"Intermediate Saint Rudiment Stage!" Samantala, ang isa pang nakamaskarang lalaki ay sumigaw nnag malakas nang marinig ang sinabi ng nakatatandang lalaki. Kasabay nito, gulat at hindi paniniwala ang makikita sa kaniyang mga mata.
Ang kaniyang sigaw ay ibang-iba mula sa kaniyang tinig kanina. Pineke niya ang kaniyang tinig kanina upang maging bahagyang paos, ngunit ngayon hindi niya ito dinaya.
"Ouyang Qing!"Nakilala ni Duan Ling Tian ang kanyang tinig at kaagad nalaman kung sino ang nakamaskarang lalaki na mayroong tinig ng isang binata.
Siya ang Young Master ng Ouyang Clan, si Ouyang Qing.
Nataranta si Ouyang Qing nang mapagtanto niya na nalaman ni Duan Ling Tian kung sino siya. Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang pinepeke ang isang paos na tinig, "Anong Ouyang Qing? Wala akong ideya sa sinasabi mo."