Sa kalagitnaan ng bulubundukin sa likod ng ulap, doon nakatayo ang apat na matatarik na bundok na nasa malalim na lugar. Tulad ng mga poste ng langit, sila ay tuwid na nakatayo patungo sa mga ulap.
Kung may taong pumansin sa tuktok ng apat na bundok, makikita na sa likod ng mga ulap na naaanod palayo ng hangin, may isang malaking isla na nakalutang sa himpapawid.
Ang isla ay nababalutan ng ng mga ulap, at ito ay nagmukhang mundo ng mga engkantado.
Ang isla ay walang suporta at lumulutang lamang sa hangin ng basta basta. Sa unang sulyap, ito ay nakakahanga sa mata.
'' A-ang islang iyan ay nakalutang lamang sa hangin? Diyos ko po! Papaano iyan naging posible?'' Maraming tao ang nagtipon tipon sa malapit na matarik na bundok. Ang ilan sa kanila ay nananatili ang mga mata sa umaaninag na isla sa likod ng ulap. Sila ay mayroong litong ekpresyon sa kanilang mga mukha.
Sa kanilang opinyon, ang bundok na ito ay lubusang sumasalungat sa lohika.