Magmula nang nilisan ni Feng Tian Wu and sikretong kayamanan ng Martial Emperor, hindi na niya iniwan pa si Duan Ling Tian. Lahat sila ay alam iyon.
Samakatuwid, ang pagtraydor kay Duan Ling Tian ay ganoon na din ang ibig sabihin kay Feng Tian Wu. Dahil dito, nakaramdam sila ng pagsisisi at hiya ng tignan nila si Feng Tian Wu.
"Wu'er!" Pagkatapos, napansin ni Feng Wu Daw si Feng Tian Wu. Napangiti siya at lumapit ng mabilis.
Gayunpaman, unti-unting nabura ang ngiti sa kaniyang mukha ng mapansin na iba na ang titig ni Feng Tian Wu. Malamig ito at lito na para bang nakatingin siya sa isang estranghero.
Nang maintindihan ni Feng Wu Dao na may mali, mabilis siyang bumaling kay Duan Ling Tian at nagtanong, "L-Laddie Ling Tian, a-anong nangyayari?"
"Tiyo Feng, panandaliang nawala ang memorya ni Tian Wu. Gayunpaman, wag kang magalala. Bigyan mo pa ako ng oras, maibabalik ko na ang mga alaala niya," matapat at naniniguradong sagot ni Duan Ling Tian.