Sa piging, ang atensiyon ng lahat ay nakuha ng mga salita ni Lei Fan at sila ay tumingin sa gawi ni Jun Xie. Bagama't may ngiti sa labi ni Lei Fan, ang ngiting iyon ay hindi umabot sa mata nito.
Hindi agad sumagot si Jun Wu Xie at pinagpatuloy lamang na titigan ang nakangiting mukha ni Lei Fan. Matapos ang ilang sanadali na nanatili siyang tahimik, mabagal niyang itinaas ang kaniyang kopita at humigop mula doon para lamang sa palabas.
Ang Emperor ng mga sandaling iyon ay ngumiti: "Marahil ito ang pinakabatang kalahok ng Zephyr Academy tama? Ang pangalan mo ba ay Jun Xie?"
Tumayo si Jun Wu Xie at sumagot: "Ako nga."
"Mabuti, mabuti, mabuti! Ang mga bayani ay nadidiskubre sa mga kabataan. Hindi ko kailanman naisip na ang isang batang katulad niya ay makakamit ang mataas na karangalan, ang hinaharap mo ay walang hanggan! Halos pareho kayo ng edad ng Fourth Prince at sana kayong dalawa ay magkasama sa hinaharap." Tumatawang sabi ng Emperor, ang nakangiti nitong mga mata ay sinisiyasat mabuti si Jun Xie mula ulo hanggang paa. Subalit, nang makita niya ang singsing na suot ni Jun Xie, ang ngiti niya ay saglit na nawala!
"Jun Xie, ikaw ang pinakabata sa lahat ng kalahok na sumali sa Spirit Battle Tournament. Ang pinakabata sa kasaysayan ng paligsahan. Maaari bang magpunta ka sa harapan upang masilayan kitang maigi, kagila-gilalas na bata." Patuloy na pagsasalita ng Emperor na hindi nagbabago ang asal.
Hindi nais ni Jun Wu Xie na ipahiya ang Emperor sa harap ng karamihan na naroon kaya siya ay naglakad ng ilang hakbang palayo sa kaniyang upuan papunta sa harapan ng Emperor.
Nakangiti pa rin ang mukha ng Emperor, ngunit may bahid ng pagkagulat na kumislap sa kaniyang mata.
[Ang singsing sa daliri ni Jun Xie! Hindi niya iyon makakalimutan!]
"Jun Xie, ang singsing sa iyong daliri ba ang iyong ring spirit? Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako na suot ang kaniyang ring spirit sa daliring iyan." Ang spirit ring kadalasan ay isinusuot sa gitnang daliri ng kanang kamay at hindi iyon sa kung ano ang kagustuhan ng nagmamay-ari ngunit sa oras na magising ang ring spirit nito, ang ring spirit ay lalabas na lamang sa gitnang daliri nito at kadalasan ang taong iyon ay hindi babaguhin ang posisyon ng spirit ring.
Ngunit ang pilak na singsing ni Jun Xie ay nakasuot sa palasingsingan nito.
Yumuko si Jun Wu Xie at tiningnan ang singsing sa kaniyang ikaapat na daliri. Iyon ang singsing na napulot niya sa bahay na bato sa ilalim ng Heaven's End Cliff. Matapos umalis sa Heaven's End Cliff, ay lagi na niya itong suot at hindi na kailanman tinanggal.
Isang dahilan na roon ay ito lamang ang nag-iisang bagay na iniwan sa kaniya ng kaniyang "Master", at isa pa sa dahilan ay ang nauna niyang spirit ring ay hindi nakikita ninuman at ang magkaroon ng pilak na singsing sa kaniyang kamay ay magpapalito rin sa kaniyang mga kalaban.
"Oo ito nga, Your Majesty." Payak na sagot ni Jun Wu Xie. Bagama't sinusubukan ng Emperor na itago iyon, napansin pa rin ni Jun Wu Xie ang saglit na pagbabago sa reaksyon at asal ng Emperor na interesado ito sa singsing.
"Ganoon pala." Saad ng Emperor, nakahinga ang puso niya, ngunit ang pag-aalala na nasa kailaliman ng kaniyang mata ay hindi pa rin nawawala.
"Ako ay nagtaka lamang tungkol doon. Maaari ka ng bumalik sa iyong upuan Jun Xie. Ngayon ito ay pagbati para sa inyong lahat at isang pagdiriwang para sa mga nagwagi sa Spirit Battle Tournament. Kaya hangga't maaari huwag kayong tumayo lamang diyan."
Nagbalik si Jun Wu Xie sakaniyang upuan ngunit sa kaniyang puso, mamasdan niyang mabuti ang kakaibang kilos ng Emperor.
Opisyal ng nagsimula ang piging at ang mga mananayaw ay dahan-dahang sinabayan ang tugtog na pumailanlang sa buong bulwagan. Kasabay ang mga umiikot na palda at ang matamis na amoy ng mamahaling alak na sumusukob sa hangin, ang paligid ay nakakalasing sa mga bisita ng piging na iyon.
Matapos ang ikatlong ikot ng mga inuim, ang piging ay mas naging maingay. Ang apat na prinsipe ay nakipag-usap na sa mga bisita, ang mga disipulo ng War Banner Academy at Dragon Slayers Academy at nagpatuloy sa pagtagay para sa tagumpay ng Emperor. Nakangiti ang mukha ng Emperor ngunit ang kaniyang mata ay bakas na ang kaniyang isip ay nasa ibang lugar dahil sa mga payak na pagsagot nito sa kanila.
Kinuha ni Lei Fan ang pagkakataon na iyon kung kailan ang lahat ay mayroong kausap at tumayo upang maglakad palapit kay Jun Xie.