Download App
1.38% War Sovereign Soaring The Heavens (Tagalog) / Chapter 32: Ang Katapusan ni Li Kun

Chapter 32: Ang Katapusan ni Li Kun

Editor: LiberReverieGroup

"Isang magandang espada!"

Nang oras na dumampi sa kamay niya ang espada, hindi mapigilan ni Li Hou ang sarili sa pagsigaw ngunit sa mahinang boses.

Habang sinusukat niya ang espada sa kaniyang kamay, agad niyang napansin na hinulma ito mula sa Violet Meteorite noong nakaraang araw. " Sino ang humulma ng espadang ito?"

"Si Manager Long," matapat na sinabi ni Duan Ling Tian..

"Hindi nakapagtataka. Tama ang inisip kong sa Fresh Breeze Town, walang ibang may mahusay na kakayahan sa paghulma bukod sa kaniya. Ang kabuuan ng espada ay tila hinulma ng kalikasan; walang marka o bakas na gawa ito ng isang tao."

Pinuri ni Li Huo ang espada bago maayos na ibinalik ito kay Duan Ling Tian.

Ang mata ng matabang bata ay nagningning nang sumigaw, "Boss, hinulma ang iyong espada sa Violet Ore, hindi ba? sasabihan ko si Manager Long na ihulma rin ako ng isa mamaya. Ito ang pinakamabisang sandata para sa pandaraya!"

Violet Ore?

Umiling si Duan Ling Tian. Ang lalaking ito ay mahilig magpanggap na alam niya ang mga bagay na hindi niya alam.

"Pa!"

Sa pagkakataong ito, hinampas ni Fifth Elder Li Ting ang matabang bata sa batok nito. "Bata, huwag kang pumunta rito at magpanggap na alam mo ang mga bagay na hindi mo naman alam. Paanong nagkaroon ng ganoon kalakas na malleability ang Violet Ore?"

Sumimangot ang matabang bata ng maramdaman niyang mali siya. "Paano ko malalaman?"

Lahat ay namangha sa kaniya at nagsimulang tumawa.

Agad namang tumingin kay Duan Ling Tian si Patiarch Li Nan Feng at nagtanong, "Ang iyong movement technique ay ipinasa sa iyo ng iyong guro?"

Sa pagtatanong ni Li Nan Feng, handa si Duan Ling Tian. "Opo."

Sa pagkakataong ito, kasama sina Li Nan Feng at Li Huo, lahat ng miyembro ng Li family bukod kay Li Rou ay tumingin ng may halong inngit kay Duan Ling Tian.

Sa kanilang opinyon, ang maging disipulo si Duan Ling Tian ng isang ikapitong antas na Alchemist ay talagang malaking swerte.

Tahimik si Duan Ling Tian ng ilang sandali bago marahang sumagot, "Patriarch, noong oras na iyon, binigyan ako ng aking guro ng dalawang set ng movement techniques at sinabi sa akin na kabisaduhin ko ito; doon niya lang ako papayagan bumalik… Ang movement technique na aking nacultivate ay nangangailangan ng malakas na flexibility ng katawang kailangang macultivate. Ibabahagi ko ito sa Li family. Ano sa tingin niyo?"

"Ano?!'

Ang mga salitang ito ni Duan Ling Tian ay naging dahilan upang ang hangin sa audience hall ay lumamig.

Mabibigat na paghinga ang maririnig sa bawat isa.

Huminga ng malalim si Li Nan Feng at hindi siguradong nagtanong, "Seryoso… seryoso ka ba?"

"Opo. Bigyan niyo ako ng kalahating buwan para maisulat ko ito."

Tuamango si Duan Ling Tian at sinabing, "Ang movement technique na ito ay gitnang antas ng Profound rank movement technique na tinatawag na Swift Wind Steps!"

Gitnang antas ng Proufound Rank movement technique?

Nagsimulang huminga ng mabilis ang mga miyembro ng Li Family…

Nnag makita ang seryosong ekspresyon ng lahat, nahihiyang ngumiti si Duan Ling Tian. "Siyempre, kung handa akong bigyan ng pamilya ng ilang baryang pilak bilang bayad, ayos lang iyon sa akin…"

Sa sinabi ni Duan Ling Tian agad na bumalik sa normal ang hangin sa kwarto. Sinabi ni Li Nan Feng, "Walang problema. Paano kung bigyan pa kita ng 100,000 baryang pilak?"

"Salamat, Patriarch."

Mabilis na sinabi ni Duan Ling Tian ang kaniyang pasasalamat.

