Dumating sila sa Li family estate.
"Young Master, dahil ginawa mo iyon sa miyembro ng pamilya Fang… walang mangyayari, tama?"
Nang tumingin ang dalagita sa batang katabi niya, ekspresyon ng pag-aalala ang lumitaw sa musmos at maselan nitong mukha.
"Ke Er, huwag kang mag-alala; walang mangyayari. Nakita mo ang naganap. Hindi ko iyon kasalanan; Kung hindi niya ako pinilit sa pamamagitan ng pagsasabi na papatayin niya ako, hindi ko magagawang patayin siya."
Umiling ang bata at tumawa.
Bilang isang respetadong Weapon Specialist sa kanyang nakaraang buhay, nagtakda siya ng sarili niyang pamantayan:
Kung hindi ako sasaktan ng sinuman, hindi ko rin siya sasaktan!
Pero kung may manakit man sa akin, ay ibabalik ko ito ng sampung beses, ilang daang beses o kahit isang libong beses man!
Noong oras na pinagbantaan siyang patayin ni Fang Quan, sa paningin ni Duan Ling Tian ay isa ng bangkay si Fang Quan.
"Tian, anong ginawa mo sa mga miyembro ng Fang family sa pagkakataong ito?"
Kakapasok pa lamang nina Duan Ling Tian at Ke Er nang makita nila si Li Rou na naglalakad papalapit sa kanila.
"Wala po iyon, ina."
Ngumiti ng malamya si Duan Ling Tian pagkasabi niya nito. Alam niyang narinig ng kaniyang ina ang usapan nila ni Ka Er.
"Sabihin mo sa akin ang totoo!"
Kumunot ang noo ni Li Rou. Ang malinaw niyang mga mata ay lumiit at tila naging hugis cresecent katulad ng buwan; Halatang hindi siya madaling lokohin.
"Wala lang talaga iyon. Isa lamang miyembro ng pamilya Fang ang umaaktong walang alam, at pinagbantaan akong papatayin…"
Nahihiyang hinawakan ni Dun Ling Tian ang kaniyang ilong habang sinasabi niya ito.
"Sinong matapang ang maglalakas ng loob para pagbantaang patayin ang anak ko?!"
Hindi pa niya natatapos ang kanyang pangungusap bago tuluyang mawala ang kontrol ni Li Rou.
Lumitaw sa kanyang mga mata ang galit, at ang kanyang boses ay bahagyang nanlamig….
"Sa tingin ko siya ang junior manager ng medicine store ng pamilya Fang, isang lalaking tinatawag na Fang Quan. Pero naasikaso ko na siya, kaya't huwag ka na mag-alala, ina."
Ngumiti ng bahagya si Duan Ling Tian.
"Fang Quan? Anak ni Fang Tao?
Kumunot ang noo ni Li Rou.
Agad niyang naalala na si Fang Quan ay anak ng store manager ng Fang medicine store na si Fang Tao.
Kahit na ang kaniyang natural na talento sa Martial Dao ay katamtaman lamang, isa pa rin siyang binata na sa edad bente.
Ang tulad niyang nasa ganoong edad na magdadala ng galit sa kaniyang labinlimang taong gulang lamang na anak, at nagawa pang pagbantaang patayin ito.
Sa sandaling iyon, walang humpay na alon ng galit ang namuo sa kaniyang puso!
"Tian, hindi ka niya sinaktan, hindi ba?"
Tiningnan ni Li Rou si Duan Ling Tian mula ulo hanggang paa, nagtatanong ng buong pag-aalala.
Sa pamamaran ng kaniyang pagsasalita ay naging malinaw na kung nasaktan nga si Duan Ling Tian, ay susugurin niya si Fang Quan.
"Ina, wala ni gasgas sa akin. Kung hindi ka naniniwala, pwede mong tanungin si Ke Er. Hindi niya ako nahawakan man lang."
Habang umiiling ay gumaan ang pakiramdam ni Duan Ling Tian.
Tumingin si Li Rou kay Ke Er na agad na tumango na parang isang sisiw na tumutuka ng butil.
Sa umpisa, nag-alala rin siya na baka ang young master ay makaranas ng pagkatalo.
Ngunit sa huli, kahit hindi siya lumingon noon, alam niya kung ano ang nangyari sa miyembro ng Fang family.
Ngayong naiisip niya ulit ito, ang maselang mukha ng dalagita ay namutla. Halatang natakot siya.
"Ke Er, bakit ganiyan ang mukha mo? May sakit ka ba?"
Pagtatanong ni Li Rou nang mapansin niya ang namumutlang mukha ng dalagita.
