Ang nakapaligid na mga tao ay nakabibinging tahimik nang panuorin nila na hawakan ng batang may lilang kausotan ang mga kamay ng dalawang babae at dahan-dahang nawawala sa kalayuan.
Ang batang may lilang kasuotan na iyon ay masyadong nakakatakot!
Ang direktang paglumpo sa nakababatang kapatid ng Young Master ng Tian Clan… Ang Tian Guang na ito ang nag-iisang anak na lalaki ng Patriarch ng Tian Clan!
Naiisip nila kung paano magkakagulo ngayong gabi ang Tian Clan.
Si Duan Ling Tian, gayunpaman, ay hindi ito iniisip. Matiyaga niyang sinamahan sina Li Fei at Ke Er na umikot nang ilang beses sa gabing pamilihan bago bumalik sa inn.
"Sira-ulo, sa tingin mo ba na ang ahas na iyon ay magsasama ng ibang tao upang gawan tayo ng gulo?" Tumingin si Li Fei kay Duan Ling Tian at ikinurap ang kaniyang mga mata nang bigyan niya ito ng pekeng ngiti