Ang movement technique na sinabi niya ay ang pinakamababang antas ng movement technique na kaya niyang mahanap mula sa alaala ng Rebirth Martial Emperor, kaya't hindi niya inaasahang mabibili ito ng 100,000 baryang pilak.

Pagpapatuloy ni Li Nan Feng, "Siyempre, ang movement technique na ito ay hindi lamang nagkakahalaga ng iilang baryang pilak, ngunit ang pondo ng Li family ay kulang, kaya't sa ngayon 100,000 lamang nag maibibigay sa iyo. Sa hinaharap, kung may kailangan ka, ang Li family ay tutulong sa iyo ng walang pag-aalinlangan. Naniniwala akong ang ibang elders ay sasang-ayon sa aking desisyon."

Mabilis na tumango ang elders ng Li Family. Sa abot ng kanilang pagkakaintindi, ang temptasyon ng movement technique ay masiyadong malaki!

-----------------------------------------------------

"Ako'y uuwi na at sisimulang isulat ang movement technique at ipasa ito sa Patriarch sa lalong madaling panahon.

Nagpaalam na si Duan Ling Tian at lumisan sa audience hall kasama sina Ke Er at kaniyang ina.

"Ang nangyari ngayong araw ay ituturing na sikreto ng pamilya. Hindi ito maaaring ipagkalat!"

Pagkatapos umalis ni Duan Ling Tian at kaniyang pamilya, ang ekspresyon ni Li Nan Feng ay napakaseryoso nang ibigay niya ang kautusan ng pananahimik.

"Opo!"

Tumango ang mga elders.

Alam nila ang bigat ng bagay na ito; ang ikalat ang balita sa oras na ito ay magiging kawalan lamang ng Li Family.

Tiningnan ng masama ng Fifth Elder ang matabang bata na sabik na nakatingin.

"Mabahong bata, narinig mo ba siya?"

"Opo, narinig ko."

Tumango ang matabang bata. Ang ekspresyon niya ay tila natalo.

"Anong problema mo ngayon?"

Kumunot ang noo ni Li Ting nang itanong niya ito.

"Ama, napansin mo bang iniiwasan ako ni Boss? Siguro ay dahil sa sinabi ko sa iyo ang tungkol kay Fang Qiang. Galit si Boss ngayon. Hay, kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko na dapat sinabi sa iyo."

Seryosong sabi ng matabang bata.

"Pa!"

Hinampas ulit ni Li Ting ang matabang bata sa ulo nito. "Anong sinabi mo? Sabihin mo ulit."

"Wala po, wala po."

Ang isang taong wais ay alam kung kailan susuko. Mabilis na umiling ang matabang bata.

Ang dispulo ng Ling Family na may ibang apelyido, si Duan Ling Tian, na nasa ikapitong antas ng Body Tempering stage, pinatay ang Manager ng Fang Family, si Fang Qiang, na isang unang antas na Core Formation martial artist, sa isang hampas lamang ng espada. Ang mga balitang itp ay mabilis na kumalat sa buong Fresh Breeze Town.

Naging dahilan ito para makita muli ng Fresh Breeze Town si Duan Ling Tian sa bagong liwanag.

"Labing limang taon pa lamang ngunit halimaw na; kapag tumanda siya, kaya pa ba siyang pigilan ng Fresh Breeze Town?"

"Kalimutan mo ang tungkol sa Fresh Breeze Town; sa kaniyang natural na talento, kahit sa malalaking siyudad sa labas, ilan sa mga henyong disipulo ng malalaking clan ang kayang matapatan siya?"

"Sa kaniyang ikapitong antas ng Body Tempering cultivation at isang hampas ng espada, napatay niya ang isang unang antas na Core Formation martial artist… Hindi kapani-paniwala, talagang hindi kapani-paniwala!"

'Narinig kong gumagamit din siya ng movement technique. Kahit na sa tatlong pamilya sa ating Fresh Breeze Town, wala pa akong narinig na pamilyang mayroong movement technique…"

"Iniisip ko kung saan niya natutunan ang kaniyang movement technique."

...

Ang balitang kumalat sa Fresh Breeze Town at nagbigay ng napakaraming diskusyon ay nakarating din sa Li family at sa bawat miyembro nito.

"Batang Jie!"

Sa malawak na courtyard, isnag malakas at malungkot na iyak ang maririnig. Bakas dito ang matinding sakit.

"Kuya!"

Ang iyak ay sinundan ng bahagyang inosenteng malungkot na iyak.