Matagal niya ng tinaggap si Ke Er bilang kaniyang future daighter in law, kaya't ang kaniyang pag-aalala kay Ke Er ay tulad na din ng kaniyang anak.
Marahang umiling ang dalagita, pinapagaan ang kaniyang ekspresyon.
"Halika, Bubuhatin kita pabalik sa kwarto mo para makapagpahinga ka…'
Habang nakikita niya ang kaniyang ina na buhat-buhat ang dalagita papunta sa kwarto, nanliit ang mga mata ni Duan Ling Tian.
Sa kaniyang opinyon, ang pagkakaroon ng ganong reaksyon ni Ke Er ay normal lang. Pagkatapos ng lahat, iba siya sa kaniya.
Para sa kaniya, ang isang taong nakaranas na ng buhay na puno ng dugo at labanan, ang pagpaslang ay ordinaryong pangyayari lamang; Ang kumitil ng buhay ay isang pakiramdam na matagal na siyang naging manhid.
Pagkatapos niyang mailagay ang mga materyales sa kwarto, nagpaalam si Duan Ling Tian bago siya lumabas.
Umalis siya para makita si Grand Elder Li Huo.
'Bata, sa tingin ko ay hindi ito ang oras ng pagkikita natin.. Anong dahilan ng pagpunta mo rito?"
Nanliit ang mga mata ni Li Huo na nakatingin kay Duan Ling Tian habang tinatanong ito.
"Grand Elder, pumunta ako rito para humingi ng tulong sa paggawa ng ilang medicinal pills."
Inihayag ni Duan Ling Tian ang kaniyang pakay.
"Oh? Anong medicinal pill ang gusto mo? Tumawa si Li Huo.
"Ang Thunder Flame Pill"
Ang mga tingin ni Duan Ling Tian ay sumeryoso habang marahan niyang sinasabi ito.
'Bata, kahit na ang Thunder Flame Pill ay isang uri ng Body Tempering stage medicinal pill, ito'y napakamahal at bihira lamang. Dagdag pa nito, naririrnig ko lamang ang tungkol sa Thunder Flame Pill, at wala akong pamamaraan para makagawa nito."
Ilang sandaling blangko ang ekspresyon ni Li Huo bago siya magsimulang tumawa ng mapait.
"Grand Elder, kung ibibigay ko sa inyo ang medicinal formula, makakaya mo bang gumawa nito?"
Nakangiting tanong ni Duan Ling Tian. Binalewala niya ang mga sinabi ni Li Huo.
"Handa… handa kang ibigay sa akin ang medicinal formula ng Thunder Flame Pill?"
Ang paghinga ni Lu Hou nagsimulang maging maikli at mabilis.
Bilang isang alchemist, ang kaniyang pinakahinahangad ay makagawa ng iba't-ibang uri ng medicinal pills upang magkaroon siya ng karanasan at mapataas ang kaniyang skill sa medicine refinement.
Kahit na siya ay grade nine alchemist, ang bilang ng medicinal pills na kaya niyang magawa ay napakalimitado.
"Oo."
Tumango si Duan Ling Tian.
"Pinayagan ka ng iyong guro na ibigay sa akin ang medicinal formula ng Thunder Flame Pills?"
Huminga ng malalim si Li Huo nang itanong niya ito.
"Sinabi ng aking guro na lahat ng medicinal formulas na ipinasa niya sa akin ay akin na at maaari kong gawin ang ninanais ko sa mga ito. Dagdag pa nito,ang Thunder Flame Pills ay hindi ganoon kabihira; may iilang alchemists sa Cloud Continent ma alam kung paano gunawa nito."
Ngumiti ng bahagya si Duan Ling Tian.
Hindi ganoon kabihira?
Pagkatapos marinig ang sinabi ni Duan Ling Tian, ang mga gilid ng labi ni Li Huo ay kumibit.
Kahit na may iilang mga alchemists na nakakaalam kung paano gumawa ng Thunder Flame Pill, anong klaseng alchemist ang hindi sasamantalahin ang mga bagay na maliliit ang halaga dahil lamang sa pagmamay-ari nila ito?
Kahit na pwede nilang isulat ang medicinal formula ng Thunder Flame Pill, hindi nila hahayaang ipamahagi na lamang ito sa iba.
Kahit na sa malalaking lungsod sa labas ng Fresh Breeze Town, ang medicinal formula ng Thunder Flame Pill ay walang katumbas na halaga.
Ang Thunder Flame Pill ay isang medicinal pill na para lamang sa Body tempering martial artists. Kapag kinunsumo, iindahin ng katawan ang sakit ng pagsabog ng thunder at flames sa loob ng katawan, samakatuwid pinapataas ang potensyal ng katawan.
