"Sinasadya?" Hindi mapigilan ni Duan Ling Tian ang matawa nang marinig niya ang nababaliw na sigaw ni Wu Yong Qian. "Sinabi mo na sinadya kong maging sanhi ng kamatayan ni Peak Master Wu Dao?"
"Mismo, ikaw ang nagsanhi ng kamatayan ng aking ama-amahana!" Ang mga mata ni Wu Yong Qian ay pulang-pula at nababalot ng uhaw sa dugong kagustuhang pumatay na nag-aantay ng pagkakataon na kainin si Duan Ling Tian.
Tumingin si Duan Ling Tian kay Wu Yong Qian ba para bang siya ay nakatingin sa isang tanga, pagkatapos ay tumingin kay Linghu Jin Hong at sinabi, "Sect Leader, ang mga katangian ng spirit fruit na inilarawan ko sa harap ni Peak Master Wu Dao ay eksakto nga sa spirit fruit na aking kinonsumo… Para naman sa spirit fruit na nakita ni Peak Master Wu Dao, base sa aking huli, siguradong ito ay isang spirit fruit na may parehong katangian sa spirit fruit na akong kinonsumo."