Download App
47.44% King of Gods (Tagalog) / Chapter 752: Mga Salita ng Kamatayan

Chapter 752: Mga Salita ng Kamatayan

Editor: LiberReverieGroup

"Ganoon pala ah," tinitignan ni Emperor Mu Yun ang bawat galaw ni Zhao Feng at ang Yuan Soul ay natigil sa kalagitnaan ng himpapawid. Hindi nakapagtataka na hindi ganon kalakas ang self-destruction gaya ng kaniyang inaasahan ng Emperor of Death.

Ang Void God Realm ay kumakatawan sa pagbabago sa kaluluwa, at naabot na ng mga Emperor ang peak.

Ang pinakamalakas na pundasyon ng Emperor of Death ay ang kaniyang kaluluwa, ngunit sa kasamaang palad nakita niya si Zhao Feng.

Ang eye-bloodline ay Soul-based din, at mayroon siyang Sky Locking Bow.

Kahit matapos makulong sa Emperor of Death Yuan Soul, hindi siya minaliit ni Zhao Feng.

"Master," biglang lumitaw ang batang Demigod, at tinignan siya ni Zhao Feng nang may pagkalito. Anong uri ng mungkahi ang meron ang lalaking ito?

"Ang Emperor of Death Eyes of Death ay namamana. Maari bang nakawin ni Master ang eye-bloodline para sakin?" Lubos na nanlambot ang batang Demigod.

Siya ay nagcultivate ng body-strengthening techniques, at ang kaniyang kaluluwa ay ang kaniyang kahinaan.

Gayunpaman, kung makukuha ng batang Demigod ang soul-based Eyes of Death at isama ito sa kaniyang Golden Kun Sacred Body. Ito'y magiging perpekto.

"Eyes of Death?" Naramdaman ni Zhao Feng ang sabik na pagpulso ng kaniyang eye-bloodline.

Sa himpapawid, ang Yuan Soul na hindi makagalaw ay mayroong pares ng pitch-blackv eyes, na nabubuhay sa physical dimension at soul dimension.

Ito'y kapareha nang iniwan ng God Eye ni Zhao Feng ang kaniyang katawan.

Sinabi ng kaniyang instinct na makakatulong ang Eyes of Death.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay lumitaw rin at iwinagayway ang kaniyang paa na parang may gustong sabihin kay Zhao Feng.

"Itong pusa…!" kinayod ng batang Demigod ang kaniyang ngipin.

Ang munting pusang magnanakaw ay sinabi kay Zhao Feng na wag ibigay ang Eyes of Death sa batang Demigod.

Miao!

Ang iminungkahi ng munting pusang magnanakaw ay madaliing patayin ang Emperor of Death.

"Zhao Feng, kapag namatay ako, mamamatay kadin," ang Yuan Soul na hindi makagalaw at nasunog habang tinawag nito ang power of Death.

Hindi ito mabuti!

Ang ekspresyon ni Zhao Feng at iba pa na papalapit ay kapansin-pansing nagbago nang makaramdam ng kritikal na panganib.

Dapat malaman ng isa na ang kaluluwa ng Emperor of Death ay walang kapantay sa mga Emperor, at kung sa kaalaman sa kaluluwa, nalagpasan niya ang ibang Sacred Lords.

Miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay mabilis na gumalaw at nagtago sa metal ring ni Zhao Feng, ngunit ang batang Demigod ay iniisip kung paano makukuba ang Eyes of Death at nahuli ng bantay.

Boom~~~~~~

Ang lahat ng Heaven and Earth ay nahulog sa kadiliman bilang isang kapangyarihan na katulad ng Death Forcefield na sumasakop sa lugar.

Ang pinagkaibahan na ang kapangyarihan na ito ay nakaasinta sa kaluluwa.

"Arghh!" sumigaw ang batang Demigod ang kaniyang aura ay parang pinatay na kandila.

Ang Soul Sea ni Zhao Feng ay nagsimulang mayanig habang hinaharap ang pagsabog ng kaluluwa ng Emperor.

Nagawang mapinsala ng pagsabog ang mga kaluluwa ng Mystic Light Realm Sacred Lords.

Dumaing si Zhao Feng sa sakit; kahit na ang kaniyang God Spiritual Eye ay matibay laban sa soul attacks, naaayon ito.

Kung napakalakas ng soul attack, hindi ito maiiwasan ng kaniyang God Spiritual Eye.

"Munting pusang magnanakaw! Batang Demigod…! sigaw ni Zhao Feng.

Ang munting pusang magnanakaw ay mabilis na kumilos at nagawang makatakas sa ancient metal ring, na ibang dimensyon.

Para sa batang Demigod, hindi na nararamdaman pa ni Zhao Feng ang kaniyang aura.

Whoosh!

Isang pares ng itim na mata ang naging malabong guhit at mabilis na lumipad sampung libong milya ang layo.