Kapag kinunsumo kasabay ng Body Tempering Pill, ang bilis ng paglinang ay mas tataas, doble sa bilis kaysa sa paginom ng Body tempering Pills lang!
"Salamat, bata."
Agad na tumayo si Li Huo at yumuko kay Duan Ling Tian.
Para sa isang alchemist, ang medicinal formula ng isang bihiirang medicinal pill ay mas importante pa sa kanilang buhay.
"Grand Elder, hindi niyo po kailangan gawin ito. Ibinibigay ko lamang sa iyo ang medicinal formula para sa aking makasariling dahilan. Kailangan ko ng tulong niyo sa paggawa ng ilang Thunder Fame Pills. Pareho lamang natin nakukuha ang ating kailangan."
.
Ang hugis espadang mga kilay ni Duan Lin Tian ay kumibit habang marahan niyang sinasabi ito.
"Hindi mo dapat iniisip iyan ng ganiyan. Ang paggawa ng Thunder Flame Pill ay magkokonsumo lamang ng kaunting Origin energy at vigor; ang ambag ko ay di mapapantayan ng sa iyo."
Umiling si Li Huo.
Sa kaniyang pagkakaintindi, ang halaga ng medicinal formula ng Thunder Flame Pill ay napakalaki. Kung magagamit ito ng mga disipulo ng Li family….
Ang pagpigil ng Li family sa Fang at Chen family ay posibleng mangyari sa nalalapit na hinaharap.
"Grand elder, kung mahirap parin sa iyo ang tanggapin ang aking plano, pwede mo na lamang akong bigyan ng ilang pilak."
Nagsalubong ang mga kilay ni Duan Ling Tian at bahagyang ngumiti.
"Bata, wala ka talagang inisip kundi pera. Huwag ka mag-alala. Kakausapin ko ang Patriarch tungkol sa bagay na ito. Sa oras na iyon, makukuha mo ang hati mo sa pilak."
Pabirong pangaral ni Li Huo.
Ang puso niya ay nalilito. Bakit mahal na mahal ng batang ito ang pera?
Kung alam ni Duan Ling Tian ang iniisip ni Li Huo tungkol sa kaniya, siguradong titingnan niya ito ng walang respeto.
Mula sa mga alaala ng Rebirth Martial Emperor, alam ni Duan Ling Tian na
Kahit na isa itong medicine refinement, weapon crafting, o inscriptions, ito'y mga propesyon na sinunog ng pera.
Dahil nasa Body Tempering stage pa lamang siya ngayon, ang gastos ay hindi pa ganoon kataas.
Pero sa oras na makalagpas at umabot siya sa Core Formation stage at mabuo ang Origin Energy, kailangan niyang umpisahan ang refining ng medicine at crafting weapons.
Sa mga oras na iyon, ang mga materyales ay magiging napakataas ng presyo; pwede na itong maisaalang-alang bilang bottomless pits.
Bukod sa weapon crafting at medicine refinement, ang inscriptions na kinakailangan ng Origin Energy para makatulong sa pag-ukit ay kinakailangan din ng iba't-ibang bihirang materyales.
Pagkatapos isulat ang medicinal formula ng Thunder Flame Pill at ipasa ito kay Grand Elder Li Huo, nagpaalam at umalis na si Duan Ling Tuan.
Sa daan palabas, hindi niya nakalimutan ipaalala kay Li Huo.
Flame Pill. Nitong mga nakaraan ay talagang gipit ako, hindi ko talaga kayang bilhin ang mga materyales na iyon."
Agad na umalis si Duan Ling Tian pagkatapos niyang magsalita, iniwan lamang ang papalayo niyang pigura sa gulat na si Li Huo.
"Itong batang ito ay kumuha ng isang libong pilak sa akin kahapon, pero sinasabi pa rin niyang mahirap siya. Hindi matanda ang batang ito, wala siyang hiya."
Ngumisi at pabirong nangaral si Li Hou pagkatapos tuluyang mawala sa kaniyang paningin si Duan Liang Tian..
Pagkatapos lisanin ang tahanan ni Grand Elder Li Huo, dumiretso ng uwi si Duan Ling Tian. Ikinulong ang sarili sa kwarto at inayos ang mga materyales na binili niya kasama si Ke Er kanina.
Inihanda niya ang mga materyales na ito para sa pagsasagawa ng inscriptions.