Sa kwarto, isang binatilyo na ang katawan ay tila walang buto ang nakahiga sa kama. Isa sa kaniyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa isang duguang punyal habang ang pulso ng kabilang kamay ay may hiwa.

Basa pa rin ang dugo, kaya't halatang kakahiwa pa lang nito.

Sa oras na ito, ang binatilyo ay hininga ang kaniyang huling hininga.

"Hindi, hindi….. Jie, Jie!".

Itong lalaking nasa katamtamang edad ay nasa kaniyang tuktok ng buhay, ngunit ngayon nagmukha siyang nadagdagan ng sampung taon. Ang gilid ng kaniyang buhok ay naging puti na dahil sa mga pangyayari.

Ang kaniyang mukha ay nabalot ng lungkot, ngunit agad itong napalitan ng galit na ekspresyon. "Duan Ling Tian, Duan Ling Tian… Gusto kitang mamatay, gusto kitang mamatay!"

Ang taong ito ay walang iba kundi ang Seventh Elder ng Li family, si Li Kun.

Hindi niya inaakalang ang kaniyang anak ay makakaramdam ng labis na lungkot at nagawa niyang magpakamatay nang marinig niya ang balita tungkol sa pagpatay ni Duan Ling Tian kay Fang Qiang imbes na siya ang mapapatay.

Alam niyang nitong mga nakaraang buwan, ang tanging bagay na nagbibigay ng dahilan sa anak niya na magpatuloy sa buhay ay ang kagustuhan nitong makita si Duan Ling Tian na mapatay ni Fang Qiang.

Pero sinong nakaaalam na hindi mapapatay si Duan Ling Tian at nabubuhay pa ngayon ng masaya.

Naging isa pa siyang "Bayani" ng Li family!"

"Ama, huwag na tayo magtalo dahil kay Duan Ling Tian. Ngayong kahit ang mga Grand Elders ay nasa kaniyang panig; hindi natin siya matatalo, hindi natin kaya."

Basa na sa luha si Li Xin habang hinihimok ang ama.

Ang nangingibabaw na katangian ni Duan ing Tian ang nagiging dahilan ng kaniyang kalungkutan.

"Pa!"

Nagbago ang mukha ni Li Kun nang itaas niya ang kanyang kamay at sinampal si Li Xin sa ulo nito habang malamig na sinabing, "Wala kang kwenta. Iyan ang taong naging dahilan ng kamatayan ng iyog kapatid. Siya ay mortal nating kaaway. Hindi ako makapaniwalang sinasabi mo ito. Karapat dapat ka ba sa kapatid mo?"

Nakatayo si Li Xin doon at puno ng karaingan, pula ang kaniyang mga mata, ngunit hindi niya sinubukang huminga ng malakas.

"Bihisan mo ang kapatid mo. Pagakabalik ko, ililibing natin siya ng maayos,",sabi ni Li Kun kay Li Xin bago mabilis na umabas sa bahay na hindi man lang lumingon.

"Ama, anong gagawin ninyo,?"mabilis na taning ni Li Xin, ngunit tuluyan siyang hindi pinansin ni Li Kun.

Lumabas si Li Kun sa courtyard, iniwan ang Li family estate, at naglakad patungo sa Fang family estate.

Nakatatakot na ekspresyon ang bumalot sa kaniyang mukha. " Patriarch, Grand Elder, huwag ninyo akong sisihin…. Kung gusto niyong may sisihin, sisihin ninyo ang mga sarili niyo sa pagpanig sa isang disipilo na may ibang apelyido at sa pagsuko sa aking anak!"

Sa puso niya ay mayroon siyang plano. Plano niyang sabihin sa Fang family ang tungkol sa medicinal formula ng Six Treasures Body Tempering Liquid na na kay Duan Ling Tian.

Sigurado siyang ang Fang family ay magiging interesado sa Six Treasures Body Tempering Liquid. Sa oras na iyon, kapag ang Fang family at Li family ay magsimulang magtalo tungkol sa bagay na ito, kasama na ang mga daing ng Fang family at ni Duan Ling Tian, siguradong ang Fang family ay hindi titigilan si Duan Ling Tian.

Nang makita ang Fang family estate sa kaniiyang harapan, ang mga gild ng labi ni Li Kun ay kumurba patungo sa isang malamig na ngiti.

Para sa paghihiganti para sa kaniyang anak, pinili niyang trahidurin ang sarili niyang pamilya.

Pero nang malapit na niyang marating ang pangunahing pinto ng Fang family estate, naramdaman niyang ang kaniyang mga mata ay nagdilim at nawalan siya ng malay.

