Download App
95.13% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1486: Spirit Jade Palace Lord (5)

Chapter 1486: Spirit Jade Palace Lord (5)

Editor: LiberReverieGroup

Nabahiran ng gulat ang mukha ng Spirit Jade Palace Lord ngunit bigla itong humalakhak.

"Little Brother, hindi ba't medyo nagyayabang ka na dito?"

Lumipat ang tingin ni Jun Wu Xie dito at sinabi: "Kung hindi ko iyon kayang gawin, hindi ko

iyon sasabihin sa iyo."

"Talagang isa kang kawili-wiling bata. Ngunit kung nais mo ako kumbinsihin na tanggapin ang

iyong mungkahi, ay hind iyon magiging madali. May kailangan muna akong makita na

konkreto." Saad ng Spirit Jade Palace Lord.

Hindi na nagulat maski kaunti si Jun Wu Xie sa pag-iingat ng Spirit Jade Palace Lord.

Hinahangaan niya ang mga kaanib na maingat sa mga bagay na makakabawas sa anumang

pagkakataon ng pagkakamali o di-pagkakaunawaan sa kanilang pagtutulungan.

"Saad ng Palace Lord na nagtataglay ako ng mahalagang kapagyarihan. Sa antas ng

kapangyarihang ito, ano kaya ang magagawa ko matapos matanggap sa Twelve Palaces?"

Hindi nagmamadaling tanong ni Jun Wu Xie.

"Isang natatanging talento, siguradong ikaw ay pahahalagahan." Matindi ang paghanga ng

Lord ng Spirit Jade Palace kay Jun Wu Xie sa nagawa nitong pag-abot sa ganoong antas ng

kapangyarihan sa napakabatang edad. Sa buong Middle Realm, iilan lamang ang makagagawa

na makamit ang ganoong pamantayan at maging ang napakalakas na Twelve Palaces ay

masasabik na makakuha ng miyembro na tulad niya.

"Kung sisikapin ko ang aking buong makakaya at puspusang magsikap para sa Twelve Palaces,

pakikitunguhan ba nila ako na parang isa sa kanila at aayusan ako?" Patuloy na tanong ni Jun

Wu Xie.

"Siguradong gagawin nila iyan. Ang layunin ng Battle of Deities ay para sa kanila upang

matukoy nila ang mga kabataan na napakabata pa lamang at musmos sa pamamaraan ng

mundo, ang pinakalayunin nila ay magawang ayusin at magkaroon ng makapangyarihang

miyembro na tapat sa kanila." Saad ng Spirit Jade Palace Lord sa kaniya.

"Paano kung magawa kong saksakin sila sa puso sa puntong iyon?" Patuloy na tanong ni Jun

Wu Xie.

Bahagyang tumawa ang Spirit Jade Palace Lord at sumagot: "Kahit na makagawa ka ng

matinding kaguluhan sa isang palace, ay hindi mo pa rin magagawa na yanigin ang

pundaksyon ng Twelve Palaces. Bagaman hindi sila ganoong nagkakaisa sa panlabas at sa

puso, ngunit naglagay sila ng malaking halaga sa kanilang titulo nilang isa sa Twelve Palaces.

Maliban na lamang kung wala na silang ibang pagpipilian, ay siguradong aalisin nila lahat ng

pagkukunwari at kagandahang-loob at pabagsakin ang bawat isa. Kaya naman, kahit magawa

mong kontrolin ang isa sa Twelve Palaces, ay wala iyon masyadong halaga."

"Hindi lang isa." Biglaang itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo, bahagyang itinaas ang

kaniyang baba. "Kundi lima."

"LIMA?!" Ang tugon na iyon ha laos kalahati na sa bilang nila ay nagbigay ng matinding gulat

sa Spirit Jade Lord.

"Limang kabataan na nagtataglay ng kapagyarihan tulad ng sa akin." saad ni Jun Wu Xie.

"Kapareho rin ng iyong edad?" Tanong ng Spirit Jade Palace Lord.

Tumango si Jun Wu Xie.

"At paano ka nakakasiguro na ang mga taong ito ay hindi tatalikuran ang kanilang mga sinabi

matapos silang matanggap sa Twelve Palaces?" Matiyagang tanong ng Spirit Jade Palace Lord.

Bahagyang ibinaba ni Jun Wu Xie ang kaniyang mata at at muling nilagyan ng laman ang kopita

niyang wala ng laman.

"Dahil sa puso nila ay mayroong paghihiganti na hindi nagpapahintulot sa kanila na makita sa

ilalim ng parehong Heavens kasama ng Twelve Palaces."

Ang Lord ng Spirit Jade Palace ay natahimik at patuloy na tinitigan ang binatilyon ito na tila

simple lamang ang mga bagay sa pananalita nito, ang mata nito'y puno ng emosyon.

"Nangahas ka na sabihin lahat ng ito sa akin ngayon, pero hindi ka natatakot na baka sabihin

ko lahat ito sa Twelve Palaces?"

Dumako ang tingin ni Jun Wu Xie doon at sinabi.

"Kahit na sabihin mo sa kanila bawat salita, hindi ka nila paniniwalaan."

Doo'y humagalpak ng tawa ang Lord ng Spirit Jade Palace.

"Tama ka! Sino ang maniniwala na kahit sino mula sa Spirit Jade Palace ay nais tulungan ang

Twelve Palaces na makatakas sa isang plano laban sa kanila? Kahit ako mismo ang magsabi sa

kanila, iisipin lamang nila na sinusubukan ko gumawa ng balakid sa pagitan nila, at hindi nais

na makita na makakuha sila ng kakaibang mga talento!"

Nagpatuloy ito sa pagtawa ng ilang sandali pa, at bigla ay huminto ito. Ang pares ng kaakit-akit

na mata nito ay dumako sa gilid ng mukha ni Jun Wu Xie.

"Bata, naisip mo bang lahat ng ito nang una mong makita si Zi Jin? Naisip mo na hindi lamang

ako mananatiling nakaupo habang ang aking disipulo ay inaapi ng iba, at nalaman na ang

Twelve Palaces at Spirit Jade Palace ay di akma tulad ng apoy at tubig kung saan ay hinding-

hindi kita isusumbong, kaya, lakas loob at tiwala mong isiniwalat sa akin lahat ng iyong

plano?" Lahat ng iyon, bawat isang hakbang na ginawa niya, lahat ay nasa kalkulasyon na ng

bata!

Bahagyang itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo, walang inaamin o itinatanggi na kahit ano,

at tinitigan ng kaniyang malamig at kakila-kilabot na mata ang Lord ng Spirit Jade Palace.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C1486
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login