"Wala akong silbi, ipinahiya ko ang ama," Matapos makinig kay Dong Yuan Jin, nahihiyang yumuko si Dong Lin. Gayunman, mayroon pa ring mga bakas ng lamig sa kaniyang mga mata.
Sigurado, hindi ito nakadirekta sa kaniyang ama ngunit kay Duan Ling Tian!
Kung hindi dahil kay Duan Ling Tian, hindi niya pakiuusapan ang kaniyang amang ayusin ang kanilang hidwaan?
Kung hindi siya lumapit sa kaniyang ama upang ayusin ang mga suliranins, paano niya maririnig ang mga pagkadismaya ng kaniyang ama?
Mula sa umpisa hanggang sa wakas, sinisi ni Dong Lin si Duan Ling Tian.
Hindi niya naisip na dahil ito sa sarili niyang kawalang silbi!
Pati na rin ang una niyang paggalit kay Duan Ling Tian.
Kung mayroon talaga siyang integridad, kaya niyang magsikap sa kaniyang cultivation at maghiganti mag-isa, hindi niya kailangang humingi ng tulong sa kaniyang ama?