Nang magising siyang nahihilo, napansin niyang nasa isa siyang sarado, sikretong kwarto.

Sa kwarto ay may dalawang taong kalmadong nakatingin sa kaniya. Nnag makilala niya ang mga ito, hindi niya mapigilang magbago ang kaniyang ekpresyon. "Patriarch, Grand Elder, bakit kayo nandito?

"Li Kun, binigyan ka namin ng pagkakataon."

Tumitig sa kaniya si Li Nan Feng na may kumplikadong ekspresyon sabay huminga ng malalim.

"Patriarch!"

Napagtatanto niya ang isang bagay, nagbago ang ekspresyon ni Li Kun, at lumuhod siya sa sahig at nagsimulang umiyak. "Mali ako, mali ako! Patriarch, patawarin mo ako. Gusto ko pang mabuhay para makitang lumaki ang aking anak!"

.

"Humakbang ka ng mali, at lahat ng susunod na hakbang ay mali rin. Li Kun, nabulag ka ng galit. Pinagisipan mo ba talaga iyon? Ang problema sa pagitan ng iyong pamilya at ng Ninth Elder ng pamilya, saan ba iyon nagsimula? Huwag mo sabihin sa akin na pagkakamali lang iyon ng Ninth Elder,?"kakaibang sinabi ni Li Huo. Sa kaniyang palad ay isang puting apoy na marahang nagliliyab, naglalabas ng bakas ng isang nakatatakot na awra.

Nang makita ito ni Li Kun, agad niyang nahulaan ang susunod na mangyayari. Nagbago ang mukha niya habang nagmamakaawa.

Whoosh!

Ang putting apoy sa kamay ni Li huo ay tumalon palabas at agad na lumaki, binalot si Li Kun.

Hindi na nagkapaglabas ng iyak si Li Kun bago siya tuluyang naglaho, nagiwan lamang ay mga tira.

Ang Alchemits's Pill Fire ang isa sa mga pinakamainit na apoy sa Cloud Continent.

Tanging ang weapons craftsman's Weapon Flame lamang ang maaaring ikumpara rito.

"Nagpakamatay si Li Jie?"

Bahagyang nagulat si Duan Ling Tian nang marinig niya ito, ngunit hindi siya nakaramdam ng awa.

Nang oras na iyon, kung hindi prinoklama ni Li Jie na lulumpuhin siya nito, dahil sa nasa iisang pamilya sila, hindi siya magiging ganoon kawalang-awa kay Li Jie.

Maaaring sabihin na lahat ng nangyari kay Jie ay dahil sa kaniyang sariling kagagawan.

Ang pinangangambahan ni Duan Ling Tian ay ang reaksyon ng Seventh Elder Li Kun.

Si Seventh Elder Li Kun ay isang ikatlong antas na Core Formation martial arrist; kung nais niya talagang atakihin si Duan Ling Tian, maaari siyang makahanap ng pagkakataon dahil pareho silang nasa Li family estate.

Ngunit agad na narinig ni Duan Lig Tian na ang Seventh Elder Li Kun ay nawawala; tila ito ay naglaho sa hangin.

Sa labas ng Fresh Breeze Town.

Dalawang pigura na pagod sa kanilang paglalakbay ang nakasakay sa kanilang mga kabayo patungo sa Fresh Breeze Town. Isa sa kanila ay isang lalaking nasa katamtamang edad ang isa ay isang binatang nasa edad bente o higit pa.

Ang ekpresyon ng binata ay mayroong pagkaignorante habang sinasabi ito, "Fourth Uncle, ang sirang bayan na ito ay mas maliit pa kaysa sa ating Duan family estate."


Chapter 33: Duan Ling Xing

Editor: LiberReverieGroup

Crackle!

Ang bata ay tumayo sa loob ng bath barrel at dahan-dahan inunat ang kanyang katawan. Ang kanyang mga buto ay gumawa ng malinaw at malambing na mga tunog habang ang mga ito ay nagkikiskisan.

Matapos isarado ang kanyang kamay upang maging kamao, ang sulok ng bibig ng bata ay bumuo ng isang ngiti. "Tatlo pang Seven Treasures Body Tempering liquid baths at siguradong magtatagumpay na ako sa ikawalo na antas ng Body Tempering Stage. Sa sandaling magtagumpay ako, ang lakas ko ay hihigit pa sa doble!"

Dahil ang antas ng kaniyang cultivation ay aakyat muli, napakaganda ng kalooban ng bata.

Matapos magsuot ng mga damit, lumabas si Duan Ling Tian mula sa kanyang silid.