Ang 'Paralyzation Inscription' na ginamit ni Duan Ling Tian para matalo si Li Jie ay epektibo lamang sa mga martial artists na mas mababa sa seventh level ng Body Tempering stage, ang paggamit nito sa martial artist na mas mataas sa level na iyon ay walang pagkakaiba sa pagkiliti sa kanila.
Sa pagkakataong ito, plinano ni Duan Ling Tian ang pag ukit ng ibang inscription bilang isang preventive measure.
Kung hindi niya kayang patayin si Fang Qiang sa loob ng dalawa at kalahating buwan gamit lamang ang kaniyang sariling lakas, gagamitin niya itong inscription bilang katulong para kitilin ang buhay ni Fang Qiang!
"Fang Qiang, kahit isa kang ninth level Body Tempering martial artist, sisiguraduhin kong mapapatay kita!"
Sa pag-alala niya sa nangayari noong araw na sinaktan siya ni Fang Qian sa loob ng Li family audience hall, namuo ang galit sa loob ng dibdib ni Duan Ling Tian, hindi niya ito napagilan ng ilang sandali.
Siya at si Fang Qiang ay tulad ng apoy at yelo, kaya't habang nabubuhay si Fang Qiang, ang puso niya'y kailanman di matatahimik.
Nang isasagawa na ni Duan Ling Tian ang inscriptions.
"Tian!"
Ang nagmamadaling boses ni Li Rou ay maririnig sa labas.
Napatalon ang puso ni Duan Ling Tian. Nahulaan niya kung ano ang nangyari.
Ang mga gilid ng kaniyang labi ay umismid.
"Ang pagtugon ng Fang family ay napakabilis nga! Pero mayroon pa rin silang lakas ng loob para magpunta dito, makapal nga ang balat nila."
"Ina, hinahanap niyo ba ako?"
Binuksan ni Duan Ling Tian ang pinto at lumabas.
Huminga ng malalim si Li Rou.
Dahil dumating ang Third Elder ng Fang family at sinabing ang kaniyang anak ay pinatay si Fang Quan, ang kaniyang kalooban ay nabalisa at hanggang ngayon hindi pa rin siya kumakalma.
Si Fang Quan ay isang sixth level Body Tempering martial artist.
Pinatay ng anak niya?
Ang anak niyang si Duan Ling Tian, na katutuntong pa lamang sa fourth level body tempering stage ngayong umaga.
Pagkatapos ng mabilis na pagtatanong.
Nalaman na ni Li Rou ang mga nangyari mula kay Duan Ling Tian.
Nalaman niya din ang pangyayari kung saan pinatay ni Duan Ling Tian si Fang Quan ng hindi inaasahan sa pamamagitan lamang ng isang tama lamang ng espada.
Isang fourth level Body Tempering martial pumapatay ng isang sixth level Body tempering martial artist.
Hiniwa ang lalamunan sa pamamagitan ng isang tama ng espada.
Naintindihan ni Li Rou kung gaano nakakatakot nag Sword Drawing Arts ng kanyang anak.
"Tian, bakit hindi mo pinaalam sa iyong ina ang ganito kabigat na problema?"
May halong pagkayamot na ekspresyon, tumingin ng pagalit si Li Rou sa bata.
"Hindi mo ako tinanong, ina. Dumating ang mga miyembro ng Fang family, tama?"
Nahihiyang ngumiti si Duan Ling Tian.
"Oo, ang Third Elder ng Fang Family at ang Fang family medicine store manager na si Fang Tao ay sabay na nagpunta rito. Pinipilit nila ang Patriarch na ibigay ka sa kanila. Tian, wag ka mag- alala, dahil nasa tama tayo. Dalawa lamang silang pumunta dito, kahit ang Patriarch ng Fang family na si Fang Yi ay pumunta rin dito, hindi ka niya magagalaw!"
Binigyan ni Li Rou si Duan ing Tian ng tapik sa braso.
Ngunit agad niyang napuna na mukhang hindi kinakabahan si Duan Ling Tian; mas kalmado pa siya kaysa sa kaniya.
Tila may naisip siya, kaya't ang mata niyang hugis willow ay kumunot at bumilis ang tibok ng kanyang puso.
"Marahil ito ang unang beses na makapatay ng tao si Tian, pero bakit parang kalmado lang siya?"
Matapos huminga nang malalim, inilabas ni Li Rou ang duda sa kanyang puso.
Ang kanyang mga mata ay nakatitig lamang sa mga mata ng kanyang anak, na parang mayroon siyang sinusubukang malaman.
"Ina, hindi ito ang unang pagkakataon na pumatay ako ng isang tao."
Si Duan Ling Tian ay matagal nang handa, kaya't hindi niya ito pinansin at bahagyang ngumiti.
