Download App
69.01% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1078: Spirit Taming Bone Flute (3)

Chapter 1078: Spirit Taming Bone Flute (3)

Editor: LiberReverieGroup

Pilit na kumakawala si Xiong Ba mula sa pagkakahawak sa kaniya.

Humihina ng humihina ang reaksyon ni Lord Meh Meh, ang sahig na kinatatayuan ni Qu Wen Hao ay basang-basa ng pawis. Maging ang suot nitong damit ay pwede nag pigain sa sobrang pawis.

At sa wakas, nawalan na ng malay si Lord Meh Meh. Hindi na ito gumagalaw sa kama. Tinigil na rin ni Qu Wen Hao ang pagtugtog sa flute. Halos matumba si Qu Wen Hao sa kaniyang kinatatayuan matapos niyang tumugtog. Mabuti na lang at nasaklolohan ito ng isang Clan Chief na nasa tabi.

Tinulak ni Qu Wen Hao ang lalaki saka tumayo ng tuwid. Tumingin ito sa tupang nasa kama at nagsalita. "Dalhin niyo yan."

Agad tumalima ang isa sa mga Clan Chief at binuhat si Lord Meh Meh na walang malay.

Natumba sa sahig si Xiong Ba habang nakatitig kay Qu Wen Hao.

Hindi siya makapaniwalang ang Grand Chieftain na labis niyang nirerespeto ay gagamitin ang Spirit Taming Bone Flute para kunin ang Spirit Beast ni Jun Xie…

Napapikit si Qing Yu sa sobrang sakit na nararamdaman ng kaniyang kalooban. Hindi niya na matagalan pang mapanood iyon.

Hindi nangahas na tumingin si Qu Wen Hao sa direksyon ni Xiong Ba. Hindi niya kayang makita ang kabiguan sa mga mata nito. Huminga siya ng malalim at pinatatag ang kaniyang puso.

Karga na ng isa sa mga Clan Chief si Lord Meh Meh. Naiwang nakatitig lang ang Sacrificial Blood Rabbit. Ilang beses itong tumalon-talon, gusto nitong sumunod kung saan dadalhin ang tupa.

Tumingin ang Clan Chief sa "big eared rabbit" na maraming sugat sa katawan. Pagkatapos ay lumipat ang tingin kay Qu Wen Hao.

"Grand Chieftain, ang kunehong ito…"

"Hindi na iyan kailangang dalhin." Malamig na saad ni Qu Wen Hao.

Walang nagawa ang Clan Chief kundi ang itaboy ang kuneho.

Nagpatuloy na tumalon-talon ang kuneho nang makatayo ito. Gusto nitong sumunod kay Lord Meh Meh.

Naubusan na ng pasensya ang Clan Chief at sinipa nito ang Sacrificial Blood Rabbit palayo!

Umungol ng malakas ang Sacrificial Blood Rabbit. Agad na naglakad ang Clan Chief na may karga kay Lord Meh Meh.

Nang buksan ni Qu Wen Hao ang pinto, isang malakas na Spirit Beastial power ang kanilang naramdaman!

Isang malakas na sigaw ang sunod na narinig. Ang Clan Chief na may dala kay Lord Meh Meh ay natumba sa sahig!

Kinakagat ito ng kuneho sa leeg!

Ang mapulang mata ay diretsong nakatingin kay Qu Wen Hao. Ang Sacrificial Blood Rabbit na ngayon ay puno na ng dugo ay nagsimulang maglakad. Iniluwa nito ang buto sa leeg na kaniyang kinagat kanina lang. Kinuha nito ang walang malay na si Lord Meh Meh habang nanatili kay Qu Wen Hao ang tingin!

Nakatitig lang si Qu Wen Hao sa kuneho at nabuo ang tatlong salita sa kaniyang isipan, Sacrificial Blood Rabbit!

Bilang Grand Chieftain ng Thousand Beast City, paanong nakaligtaan niya ang Guardian Grade Spirit na ito!

Narinig niya noon kay Qing Yu na mayroong iniligtas si Jun Xie na kuneho mula sa Spirit Beast Arema ngunit hindi niya iyon gaanong pinagtuunan ng pansin. Maging nang makita niya ito kanina sa silid ay hindi niya ito pinansin.

Ngunit ngayon hindi lang isang galit na kuneho ang nasa harapan nila ngayon!

Kundi isang Spirit Beast na may kapangyarihan ng Guardian Grade...Sacrificial Blood Rabbit!


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C1078
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login