Sa pamamagitan ng makikitid na mga mata, tiningnan niya ang dalagita na basang-basa sa pawis at iginuguhit ang Violet Meteorite Flexible Sword. Ang kanyang ekspresyon ay nagbibigay ng damdamin ng malambot na pagmamahal.

Naobserbahan niya ang napakahirap na pagcultivate na napagdaanan ng dalagita nito mga nakalipas na ilang buwan, dahil dito ay nasaktan ang kanyang puso.

"Young Master."

Nang mapansin ng dalagita si Duan Ling Tian, ​​inilagay niya ang Sword Meteorite Flexible Sword sa lagayan nito na nasa kanyang baywang at matamis na ngumiti habang lumalapit siya upang batiin siya.

"Pagod ka na ba?" Tanong ni Duan Ling Tian.

Inabot niya ang kanyang kamay at bahagyan kinuha ang panyo ng dalagita mula sa kanya, pagkatapos ay pinunasan niya ang pawis mula sa mukha ng dalagita na may mahinay na ekspresyon.

Pagmamahal lamang ang makikita sa kanyang mga mata.

Ang dalagita ay bahagyang umiling. Ang kanyang pihikan at katangi-tanging mukha ay may isang ngiti ng kaligayahan.

Para sa kanya, kung para sa kapakanan ng Young Master, gaano man siya mapagod, lahat ng iyon ay sulit.

"Boss, Boss!"

Nang ang bata at dalagita ay tulad ng isang mag-asawa na nakatingin sa isa't isa, ang dalawang sigaw mula sa labas ng courtyard ay sinira ang maligayang kapaligiran.

Ang mukha ni Duan Ling Tian ay hindi mapigilang maging seryoso.

Ang lintik na mataba na ito ay alam na alam kung kailan tumyempo...

Ang dalagita ay bahagyang ngumiti at sinabi, "Young Master, labis na hinahanap ka niya. Siguro ay mayroong importanteng bagay na nais niyang iparating."

Si Duan Ling Tian ay tumango at sumagot, "Pumunta ka dito!"

Ang maliit na mataba ay pumasok mula sa labas at sinabi kay Duan Ling Tian, ​​"Boss, mayroon kang mga bisita."

"Sa aking bahay?"

Nagulat si Duan Ling Tian. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng maliit na mataba.

"Oo, mga ilang tao mula sa Duan Clan. Mayroong dalawa sa kanila. Narinig ko mula sa labas ng Audience Hall na ang Ninth Elder ay tinukoy sa isang 'di gaano katandang lalaki bilang kaniyang 'Fourth Brother,' at tinawag niya ang Ninth Elder bilang 'Third Sister in Law,' "sabi ng maliit na mataba. Siya ay may hitsura ng nanghihingi ng pasasalamat.

"Third Sister in Law? Huwag mong sabihin sa akin na..."

Ang puso ni Duan Ling Tian ay tumigil ng isang sandali.

Kahit sa nakaraan na mga alaala ni Duan Ling Tian, ​​wala rito ang tungkol sa kanyang ama.

Malinaw na mula nang siya ay nasa sapat na gulang na upang maunawaan ang mga bagay-bagay, hindi pa niya kailanman nakikita ang kanyang ama, kahit minsan.

Patungo sa mahiwagang ama, bagaman ay hindi nangungulila si Duan Ling Tian sa kanya, ​​mayroon parin siyang tanong sa kanyang puso...

Nais niyang malaman kung anong uri ng lalaki ang maging walang-awa na iwanan ang kanyang asawa at anak!

"Ke Er, tara't tignan na'tin."

Hawak-hawak ang kamay ng dalagita, mabilis na lumabas si Duan Ling Tian sa kanyang bahay.

"Boss, hintayin mo ako. Hindi ka pwedeng maging hindi marunong tumanaw ng utang na loob!"

Nang makita si Duan Ling Tian at ni Ke Er na naglalakad palabas sa isang kisapmata, ang maliit na mataba ay nagsimulang sumisigaw nang malakas habang mabilis siyang sumusunod sa kanila.

Ang Audience Hall ng Li Family ay sarado.

Biglang tumitingin si Duan Ling Tian sa isang hugis na lumalakad papunta sa kanya galing sa direksyon ng audience hall.

Ito parang higit dalawampu't isang taong-gulang na batang lalaki na may ekspresyon ng pagmamataas. Na para bang ang buong mundo ay may utang sa kanya na pera.

