Nagsimula nang magrecover ang mga pirapirasong bahagi ng space habang makikita ang natusok at hiwahiwang kontinenteng lumilipad sa loob ng mga whirlpool nang napakatagal na panahon, nagpakita ito ng isang butas na mayroong daan daang libong km na diametro. Lumtang doon ang daan daang mga fighter, natitigilan pa rin ang mga ito sa eksena na kanilang nakita.
Nang biglang…
Isang napakalakas na enerhiya ang nagpakita sa gitna ng ere. Isang bakal na taong nakasuot ng armor at nagliliwanag nang kulay itim ang nagpakita, at kumalat din ang walang hugis niyang pressure sa paligid na nakapagpatahimik sa daan daang mga fighter ng sangkatauhan.
"Si Life Fall Emperor!"
"Ang automaton na si Life Fall Emperor!"
"Nagmula siya sa lahi ng automaton kaya paano siya nakarating dito nang ganito kabilis?"