Download App
89.5% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1398: The Face of Sylvan (2)

Chapter 1398: The Face of Sylvan (2)

Editor: LiberReverieGroup

Ang mga Poison Men ay halos kasing-lakas ng demonyo kung ihaharap sila sa mga pangkaraniwang sundalo. Ngunit nang dumating ang mga Purple Spirits, walang kalaban-laban ang mga ito. Sa pagsasanib-pwersa nina Jun Wu Xie at ng kaniyang mga kasamahan, nabaliktad nila ang laban.

Ang pigura ni Jun Wu Xie ay dumaan sa grupo ng Poison Men at sa isang sipa lang nito, malayo ang pinagtapunan ng isang Poison Man.

Walang sariling isip ang Poison Men, ang tanging nasa isipan lang nila ay ang pumatay. Tila nakaprograma sa kanilang isip ang pumatay. Wala silang nararamdaman kahit takot. Nagpatuloy sa pag-atake ang Poison Men kung kaya naman naubusan na ng pasensya si Jun Wu Xie.

Ang mga hayop sa kagubatan ay may natural na instinct para protektahan ang kanilang sarili. Pero ang Poison Men na nasa kanilang harapan, tila mga puppet na kinokontrol ng sinumang nasa likod ng lahat ng ito.

Tumadyak si Jun Wu Xie sa lupa!

Ang kaniyang payat na pangangatawan ay lumipad sa ere. Inangat niya ang kaniyang kamay at tinanggal ang hikaw---ang Face of Sylvan. Ginamit niya ang matalim na parte ng Face of Sylvan at itinusok iyon sa kaniyang daliri. Bumalot sa hikaw ang kaniyang dugo.

Initsa ni Jun Wu Xie ang hikaw na nababalot ng dugo. Nasinagan iyon ng araw at ang sumunod ay umulan ng glitter sa mga Poison Army.

Hindi nakuha ng maliit na hikaw na iyon ang atensyon ng Poison Army. Nagpatuloy ang mga ito sa pag-alulong, wala silang kamalay-malay sa bangungot na mangyayari sa kanila.

Bumagsak ang hikaw sa lupa nang walang nakakapansin. Ang dugong naroon kanina ay in-absorb ng hikaw. Maya-maya, nag-umpisang magliwanag ang hikaw at ang ilaw na iyon ay tila nakakabulag!

Parang may sariling buhay ang liwanag na lumalabas sa hikaw na iyon. Ang hikaw ay parang buto at ang mga liwanag na lumalabas doon ay parang ugat nito na dahan-dahang bumabaon sa lupa!

Isang nakakabinging dagundong ang narinig ng lahat!

Ang lupang nasa harapan ng mga sundalo ay nagsimulang magbitak-bitak habang gumagalaw ang lupa na tila ba lumilindol!

Sa kinatatayuan ng Poison Men nagsimulang lumaki ang mga bitak habang patuloy pa rin sa paggalaw ang lupa!

Habang patuloy sa pagdami ang mga bitak, ang berdeng ugat ay nakarating sa pinakailalim ng lupa at tuluyan na nga nitong sinira ang lupa!

Ang mga ugat na iyon ay kasing-laki ng katawan ng puno, nagpatuloy ito sa paggapang hanggang sa makalabas mula sa lupa kung saan naroon ang mga Poison Army!

Halos matumba ang Emperor ng Qu Country dahil sa lindol. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla dahil sa lindol, sunod nilang narinig ang tila pagbagsak ng mabigat na bagay mula sa langit!

At heto ngayon sa kaniyang harapan, ang bagay na kahit kailan ay hindi niya makakalimutan!

Ang mga sanga ay tila demonic plant na tumubo mula sa ilalim ng lupa. Nang lumabas iyon sa lupa ay inipit ng mga iyon ang Poison Men Army. Sa sobrang tibay non ay kahit na gaano pa kalakas ang Poison Men hindi nila nagawang kumawala sa ugat!

Sumayaw at gumapang ang mga ugat na iyon sa Poison Men Army hanggang sa tuluyang mabalot ang katawan ng mga halimaw. Patong-patong ang mga ugat kaya naman imposibleng makawala pa doon ang mga halimaw!


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C1398
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login