Download App

Chapter 1368: Kayamanan, Parating Na Kami! (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang napakalaking ahas ay pumailanlang sa kalangitan, may pakpak sa likuran, dalawang

matutulis na pangil na nakalabas sa bibig at gagamitin bilang depensa.

"Ang Imprisoned Serpent ay isa sa mga sagisag ng Dark Regions at sumisimbulo ng kanilang

dakilang lakas. Lubos na kaaya-aya sa Dark Emperor ang mga uri ng ahas at mayroong

dalawang Imprisoned Serpents sa buong Middle Realm, sila ay nasa kamay ng Dark Emperor.

Sabi nila na ang Imprisoned Serpents bukod sa pagiging simbolo, ay may pambihirang

katangian sa kanilang pag-iral. Hindi ito isang uri ng halimaw o espiritu ng katawan na

maaaring makatawid sa pagitan ng dalawang eroplano. Kaya niyang mag-anyong solid form at

maaari din panatilihin ang anyong espiritu". Dahan-Dahang sinabi ni Fan Zhuo.

"Ang mga tao sa Dark Regions ay maaaring ibinatay ito sa dalawang Imprisoned Serpents

nang ginawa nila ang pintuang ito, ipinapahiwatig na nakabantay sila sa himlayan ng Dark

Emperor."

Nang marinig ang paliwang ni Fan Zhuo, hindi maiwasan ni Ye Gu na sumulyap sa bata, iniisip

na ang sinabi ay hindi malayo sa katotohanan.

Tumaas ang kilay ni Jun Wu Yao at itinaas ang kamay at itinulak ang pintuang jade upang

bumukas!

Ang napakabigat na pintuang jade ay bumukas, malakas na umingit habang sila ay papasok

upang makita ang nasa loob.

Sa likod ng mga pintuan, ang lahat ay agad na bumungad kay Jun Wu Xie at mga kasama.

Ito ay isang napakalaking palasyo na mayroong mga kamangha- manghang bahagi, ang

kisame ay umaabot sa napakataas kung saan labing-walong makakapal na kadena na nakabitin

sa bawat panig ng palatial hall, ang kabilang dulo ay magkakasama sa isang lugar sa bandang

gitna.Nakabanat sa napakalaking itim na kabaong na nakalutang sa gitna.

Ang kabaong na nakalutang sa gitna ay napakalaki at kahit na kulay itim, titingnan pa ring

mabuti, mapapansin na may hindi maintindihang sagisag na nakatago sa loob ng itim na

paligid, mahigpit ang pagkakahabi sa bawat isa. " Iyon na nga ang kabaong ng Dark

Emperor…"bulong ni Rong Ruo at tumingala upang tingnan ang kabaong na nakabitin sa itaas,

ang kaniyang pakiramdam ay parang may malaking bato ang dumagan sa kaniyang dibdib,

mapaniil at hindi makahinga.

Ang bawat isa ay kayang hulaan kung sino ang may-ari ng kabaong. Sa puntong ito na ang

lahat ng mahiwagang bagay na kanilang inaasam ay nasa harapan na nila, hindi sila

nakaramdam ng kasiyahan, ang kanilang antensyon ay nasa kabaong na nasa harapan nila.

Ang payapang nakahimlay sa lugar na ito, ay ang Dark Emperor na pinagkaisa at naghari sa

buong Middle Realm…..Ang Lord of the Dark Regions!

Ang lahat na mga kwento at haka-haka na kanilang narinig dati tungkol sa Dark Emperor, sa

sandaling iyon ay biglang nabalutan ang kanilang mga puso ng mabigat at taimtim na

pakiramdam.

Hind sila makaramdam ng anumang kasiyahan sa kanilang sarili, ngunit nakita nila ang

kanilang sarili na hindi makahinga sa ilalim ng mapaniil na sinag na ipinaramdam sa kanila ng

dalawang salitang 'Dark Emperor'

Sa sandaling napagtanto nila na ang Dark Emperor na minsang nagpayanig sa buong Middle

Realm ay nasa harapan nila, ang pangkat ng kabataang kasama nila ay naging seryoso.

Yumuko at nanalangin si Qiao Chu , at paulit ulit na nagbigay ng paggalang.

Walang tigil ang pagbulong.

"Lord Dark Emperor, lahat kami dito ngayon ay wala nang ibang pagpipilian, at nais naming

manghiram ng ilang bagay upang dalhin kami mula sa iyong kapita-pitagang imahe.

Ipinapanalangin ko na hindi ito pansinin ng iyong dakilang pagkatao."


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C1368
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login