"Boss, siya ay isa sa mga miyembro ng Duan Clan na dumating, at siya ay talagang mapagmataas; kahit na siya ay mababa ang tingin sa Patriarch at ikasiyam na Elder," sabi ng maliit na mataba kay Duan Ling Tian sa isang mahinang tinig nang mapansin ang binata naglalakad palapit.

Duan Clan!

Sinulyapan siyang muli ni Duan Ling Tian.

Sa sandaling ito, napansin ng binata ang tatlo sa kanila.

Nang ang kanyang tingin ay napunta sa dalagita na nasa tabi ni Duan Ling Tian, ​​ang kanyang titig ay hindi maalis. Tinitigan niya ang dalagit nang may mainit na pagtingin na may halong kasakiman at pagnanasa.

Ang willow-shaped na mga kilay ng dalagita ay kumunot. Nang magpahayag siya ng isang hindi kanais-nais na ekspresyon, isang hugis ang lumapit at tulad ng isang bundok na nakatayo sa kanyang harapan, natatakpan nito ang pagtingin ng lalaki.

Parang siya ay nandoon upang maiwasan ang hangin at ulan, na nagiging sanhi ng kanyang puso na makaramdam ng walang kapantay na init.

"Hmm?"

Ang binata ay kumunot ang noo at ang kanyang ekspresyon ay naging seryoso.

Ngunit nang napansin niya ang mga detalye ng mukha ng bata na nakaharang sa harap ng dalagita, ang kanyang mga mata ay humigpit; kahit na ang kanyang tono ay naging nagmamadali.

"Ikaw si Duan Ling Tian?"

"Kilala mo ako?"

Nagulat si Duan Ling Tian. Matapos maghanap ng mga alaala sa kanyang ulo, hindi niya mahanap ang kahit anumang bagay tungkol sa tao sa harapan niya.

Ngunit bakit kilala siya ng binata?

"Humph! Lumaki ka at nagkaroon ng parehong moral na budhi tulad iyong maikling buhay na ama," sabi ng binatilyo. Ang kanyang mga mata ay nagsimulang magpalabas ng intensyon ng pagpatay!

Kahit si Duan Ling Tian ay hindi alam kung bakit ang isang taong hindi pa niya nakilala ay magpapalabas ng kagustuhang patayin siya.

Nagulat ang kanyang puso nang maalaala niya kung paano nabanggit ng binata ang kanyang ama. 'Wag mo sabihin sa akin na ang binatilyo na ito ay may labis na poot at galit patungo sa aking ama na hindi ko pa nakikilala?

"Kung tama ang aking naaalala... ikaw ay labinlimang taon na gulang sa taon na ito. Labinlimang taong gulang at sa ikapitong antas ng Body Tempering Stage. Sigurado ay namana mo ang natural na talento ng iyong maikling buhay na ama. Ngunit sa pamamagitan lamang ng ganitong halaga ng lakas, para sa akin, na si Duan Ling Xing, hindi ka maihahalintulad sa isang langgam!"

Habang nagsasalita ni Duan Ling Xing, naglalakad siya palapit...

Ang kanyang katawan ay gumalaw na parang isang kidlat patungo kay Duan Ling Tian ...

Kasabay nito, isang malaking halaga ng Origin Energy ang natipon sa kanyang kanang kamay, at naging sanhi sa malakas na panginginig nito.

Ipangsasampal ang isang palad gamit ang napakalakas na puwersa!

Kaagad, ang mga pwersa ng langit ay nanginginig at walong hugis ng ancient mammoth ang nabuo sa kanyang ibabaw.

Ang lakas sa likod ng sampal na ito ay katumbas ng lakas ng walong ancient mammoth!

Si Duan Ling Xing ay malinaw na isang ika-anim na antas na martial artist ng Core Formation...

Tanging ang ika-anim na antas na martial artist ng Core Formation ang may ganap na lakas at kakayahan na iguhit ang mga puwersa ng langit at lupa upang bumuo ng anim na hugis ng ancient mammoth.

Hindi kailanman inaasahan ni Duan Ling Tian na ang binata ay gustong kuhain ang kanyang buhay. Nag-iba ang hugis ng kanyang mukha habang ang kanyang katawan ay tumagilid pabalik!

Bago niya ganap na maiwasan ang atake, nasa kanyang dibdib na ang kamay ni Duan Ling Xing.

Sa isang iglap, nadama niya na parang siya ay pinalipad sa pamamagitan ng isang 10,000 pound na bato!

Tumalsik siya na parang isang arrow na iniwan ang tali ng pana...

