay ng mga eksperto. Dapat may tamang asal ka pa rin kahit na sa pakikipaglaban. Para magsinungaling ka sakin at palihim akong atakihin bago mo ko pinagbubugbog…

Para saan pa ang mga technique sa pakikipaglaban?

Anong nangyari sa pagpapalitan ng suntok?

Para saan ang cultivation technique mo?

Kahit ang mga gangster sa kalye ay hindi ganito makipaglaban…]

Sunud-sunod na sakit lamang ang naramdaman niya sa kanyang mukha. Halos mabaliw na si Yao Han.

Sa mga oras na 'to, alam na niyang niloko siya ng lalaking naka maskara.

Higit pa dito, ito ang isa sa pinaka malalang klase ng panloloko.

_____________________________________

[1] Qinggong - Literal itong maisasalin bilang 'Art of Lightweight'. Tumutukoy ito sa paggalaw ng mga paa upang pagaanin ang bawat yapak nito, pinalalakas nito ang kakayahang tumalon ng isang tao, ang bilis sa pagtakbo at ang kaliksihan para madali siyang makaiwas.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C18
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login