Kailangang nilang aminin na walang mga Black Armored Guard ang takot mamatay! Bagaman alam nilang abg taong nasa kanilang harapan ay mas malakas kaysa sa kanila, wala silang balak na umatras kahit ano pa man habang patuloy na pinalilibutan siya. Kahit si Duan Ling Tian ay may bakas ng respeto para sa kanila.
Kung ibang tao ito, maaaring tumakas na sila o magmamakaawa nang nalaman nila na mas malakas ito kaysa sa kanila. Ngunit, ang siyam na mga Black Armored Guard ay patuloy na umabante papunta sa kaniya at walang takot na pinalibutan siya na para bang hindi sila takot sa kamatayan kahit alam nilang wala silang laban dito.
Nang nakita ni Duan Ling Tian kung gaano sila katapang, ang kaniyang dugo ay nagsimulang kumulo sa pagkasabik. Ito ay para bang bumalik siya sa nakaraan kunh saan ay nasangkot siya sa ilegal na mundo kung saan ito ay napupuno ng dugo. Ang siyam na Black Armored Guard ay nakuha ang kaniyang respeto.