"Kailan ka huling pumatay bago ang araw na ito? Bakit hindi alam ng iyong ina ang tungkol dito? "
Ang willow-leaf na kahugis ng mga kilay ni Li Rou ay tumaas habang siya ay nagtatanong.
"Ina, bago ang araw na ito, nakapatay ako ng mga tao sa aking mga panaginip… at marami sila. Ito ay bahagi ng pagsasanay na inihanda para sa akin ng matandang lalaki sa aking mga pangarap. Naaalala ko pa noong una akong pumatay ng isang lalaki sa aking panaginip; ako labis na natakot at ako'y nagsuka pa."
Pagpapaliwanag ni Duan Ling Tian.
Isang panaginip na naman!
Bagaman, hindi ganoong naniniwala si Li Rou sa kung ano ang sinabi ng kanyang anak, wala siyang ideya kung paano ipaliwanag ang mga pagbabago na nangyari sa kanya.
"Mukhang ang matandang lalaki sa iyong mga panaginip ay tunay binabantayan ka. Tian, tayo'y pumunta sa Audience Hall. Naghihintay ang Patriarch..."
Matapos huminga ng malalim, hindi na ito pinalalim pa ni Li Rou.
Si Duan Ling Tian ay tumango at sinundan ang kanyang ina patungo sa Audience Hall ng Li Family.
"Brother Nan Feng, inaasahan kong ayos ka lang!"
Sa sandaling lumapit sila sa Audience Hall ng Li Family, narinig nila ang isang malakas na tawa na nanggagaling sa loob.
"Chen Li? Ano ang ginagawa niya dito?"
Matapos marinig ang tinig, nadama ni Li Rou na ito ay hindi pangkaraniwan.
Ngunit nang mapansin niya ang mapait na ngiti sa mga sulok ng bibig ng kanyang anak.
"Tian, 'wag mo sabihin sa akin na nainsulto mo rin ang Chen Family?"
Ang puso ni Li Rou ay hindi tumibok sa isang sandali.
Ang pagbisita ng patriarch ng Chen Family sa oras na ito ay naging sanhi ng pagdududa niya kay Duan Ling Tian.
Nahihiyang kinuwento ni Duan Ling Tian tungkol sa salungatan sa pagitan niya at ng panganay na anak na babae ng Chen Family, si Chen Mei Er.
"Lumabas na ito ay isang walang kuwentang usapin... Imposibleng bisitahin ka ni Chen Li para lamang akusahan ka ng isang maliit na bagay, kaya siguro siya ay narito para sa ibang bagay."
Napabuntong-hininga si Li Rou dahil sa ginhawa. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak ay pumatay rin ng isa sa mga miyembro ng Chen Family.
Si Duan Ling Tian ay lumakad ng mabagal sa likod ni Li Rou at pumasok sa Audience Hall, kung saan niya napansin na ang kapaligarin ay bahagyang kakaiba.
"Humph!"
Dalawang 'di gaano katandang mga lalaki ang nakasalubong ni Duan Ling Tian, paalis na ng Audience Hall ng Li Family.
Ang kanilang mabangis na titig ay parang tila gustong patayin si Duan Ling Tian.
"Patriarch...ito?"
Tumingin si Li Rou patungo sa Patriarch na si Li Nan Feng sa isang nalililtong ekspresyon.
Bago siya pumasok upang kuhain ang kanyang anak, ang dalawang miyembro ng Fang Family ay nagnanais na magbayad si Duan Ling Tian gamit ang kanyang buhay.
Ngunit nang dumating ang kanyang anak sa wakas, sila ay umalis nang hindi nagsasalita.
"Lahat ng ito ay salamat dahil kay Mei Er. Nahulaan niya na dadalawin ng Fang Family ang Li Family upang tuligsain ang mga krimen ni Duan Ling Tian, kaya dinala siya rito ng Patriarch ng Chen Family upang maging saksi. Naroon siya nang pinatay ni Duan Ling Tian si Fang Quan. Dahil si Fang Quan ang nanggalit sa kanya, si Duan Ling Tian ay hindi nagkasala."
Si Li Nan Feng ay tumawa ng malakas.
"Salamat, Miss Mei Er."
Tumingin si Li Rou patungo sa dalagita, bahagyang nakangiti.
"Tian, ngayon naman ang lahat ng ito ay salamat dahil kay Miss Mei Er. Bakit hindi ka magpasalamat sa kanya?"
Tumingin si Li Rou patungo kay Duan Ling Tian.
Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay kumukurap habang tumitingin siya kay Chen Mei Er sa isang naiintrigang ekspresyon, nagtataka kung bakit siya ay kanyang tinulungan.
"Salamat, Miss Mei Er."
Dahil ang kanyang ina ang nagsabi, kahit na hindi niya ito gusto, kailangan niya paring panatiliin ang kanyang anyo.
"Walang anuman."
Ikinurap ni Chen Mei Er ang kanyang malilinaw na mga mata at ngumiti na parang isang magandang bulaklak.
Kung ikukumpara sa isang makulit na panganay na anak na babae sa Agarwood Restaurant kanina, siya ay nagmistulang ibang tao ngayon.
"Si Mei Er ay isang napakaedukadong tao. Patriarch Chen, binigyan mo siya ng magandang pag-aalaga."
Si Li Nan Feng ay bahagyang ngumiti sa 'di gaano katandang lalaki sa tabi ni Chen Mei Er.
Ang 'di gaano katandang lalaki ay ang Patriarch ng Chen Family, si Chen Li.
Iniling ni Chen Li ang kanyang ulo habang siya ay ngumingiti, ang kanyang mata ay na kay Duan Ling Tian.
"Paano ba maihambing ang aking anak na babae kay Duan Ling Tian ng inyong Li Family, na napakalakas na agad sa ganitong edad? Sa oras na siya'y lumaki, natatakot ako na wala siyang magiging katumbas sa buong Fresh Breeze Town..."
"Ninth Elder, maaari ko bang itanong kung ang iyong anak ay may anumang nakaplanong na kasal?"
Tumingin si Chen Li patungo kay Li Rou.
Sa sandaling natapos ni Chen Li ang kanyang pagsasalita, si Li Rou, Duan Ling Tian, at Li Nan Feng ay pare-parehong napipi.
Ang tatlo sa kanila ay sabay na tumingin patungo kay Chen Mei Er. Nang mapansin nila ang kanyang mga pisngi na namumulaklak, agad nilang nahulaan ang hangarin ni Chen Li.
"Si Chen Mei Er ay hindi maaaring magkaroon pagtingin para sa akin, tama?"
Ang puso ni Duan Ling Tian ay parang hinalo. Hindi siya makapaniwala kung ano ang nangyayari.
Kaninang umaga sa Agarwood Restaurant, siya at si Chen Mei Er ay parang apoy at yelo. Kahit na ang mga kababaihan ay pabagu-bago, hindi sila dapat maging pabagu-bago sa ganitong antas...
Sa sandaling ito, napansin ni Duan Ling Tian ang kanyang ina na nakatingin sa kanya nang may pang-aasar na ekspresyon.
Ngunit kasabay noon, ang kanyang tingin ay parang nagtatanong ng kanyang opinyon.
Nang may walang magawang ekspresyon, umiling si Duan Ling.
"Patriarch Chen, sa kasamaang palad, nagpasya na ako ng maaaring mapangasawa ng aking anak na lalaki sa isang maikling panahon na ang nakalipas."
Tinitingnan ni Li Rou si Chen Li sa isang humihingi ng tawad na ekspresyon.
"Sayang naman. Patriarch Li, Ninth Elder, Kapatid Duan... Natupad ko at ng aking anak na babae ang layunin ng aming biyahe, kaya't kami ay aalis na ngayon."
Si Chen Li ay tumango habang siya ay paalis kasama si Chen Mei Er.
Nang umalis si Chen Mei Er, tinignan niya si Duan Ling Tian sa isang mapait na pagtingin. Ang kanyang mukha ay madilim...
"Ninth Elder, bakit hindi ko alam ang tungkol sa iyo na nagpasya ng isang asawa para kay Duan Ling Tian?"
Si Li Nan Feng ay tumingin patungo kay Li Rou na may isang nagtatakang ekspresyon.
"Patriarch, si Ke Er ang asawa na aking ipinasiya."
Isang taos-pusong ngiti ang lumitaw sa mukha ni Li Rou nang magsalita siya tungkol kay Ke Er.
Ang sinabi niya ay naging sanhi ng pagkamangha kay Duan Ling Tian.
Sa kanyang puso naisip niya,
"Kung naririnig ni Ke Er kung ano ang sinabi ng aking ina, tiyak na mahihiya siya na ipakita ang kanyang mukha."
"Ganoon lamang iyong. Ang mga batang ito ay perpektong tugma."
Ngumiti si Nan Nan Feng habang siya'y tumatango.
"Ninth Elder, gusto akong makita ni Grand Elder bago dumating ang dalawang miyembro ng Fang Family. Naantala na ako ng mga ilang minuto, kaya ako rin ay aalis na."
