Masyadong naging masyaa si Xiong Jie tungkol sa pagkamatay ng kanyang dalawang kaaway
dahil naisip niya na mas magiging maayos na ang kanyang buhay. Ggayunpaman, hindi niya
inaasahan na mamatay siya bago pa man siya makapagsaya sa kannyang buhay. Namatay pa
siya sa kamay ng kanyang mga kauri.
Maaari sanang mapigilan ni Duan Ling Tian ang isa sa mga tatlong Great Guardian Warriors sa
pagpatay kay Xiong Jie kung gugustuhin niya ngunit dahil sa wala siyang plano na buhayin si
Xiong Jie, hinayaan niya na lamang. Ginagamit lamang nila ang isa't-isa. Pinatay ni Duan Ling
Tian ang dalawa sa mga kalaban ni Xiong Jie dahil dinala siya nito sa tatlong Great Guardian
Warriors . Hindi niya obligasyon na iligtas ito mula sa sarili niyang kauro. Isa pa, hindi siya
magiging mabuti sa mga Boar-Devil na pinatay ang marami sa kanyang mga tauhan.
Ang isa sa tatlong Great Guardian Warriors na pumatay kay Xiong Jie ay tumingin kay Duan