"Eyes of Death at Death Intent!" Naging malupit ang ekspresyon ni Zhao Feng.

Hindi niya inaasahan na ang Emperor of Death ay may teknik katulad ng shedding ng kaniyang shell.

Higit 95% ng soul-strength ng Emperor of Death ang nasira sa pagsabog ngayon lang, ngunit ang kaniyang core Death Intent at mga memorya ay nakatago sa loob ng Eyes of Death.

Whoosh!

Mabilis na lumipad ang Eyes of Death, at ito'y nagsimula sa pagitan ng physical at soul dimensions.

Ito'y mas mabilis sa Lightning Wings Spatial Flash ni Zhao Feng dahil ang bilis ng Yuan Souls ay humigit ng sampung beses kumpara sa normal na paglipad, at sa kaniyang kalagayan sa kasalukuyan, ang Emperor of Death ay limang beses na mas mabilis kaysa dito.

"Tignan natin kung hanggang kailan ka tatagal," nagpasya si Zhao Feng na hindi niya pwedeng hayaan na lang basta-basta ang Emperor of Death, ngunit ang direkta siyang patayin ay masiyadong mabait.

"Lightning Wings Spatial Flash!"

Nabuo ang pakpak sa likod ni Zhao Feng at nagawang lumipad sampung libong milya ang layo.

Hindi siya nag-aaala na makatakas ang Emperor of Death dahil higit 95% ng soul power nito ang nawasak, kaya hindi ito makakalipad ng matagal.

"Isang paraan lamang meron ang Emperor of Death para mabuhay," Malinis ang puso ni Zhao Feng.

Matapos mawasak ang kaniyang pisikal na anyo at halos maubos ang kaniyang soul power, ang tanging paraan para mabuhay ang Emperor of Death ay magnakaw ng katawan ng iba.

Sa katunayan, nagawa na ito ng Emperor of Death ito ng dalawang beses, kaya siya ay bihasa na, ngunit sa pagkakataong ito, ang kahirapan ay lubos na mataas.

Kahit ang self-destruction na kaniyang kaluluwa ay hindi gaano nagawang mapinsala si Zhao Feng.

Ang kaniyang eye-bloodline ay dalubhasa sa pagsubaybay, at siya rin ay lubos na mabilis, ang Emperor of Death ay mapait na umiyak.

Kahit na ito ay Sacred Lord, ang Emperor of Death ay magagawang makatakas sa dalawang shell-shedding na pagsabog.

Ang Shadow ng Death God at ang dalawang pagsabog ay malaking gulo kahit ew normal Sacred Lords, ngunit sa kasamaang palad, ang kaniyang kalamangan sa kaluluwa ay perpektong nakontra ni Zhao Feng.

Makalipas ang isang oras, nagawang makapiglas ng Eye of Death mula kay Zhao Feng, ngunit ang kaniyang mga Intent ay nagamit na. Siya ay tumungo sa islang maraming tao.

"Magagawa kong magbalik muli kapag ako ay nakakuha ng katawan ng iba." Ang Emperor of Death ay nakakita ng pag-asa sa bagong buhay.

Kapag nagawa niyang makakuha ng katawan, hindi niya na kailangang mag-alala sa talento o iba pang bagay dahil sa kaniyang Eye of Death.

Maya-maya, sa loob ng palasyo ng ibang bansa, isang itim na liwanag ng ilaw ang kumislap.

Ang sinumang hindi pa nakakarating sa Origin Core Realm ay hindi makararanas ng anumang bagay.

"Mabuti, ninakaw ko ang katawan ng prinsipe ngayon," ang Emperor of Death ay bahagyang masaya.

Ang lakas ng bansang ito ay kapantay ng Canopy Great Country, at hindi ito madaling mahanap.

Kung pipiliin niya ang pwersa ng one-star o two-star, ito'y magiging mapanganib, ngunit ang pagkakakilanlan sa prince ay hindi ganon kasama.

Kapag naka-pasok siya sa pwersa ng one-star o two-star sa hinaharap, ito'y may hindi mabilang na pinagkukuhanan.

Ang Emperor of Death ay nagsimulang sumanib sa memorya ng kaniyang katawan.

Zhao Feng, maging mabuti ka sa iba…."

Bumilis ang paghinga ng Emperor of Death, at ang kaniyang mga mata ay puno ng kabiguan at kawalan ng pag-asa.

Nagnakaw lamang siya ng katawan;

bukod sa katunayan na siya ay may malakas na intent, malamang na hindi siya tugma para sa isang True Spirit Realm.

Nanatiling walang ekspresyon si Zhao Feng habang siya ay kumuha ng isang kagat ng karne, matapos nito ay nagsimulang siyasatin ang Emperor of Death at ang kaniyang bagong katawan.

Sa sandaling ang isang Void God Realm ay makapagnakaw ng isa katawan, ang lahat ay naging simple.