Nang siya ay nasa himpapawid, ang lalamunan ni Duan Ling Tian ay may matamis na lasa. Pagkatapos ng pag-ubo, ang dugo ay kumulay sa lupa. Ito ay hindi kanais-nais sa mata ngunit kapansin-pansin.

"Young master!"

"Boss!"

Ang mga mukha ng dalagita at maliit na mataba ay lubos na nagbago habang mabilis na pumunta patungo kay Duan Ling Tian at sinuportahan siya.

Ang kanilang mga ekspresyon ay napuno ng galit habang tinitingnan nila si Duan Ling Xing.

Huminga ng malalim si Duan Ling Tian. Kung hindi niya ginamit ang kanyang Spirit Serpent Movement Technique upang iiwas patalikod ang kanyang katawan kanina, ang sampal ni Duan Ling Xing ay maaaring nakuha ang kanyang buhay.

Sa sandaling iyon, ang papalapit na kamatayan ay nagsanhi ng takot sa kanyang puso.

Ngunit pagkatapos na tumigil ang kanyang puso sa pagtibok dahil sa takot, wala nang ibang natira kundi ang isang tiyan na puno ng galit!

Ang ekspresyon ni Duan Ling Tian ay mabagsik habang tinitigan niya si Duan Ling Xing. Sa isang napakababang at malalim na tinig, sinabi niya, "Sa palagay ko ay walang anumang masamang damdamin sa pagitan na'ting dalawa, kaya bakit bigla mo ako gustong patayin?"

Mula noong ipinahayag ng binata ang kanyang pangalan, alam ni Duan Ling Tian na ang relasyon nila ay hindi magiging simple, dahil ang kanilang mga pangalan ay naiiba lamang sa isang salita.

Ngunit, hindi niya maintindihan kung bakit ang binata ay walang awa sa kanya, tuwid na patungo sa kanyang buhay.

"Hindi ko inisip na kaya mong iwasan ang 80% ng lakas ng aking palad. Ibinabalik ko ang sinabi ko nang mas maaga; maaari mong ihambing ang iyong sarili sa isang langgam."

Si Duan Ling Xing ay naglakad palapit at tinitignan si Duan Ling Tian at isang masamang tingin ang lumitaw sa kanyang mukha. "At tungkol sa kung ano ang sinabi mo tungkol sa walang masamang damdamin, ikaw ay lubhang mali! Ang iyong maikling buhay na ama ay hindi sineryoso ang relasyon sa pagitan ng mga kapatid na lalaki noong taon na iyon, nilumpo ang Dantian ng aking ama at nagdulot sa kanya ng pang habang buhay na sakit. Ngayon, maaari mo pa bang sabihin na wala kaming masamang damdamin sa pagitan ng bawat isa?"

Si Duan Ling Tian ay malalim na huminga. Ganoon pala iyon.

Kasunod nito, malamig na tinignan niya si Duan Ling Xing habang siya ay nanunukso, "Kung talagang may kakayahan ka, maaari kang magpatuloy at hanapin ang taong naglumpo ang iyong ama at ipaghiganti mo! Ang pagbuhos nito sa'kin ay nangangahulugan lamang na ikaw ay walang kakayahan."

"Binabayaran ng anak ang mga utang ng ama!"

Si Duan Ling Xing ay malamig na tumawa at iniwagayway ang kanyang kamay. Habang gumalaw ng mabilis ang kanyang katawan, ang parehong sampal mula kanina ay kaniyang inulit. "Gusto ko makita kung paano mo ngayon iiwasan ang aking palad!"

Woosh!

Sa sandaling ito, ang dalagita sa tabi Duan Ling Tian gumalaw.

Sword Drawing Arts!

Isang sobrang mabilis na kulay lila na espada ang lumabas, na gumagalaw upang mahadlangan ang sampal ni Duan Ling Xing ...

Ang ngiti ni Duan Ling Xing ay naging mas malamig habang ang kanyang mga kamay ay sumarado at hinuli ang espada ng dalagita.

Ang ngiti ni Duan Ling Xing ay naging mas malamig habang ang kanyang mga kamay ay sumarado at hinuli ang espada ng dalagita.

Sa isang iglap, nagsimulang manginig ang katawan ng dalagita, pagkatapos ay dumura siya ng dugo at ang kanyang espada ay lumipad.

Ang dalagita ay ginamit ang kanyang espada upang suportahan ang sarili habang siya ay tumayo nang may malaking pagsisikap. Ang kanyang mukha ay kasing putla ng isang papel.

"Ke Er!"

Ang pagkasugat ng dalagita ang naging sanhi ng mukha ni Duan Ling Tian upang lubusang mabago at ang kanyang mga mata ay nagpapalabas ng matinding kagustuhang pumatay.