Nang umalis si Li Nan Feng, isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Duan Ling Tian.
Alam niya ang dahilan kung bakit gusto ng Grand Elder na makita ang Patriarch.
"Umaasa ako na ang Patriyarka ay hindi masyadong madamot... Kahit na ang Thunder Flame Pill ay isang mababang ranggo na gamot, ang kahalagahan nito sa Li Family ay hindi pangkaraniwan."
Kung ang mga anak ng lahat ng Elder ng Li Family ay gagamitin ang Thunder Flame Pill at pagkatapos ay sipsipin ang Six Treasures Body Tempering Liquid, ang bilis ng kanilang cultivation ay dodoble!
Siyempre, ito rin ang dahilan kung bakit gusto ni Duan Ling Tian na ibahagi ang medicinal formula ng Thunder Flame Pill kay Li Huo.
Kailangan na kailangan niya ang Thunder Flame Pills.
Sa tulong ng Thunder Flame Pills, ang pagpasok sa ikapitong antas ng Body Tempering Stage sa loob ng dalawa at kalahating buwan ay hindi imposible.
"Tian, bakit ka nakangiti? Ngayon palang ay sinasabi ko na: kahit anong mangyari, hindi mo maaaring iwanan si Ke Er. O ang iyong ina ay hinding hindi ka mapapatawad!"
Seryosong sinabi ni Li Rou kay Duan Ling Tian.
"Ina, anong pinagsasabi mo?"
Si Duan Ling Tian tumawa ng mapait.
Ano ang nangyayari sa kanya?
"Tian, kung lalabas ka sa susunod na mga buwan, tandaan mong sabihin sa iyong ina upang makasama ako."
Sinabi ni Li Rou.
"Ina, nag-aalala ka ba na sasaktan ako ng mga miyembro ng Fang Family?"
Hula ni Duan Ling Tian.
"Oo, sinuman kay Fang Tao o Fang Xing ay hindi mabuti at matapat na tao; Nag-aalala ako na ikaw ay lihim na nilang pinagpaplanuhan."
"Ina, si Fang Quan ay anak ni Fang Tao. Siya na maghanap ng paghihiganti laban sa akin ay normal, ngunit bakit ang Third Elder ng Fang Family ay nais akong kalabanin?"
Nalilito si Duan Ling Tian.
"Tian, si Fang Xing at Fang Tao ay may espesyal na relasyon; siya ay ang nakatatandang kapatid ni Fang Tao."
Pagpapaliwanag ni Li Rou.
"Ganoon pala iyon."
Si Duan Ling Tian ay naliwanagan.
Hindi niya inaasahan na si Fang Quan ay ang pamangkin ng Third Elder ng Fang Family. Hindi nakapagtataka na personal nilang binisita ang Li Family upang tuligsain ang kanyang mga krimen.
Ngunit ang Fang Family ay dapat alam na sila ay nasa mali, o ang maaaring dumating ay hindi lamang maging ang Third Elder ng Fang Family ngunit pati ang kanilang Patriarch...
Pagkaraan ng sampung araw, tinawag ni Grand Elder Li Huo si Duan Ling Tian.
Binigyan ni Duan Ling Tian si Li Huo ang kanyang huling sesyon ng masahe, na tinutulungan siya na ganap na mapagaling ang kanyang nakatagong mga pinsala bago itago ang unang pangkat ng Thunder Flame Pills na ginawa ni Li Huo.
Ang pangkat na ito ng Thunder Flame Pills ay may kabuuang tatlumpung gamot.
"Bata, ito ang isang libong pilak na utang ko sa iyo. Higit sa na, narito ang isa pang tatlumpung libong pilak mula sa pamilya. Maaari mong isipin na ito ang bayad para sa iyong medicinal formula ng Thunder Flame Pill."
Ang matanda ay naglabas ng isang malaking salansan ng mga perang papel at ipinasa ito kay Duan Ling Tian.
"Salamat, Grand Elder!"
Kinuha ni Duan Ling Tian ang mga perang papel mula sa kanyang kamay; hindi siya kahit konting galang.
"Napansin ko na ang mga laman sa iyong katawan ay umabot na sa isang hangganan. Sa tingin ko ay malapit ka nang magtagumpay sa ikalimang antas ng Body Tempering Stage sa lalong madaling panahon, tama? Sa iyong likas na talento na pinagsama sa tulong ng Thunder Flame Pills, ang pagtatagumpay hanggang sa ikapitong antas ng Body Tempering Stage sa susunod na dalawang buwan ay hindi na dapat imposible... Sa panahong iyon, pagtiwala sa iyong mabilis na espada, kung walang 'di inaasahan ang mangyari, siguradong ito ay sapat na sa'yo upang mapuksa si Fang Qiang!"
