"Roar!" Kahit na ang patalim na tatlong talampakan ang haba ay lumusot lamang nang bahagya sa ulo ng Elephant Rhino, nakaramdam pa rin ito ng sakit. Umungol ito sa sakit at nagsimulang gumewang nang malakas ang napakalaki nitong katawan, tila gustong ihulog si Duan Ling Tian.
Kasing tatag ni Duan Ling Tian ang Mount Tai at nanatili sa kaniyang puwesto, at isang ngiti ang lumitaw sa mga sulok ng kaniyang bibig.
Biglang naging malamig ang mga mata ni Duan Ling Tian.
Quake Energy!
Pumulupot ang Origin Energy sa patalim na may tatlong talampakang haba sa kaniyang kamay at nagsimulang manginig nang malakas na may prikwensiya na pabilis nang pabilis!
Om! Om! Om! Om! Om!
...
Ang nakasisindak na Quake Energy ay nanginig sa Origin Energy na nasa patalim na tatlong talampakan ang haba, at ang malakas na balat at laman ng Elephant Rhino ay agad na bumuka. Ang matalim na gilid ng ispada ay sumisid patungo sa bungo ng Elephant Rhino.