"Halika, apakan mo na ako hanggang sa wala na akong pag-asa pang makatayo," pangungutya ni Duan Ling Tian habang nakatayo siya batong entablado. Nakatitig siya sa nakaberdeng kabataan na siyang nagyayabang lamang kanina.
Kita naman ng matakis na kabataan na wala nang aakyat pa sa entablado nang dahil sa sinambit niya. Matapos ang oras na para siyang nawawala, humakbang siya pa paharap habang tusong nakangiti.
"Ang lupit ng kumpiyansa mo. Pero 'pag masyado itong naparami, magiging kayabangan na ito! Iniisip mo ba na iba ka sa nakalipas na 23 na sumubok kanina? Iniisip mo bang kaya mo akong talunin para makapasa sa entrance assessment ng Moon Illumination Sect?" Pangungutya ng nakaberdeng kabataan gamit ang matining niyang boses, "Buwisit, hindi sa mababa ang tingin ko sa'yo… Walang kwenta ang isang Mastery Mortal Shedding Stage Martial Cultivator na tulad mo sa akin! Tinawag kitang langgam bilang pabor. Para sa akin, isa ka lamang dumi!"