Ang mga mata ng matanda ay nanliit habang dahan-dahan niyang sinasabi ito.
"Grand Elder, alam mo kung ano ang nangyari?"
Si Duan Ling Tian ay napigilan.
Tila mukhang alam ng Grand Elder kung ano ang nangyari noong kalahating buwan na ang nakalipas; nalalaman niya kung paano siya nagtiwala sa kanyang lakas ng ikaapat na antas ng Body Tempering upang patayin si Fang Quan, na nasa ikapitong antas ng Body Tempering Stage.
"Ang usapin na ito ay hindi isang lihim sa Fresh Breeze Town; Narinig ko ito mula sa Patriarch noong kalahating buwan na ang nakalilipas. Bata, hindi ko naisip na alam mo kung paano itago ng maayos ang iyong lakas... Mukhang si Li Jie na lumpo dahil sa'yo ay hindi lamang dahil sa kanyang kamalasan!"
Ang matanda ay tumitig kay Duan Ling Tian.
"Suwerte lang ako."
Si Duan Ling Tian ay nahihiya. Pagkatapos niyang itago ang mga perang papel, siya ay umalis.
"Sayang dahil ang kanyang mga hangarin ay hindi tago sa loob ng Fresh Breeze Town ... Kung hindi ay imposible para sa ating Li Family na pagsamahin ang buong bayan.
Ang matandang lalaki ay napabuntong-hininga. Ang kanyang tono ay may bakas ng awa.
Hindi alam ni Duan Ling Tian kung gaano kataas ang tingin ni Grand Elder sa kanya. Dumiretso siya sa bahay pagkatapos umalis sa bahay ni Grand Elder.
Matapos ihanda ang bath barrel at ang ilang Seven Treasures Body Tempering Liquid, inialis niya ang kanyang mga damit.
Pagkatapos ay ininom niya ang Thunder Flame Pill.
Sa isang iglap, malinaw na nadarama ni Duan Ling Tian ang sakit sa buong katawan niya...
Mas lumalala ang sakit sa mga sandaling ito!
Hiss hiss~~
Sa sandaling ito, nadama ni Duan Ling Tian na parang siya ay sinalakay ng kidlat at apoy.
Ang sakit ay kumakalat sa kanyang buong katawan, na nagdudulot sa kanya na hindi mapigilang ang kanyang sarili na maglabas ng isang mababang "humph" na tunog...
Sa kabutihang-palad, ang pagiging isang tao ng dalawang buhay, ang kanyang kalooban ay mahigpit, kaya madali niyang natiis ang sakit na dulot ng Thunder Flame Pill.
Pagkalipas ng kalahating oras, napansin ni Duan Ling Tian na ang sakit sa kanyang katawan ay nagsisimulang mawala.
Malinaw niyang nararamdan ang pagbukas ng mga butas sa kanyang katawan, lubos na sinisipsip ang Seven Treasures Body Tempering Liquid sa loob ng bath barrel.
Ang bilis ng pagsipsip ay dalawang beses na mas mabilis kaysa sa nakaraan...
Nine Dragons War Sovereign Technique, Spirit Serpent Form!
Nang lubos na hinigop ni Duan Ling Tian ang Seven Treasures Body Tempering Liquid, sinimulan niyang ikalat ang kanyang paraan ng pagcultivate.
Ang dugo ng buhay sa loob ng kanyang katawan ay patuloy na lumalakas. Ang kanyang katawan ay sumasailalim sa isang pagbabago sa isang nakakaalarmang bilis, ibig sabihin siya ay mabilis na nilalagpasan ang kanyang limitasyon.
Ikalimang antas ng Body Tempering Stage!
Binuksan ni Duan Ling Tian ang kanyang mga mata. Ang kanyang ekspresyon ay puno ng matinding kagalakan.
Tulad ng inaasahan, hindi siya nabigo ng Thunder Flame Pill.
Karaniwang kailangan ng Duan Ling Tian ang kalahati ng isang araw upang lubos na mahigop ang isang bahagi ng Seven Treasures Body Tempering Liquid.
Ito ang kanyang limitasyon.
Ngunit salamat sa Thunder Flame Pill.
Sa loob lamang ng isang oras ng hapon, patuloy niyang hinihigop ang dalawang bahagi ng Seven Treasures Body Tempering Liquid at agad na nagtagumpay!
You may also Like
Paragraph comment
Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.
Also, you can always turn it off/on in Settings.
GOT IT