"May naiisip ka nang tao?" Nagulat si Guo Li.
"Mm-hmm." Tumango si Duan Ling Tian.
Kahit parang nagmamadali pa siya sa pagsama kay Guo Li, napag-isipan na talaga niya ito nang maayos,
Hindi siya interesado sa pagiging disipulo ng City Governor ng Mound Hill City, ginusto na lamang niyang tulungan si Guo Li… Natural lang na tinrato niyang normal na kaibigan si Guo Li. Ang rason kung bakit ginawa niya ito ay dahil sa paalalang ibinigay nito sa kaniya.
Sa unang beses na nakilala niya si Guo Li, pinaalalahanan siya nito ng mga bagay kahit pa hindi sila ganoon kalapit sa isa't isa. Kahit pa hindi niya sinubukang takasan ang nangyari dahil sa kaniyang paalala, sa isip niya, naramdaman niyang parang may pabor siya sa kaniya.
Ngayon, magagamit niya ang oportunidad na ito para ibalik ang pabor.
Natural lang na ibabalik niya ang pabor kung magagawa ni Guo Li na maging disipulo ng City Governor ng Mound Hill City.