Isang tahimik na umaga ang lumipas.
Nang magtatanghali na, ito'y nabuno ng halos pagtatanong ni Xiao Lan at pagsagot ni Duan Ling Tian sa lahat ng oras.
"Xiao Lan." Sa huli, pasikretong nangalit ang mga ngipin ni Duan Ling Tian at naghahandang maging pranka.
"Hmm?" Isang kapyangot na pamumula ang lumitaw sa magandang muhka ni Xiao Lan nang marinig niyang tinawag siya ni Duan Ling Tian. Ang mga mapupungay niyang mata'y sing lambot ng tubig na inaagusan ng liwanag sa loob.
"Hindi maikakailang isa kang katangi-tanging tso… Ngunit, ako…" Tumingin si Duan Ling Tian kay Xiao Lan at nagdalawang isip na magsalita.
Ang maselang pigura ni Xiao Lan ay bahagyang nangiig at saka nagtanong sa mahinang boses. "Dahil ba ito kay Ke Er at Li Fei?"
Bahagyang tumango si Duan Ling Tian.
"Kung hindi mo sila kasama, ikaw…" Habang isinasaad niya ito, bahagyang bumilis ang kanyang paghinga.