Gamit ang Spirit Serpent Movement Technique, agad siyang lumitaw sa harap ni Duan Ling Xing.

Gamit ang kanyang kanang kamay na hawak-hawak ang kanyang baywang, Sword Drawing Technique!

"Humph, masyado kang tiwala sa iyong sarili!"

Si Duan Ling Xing ay malamig na sumingasing habang ang itataas niyang muli ang kanyang kamay upang saluhin ang espada.

Sa isang iglap, si Duan Ling Tian ay tumalsik tulad ng dalagita.

Si Duan Ling Tian, ​​na matinding napinsala, ay muling bumagsak sa lupa. Mahirap para sa kanya kahit ang pagtayo.

"Young Master!" naiiyak na sigaw ni Ke Er. Ang kanyang pihikan na katawan ay nanginig at bumagsak sa lupa dahil sa hindi na siya kayang suportahan ng kanyang espada.

Kahit na siya ay nakadapa sa lupa, si Ke Er, na ang malinaw na mga mata ay napuno ng luha, ay hirap na gumapang patungo kay Duan Ling Tian....

Nang makita niya ito, ang isang walang kapantay na pagkainggit ang makikita sa mga mata ni Duan Ling Xing.

Ang kanyang mga binti ay nanginig habang lumipad siya patungo kay Duan Ling Tian. Ang hangarin na pumatay ay nagsimulang lumabas mula sa kanyang mga mata habang siya ay nagpadala ng sampal na may napakalakas na puwersa!

Sa ibabaw ni Duan Ling Xing ay walong hugis ng ancient mammoth...

"Boss!"

Sa sandaling ito, sinamahan ng isang malakas na sigaw, isang hugis na tulad ng isang bola ay hinarangan ang daan ni Duan Ling Xing, matapang na hinarap ang sampal. Lumipad siya nang mahigit sa sampung metro bago bumagsak sa lupa. Matapos ay walang maririnig na kahit annong tunog galing sa kanya.

"Li Xuan!"

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay nanliit at ang kanyang ekspresyon ay lubhang nagbago. Ang kanyang tinig ay masama at malamig, at ang kanyang batang mukha ay nagsimulang manginig.

Hindi niya kailanman inaasahan na si Li Xuan ay sasaluhin ang palad ni Duan Ling Xing para sa kanya!

Sa sandaling ito, ang walang-katapusang panghihinayang ay lumakas sa kanyang puso...

Kinasusuklaman niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang kawalan ng kakayahan!

Kinamumuhian niya ang kanyang sarili dahil sa hindi niya magandang pakikitungo kay Li Xuan!

"Masakit ba?"

Pagkakita nito, si Duan Ling Xing ay tumawa habang nanunuksong tiningnan si Duan Ling Tian.

Si Duan Ling Tian ay hindi nagsalita, ngunit ang titig niya kay Duan Ling Xing ay napuno ng uhaw sa dugo, at ang kanyang katawan ay nagpapalabas ng kagustuhang pumatay.

Ang kagustuhang pumtay na ito ay humalo sa hangin, na nagdulot sa pagbabago ng ekspresyon ni Duan Ling Xing. Siya napaurong ng hindi sinasadya.

Si Duan Ling Xing ay, sa kabila ng lahat, isang dalawampu't isang taong-gulang na binata pa lamang.

Paano niya maaaring makayanan ang kagustuhang pumatay ni Duan Ling Tian mula sa kanyang walang katapusan na mga malawakang pagpatay sa kanyang nakaraang buhay...

"Basura!"

Ang bibig ni Duan Ling Tian ay malamig na ngumiti, tinutukso si Duan Ling Xing.

"Ikaw…"

Ang ekspresyon ni Duan Ling Xing ay naging seryoso. Hindi na niya inaasahan na mapipilitan siya na lumakad paatras sa pamamagitan ng kahanga-hangang ugali ng isang labinlimang taong gulang na bata. Ang pagkakahiya na ginawa sa kanya agad na kanyang ikinagalit, pagkatapos ay walong hugis ng ancient mammoth ang lumitaw sa kanyang ibabaw.

Isang walang awa na sampal ang patungo kay Duan Ling Tian!

"Young master!"

Si Ke Er ay nagpalabas ng isang matinis at naiiyak na sigaw...


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C32
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank 200+ Power Ranking
    Stone 182 Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login

    tip Paragraph comment

    Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.

    Also, you can always turn it off/on in Settings.

    GOT IT