Agad na binuksan ni Luo Feng ang sulat nang makapasok siya sa loob ng Ming-Yue sector.
Kahit na sinulat ni Zhen Nan ang liham na ito para sa kanyang kapatid na si Luo Hua, medyo nag-aalala pa rin si Luo Feng sa laman nito… nagtangkang magpakamatay ang kanyang kapatid kahapon saka unstable pa rin ang emosyon nito. Nag-aalala siya na baka mayroong mga masasakit na salita sa liham na baka magtulak sa kanyang kapatid na magpakamatay ulit kaya hindi na nagdalawang-isip si Luo Feng! "Tingnan ko nga kung ano ba ang nakasulat dito," punong puno ng galit ang mukha ni Luo Feng pero nang nagsimula na siyang magbasa ay nawala ito ng paunti-unti.
"Hay…" umiiling na sinabi ni Luo Feng, "Buti naman na marunong pumili ng tao si Luo Hua." Nalaman ni Luo Feng sa liham na…