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay bumukas at tinakpan ang kaluluwa at katawan ng Emperor of Death a isang nagyeyelong lamig.

Siya ay lubhang interesado sa Emperor of Death at sa mga pamamaraan nito pati ang kaniyang Eye of Death.

"Zhao Feng, kapag namatay ako, ganoon ka din dahil itinakda ko ang Cursed Words of Death matagal na panahon na ang nakalipas," naging makamandang ang mukha ng Emperor of Death nang takutin nito si Zhao Feng.

Wala na siyang pag-asa laban kay Zhao Feng, kaya kung siya ay mamamatay, ipaparanas niya rin ito kay Zhao Feng.

Sinuri niya ang Dark Eye Secret Manual noon, kaya may kaunti siyang kaalaman sa Cursed Words of Death.

Ang Cursed Words of Death ay ang pinaka-nakakasindak na uri ng sumpa, at kinakailangan ng buhay para gumana.

"Ang pinagmulan ng Cursed Words of Death ay isang ipinagbabawal at ubos na uri ng Sampung Thousand Ancient Races - ang Ancient Shaman Race. Ang ranking ng race na ito ay mas mataas sa Heaven's Legacy Race – nasa ibaba lamang ito ng Ancient Race."

Nanlamig ang mukha ng Emperor of Death at ang ekspresyon ni Zhao Feng ay bahagyang nagbago, ngunit ang pumapatay na intent sa kaniyang mata ay hindi nag-alinlangan.

Hindi niya lamang papatayin ang Emperor of Death, papahirapan niya ito at kukunin ang kaniyang Eye of Death pati ang kaniyang memorya.

"Hahaha…!" Nagsimulang tumawa ang Emperor of Death na walang pag-asa habang kinakalat ang kaniyang intent at kaluluwa.

Ang kaniyang kalaban ay malamig at kalmado – kahit ang Cursed Words lf Death ay hindi siya matatakot.

Hindi ito maganda!

Gusto siyang pigilan ni Zhao Feng, ngunit huli na ang lahat. Hindi niya inaasahang magpapakamatay ang Emperor of Death.

"Gamit ang presyo ng kamatayan, dapat ko bang iwan sa likod ng isang bangungot ng walang katapusang pagkatuyo at pagpapahina ang aking kaaway ...!" Isang tinig ang tila nagmumula sa Heaven and Earth.

Sa mga sandaling ito, tuluyan nang namatay ang Emperor of Death.

Kasabay ng kaniyang pagkamatay ang kaniyang kamalayan at ang kaniyang Eye of Death.

Ang mas malakas na may-ari ng Eye of Death, mas magiging malakas din ang Cursed Words of Death.

Sa teorya, ang kapangyarihan ng Cursed Words of Death ay mas epektibo sa mga eksperto sa loob ng dalawang malaking lupain.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi nais ng mga normal Sacred Lords na saktan ang Emperor of Death, na may mga sinaunang pamamaraan at ipinagbabawal na teknik.

Plop!

Ang kinuhang katawan ng Emperor of Death ay bumagsak sa lupa.

Sii!

Dumaing si Zhao Feng nang makaramdam ng malamig at hindi mapaliwanag na kapangyarihang dumadaloy sa kaniyang kaluluwa.

Ang pakiramdam ay makati at masakit, at ito ay diretso sa kaniyang puso.

Nang buksan ni Zhao Feng ang kaniyang God Spiritual Eye, nakita niya ang patak ng itim na ilaw sa kaniyang katawan pababa kahit sa kaniyang kaluluwa.

Mahirap ipaliwanag ang pinagmulan ng mga itim na ilaw o paano sila nabuhay.

Ang kapangyarihan ay katulad ng sumpa ng multong bangkay, ngunit hindi mabilang na beses na mas malalim.

"Cursed Words of Death… Isang ipinagbabawal na teknik ang nabubuhay…?" Napahinga ng malalim si Zhao Feng.

Sa puntong tamaan siya ng teknik na ito, makakaramdam siya ng pag-kuyog ng mga insekto sa kaniya.

Agad-agad, naramdaman ni Zhao Feng ang kaniyang kaluluwa, lifeforce, True Yuan, at cultivation na dahan-dahang nagsisimulang matuyo.

Sa kabutihang palad, ang kaniyang Mystic Ice Sealed Race at God Spiritual Eye ay medy pangontra laban sa Cursed Words of Death.

Ang nanghihinang bilis ng normal Kings ay magiging sampung beses o isang dosenang mas mabilis kay Zhao Feng.

Umupo lamang ng kalahating araw si Zhao Feng, wala siyang magawa sa Cursed Words of Death.

Hindi niya malaman kung paano nabuhay ang kapangyarihan ng sumpa, at hindi niya naaapektuhan ito.

Hindi ko maintindihan ang Cursed Words of Death. Babalik muna ako sa Azure Flower Continent. Baka ang Sage ay may sabihin saakin, naisip ni Zhao Feng.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C752
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login