Download App
62.22% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 972: Galit ni Lord Meh Meh (1)

Chapter 972: Galit ni Lord Meh Meh (1)

Editor: LiberReverieGroup

Ang malapot na amoy ng dugo ay kumalat sa buong Spirit Beast Arena. Ang masangsang na

amoy na iyon ay hindi lamang nagpasigla sa diwa ng Spirit Beast nagdulot din iyon ng

kakaibang kulo sa dugo ng mga manonood.

Sa ilalim ng malakas at maingay na paligid ay kinarga ni Jun Wu Xie si Lord meh Meh at dahan-

dahang naglakad patungo sa battle arena platform. At nang makita nila ang suusnod na

kalaban ng mabangis na tigre ay isang matinding katahimikan ang pumaloob sa buong lugar.

Ang lahat ay gulat na nakatitig sa isang binata na may kargang munting mabalahibong Spirit

Beast na tupa. Nagulat na sila kanina nang makita ang kuneho sa lugar na iyon at hindi nila

inaasahan na matapos lamang ang ilang laban ay makakakita silang muli ng bata na may

dalang isang Spirit Beast na walang kalaban-laban sa battle stage.

Matapos ang ilang sandali ng katahimikan ay isang malakas na tawan ang sumunod at halos

pumunit ito sa Spirit Beast Arena na kalahating natatakpan ng bubong.

"Isa na namang walang kalaban-laban na munting nilalang? Hindi pa makakagawa ng mas

magandang laban ang Spirit Beast Arena kaysa dito?"

"Nagmamadali ba ang batang iyan na maghandog ng libreng pagkain sa kalaban nitong Spirit

Beast? Palagay ko ang nagmamay-ari sa mabangis na tigre ay hindi na kailangan pang pakainin

ang kaniyang Spirit Beast. Lulunukin na lamang nito ng buo ang tupa upang maging pagkain."

"Ang mga kabataan ngauon ay nagiging sutil, nagdadala sila ng kung anu-anong uri ng Spirit

Beast dito na kanilang mahawakan."

Ang mga manonood ay hindi natutuwang makita si Lord Meh Meh para sa susunod na laban.

Nasaksihan pa lamang nila ang kuneho na halos durugin sa ilang segundo at pakiramdam nila

ay napakawalang kwenta ng laban na iyon. Hindi nila inaasahan na makakapanood sila ng

isang walang buhay at walang kwentang labanan ng dalawang beses ngayong araw.

Bagama't si Lord Meh Meh ay mas malaki ng kaunti sa kuneho ngunit ito;y halos singlaki

lamang ng ulo ng mabangis na tigre at nakakalungkot na ituring na hindi pa rin iyon sapat.

Mabilis na nakilala ng isa mula sa mga manonood si Jun Xie na ito ang parehong bata na

kumarga sa "bangkay" ng kuneho palayo. Naisip nilang lahat na ang bata ay mayroong

malambot na puso kaya hindi nila inaasahan na makikita nila ito doon upang dalhin ang

kaniyang munti at mahinang Spirit Beast sa battle platform upang mamatay.

Ang may-ari sa mabangis na tigre ay napansin rin si Jun Xie at nang sipatin niyang maigi si Lord

Meh Meh na buhat ni Jun Xie sa kaniyang braso ay bigla itong humalakhak ng napakalakas.

"Masasabi ko munting kapatid, niloloko mo ba ako ngayon? Iyang munti mong Spirit Beast ay

nais mo talagang ilaban sa mabangis kong tigre dito sa battle arena stage?" lubos ang dismaya

na tinignan ng lalaki ang mabilog at walang imik na tupa. Ang kaniyang Spirit Beast ay lubos na

ang pagkasabik matapos ang sunud-sunod na panalo at hangga'y maari ay ito ang oras upang

magtipon ng lubos na kadakilaan. Ngunit itong magkakasunod na naipanalong laban sa

pagitan ng mga walang kwentang Spirit Beast ay hindi magbibigay sa kaniyang tigre ng

pagkakaton upang maipakita ang kaniyang bangis at lahat ng iyon ay mapupunta lamang sa

wala.

"Munting kapatid, papayuhan kita na dalhin mo na ang iyong munting Spirit Beast pauwi

ngayon. Ang mabangis kong tigre ay nanalo na ng ilang beses at ngayon ay gutom na gutom na

ngunit ang karneng aking dala ay hindi sapat upang mabusog ito. Kung iyang munting nilalang

sa iyong braso ay makita ng aking tigre ngayon ay maaaring lunukin niya ang munti mong

alaga ng buo at kahit mga buto nito ay hindi mo na makikita."

Ang tinuran ng lalaki ay nagpahalakhak sa mga tao at iyon ay dumagundong sa buong arena.

Iniisip nila na ang paglabas ni Jun Wu Xie doon ay isang malaking biro sapagkat sinong tao ang

nasa matinong pag-iisip ang magdadala ng kaniyang Spirit Beast sa kamatayan at alam na alam

niyang wala itong pagkakataon na manalo?

Malamig na tinitigan ni Jun Wu Xie ang lalaki sa kaniyang harapan at patuloy sa pagdaldal

habang ibinababa si Lord Meh Meh sa battle platform.

Lumingon si Lord Meh Meh kay Jun Wu Xie bakas sa mukha nito ang pagkalito.

"Meh?"

[Anong gagawin ni Lord Meh Meh doon? Ayaw ni Lord Meh Meh doon, gusto ni Lord Meh

Meh ng yakap!]

Hindi ito natutuwa. "Kakakuha" pa lamang nitong muli ng posisyon sa braso ni Jun Wu Xie

mula sa kuneho at ngayon ay lumalayo itong muli sa kaniya. Hindi natutuwang pinadyak ni

Lord Meh Meh ang kaniyang paa sa pagprotesta.

Nang makita ang pagmamaktol ni Lord Meh Meh, ang nagmamay-ari sa mabangis na tigre ay

muling humalakhak ng napakalakas habang malupit na nagsalita: "Munting kapatid. Tila ang

iyong Spirit Beast ay natakot ang diwa. Hindi mo ba talaga ito dadalhin palayo? Ang bilugan at

mabalahibong bola na ito ay maaaring hindi nagtataglay ng kahit anong kapangyarihan upang

umatake ngunit ito ay maituturing na nakakatuwang alaga."


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C972
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login