Download App
46.81% King of Gods (Tagalog) / Chapter 742: Pursuit of Death (5)

Chapter 742: Pursuit of Death (5)

Editor: LiberReverieGroup

Ang lugar na pinasukan ni Zhao Feng ay tinatawag na Bright Flower Area, at ito ay may kaparehong ranggo sa Azure Flower Continent.

Boom!

Dahil sa kapangyarihan ng kaniyang Wings of Wind at Lightning, ilang-libong yardang-lawak na crater ang nabuo nang siya'y lumapag.

Namumutla ang mukha ni Zhao Feng, at mahina ang kanyang aura. Kumain siya ng prutas mula sa Ancient Dream Realm.

Kung bumababa ang True Yuan o Yuan Qi ng isang tao, ang prutas mula sa Ancient Dream Realm ay lubhang epektibo, ngunit kinakailangan nito ng ilang sandali para matunaw. Gayunpaman, nagamit na ni Zhao Feng ang kanyang yaman at spiritual pills upang magkaroon ng enerhiya habang tumatakbo.

Ang esensya na nilalaman ng prutas ay maihahalintulad sa pinagmulan ng buhay, at mayroon itong napaka gandang dulot sa katawan at organs ng tao. Ito ay madaming beses na mas mahusay kaysa sa Ancient Dream Realm aura.

Matapos makuha ang Emperor Intent, kayang-kaya ng katawan ni Zhao Feng tunawin ang prutas mula sa Ancient Dream Realm sa mabilis na panahon, at hindi niya na kailangang mag-alala na hindi matatag ang kanyang pundasyon.

Sa oras na ito, ang bawat galaw at hinga niya ay limitado dahil sa Heaven Earth Yuan Qi upang maibalik ang kanyang True Yuan Dimension. Kapag lumakas ang isang Intent, kaya nilang mabilis na makabawi, at ang bilis ng pagbawi ng Ten Thousand Ancient Races bloodline ay madaming-beses na mas mahusay kaysa sa mga normal na bloodline.

Sa loob ng isang araw, nabawi na ni Zhao Feng ang kaniyang Yuan Qi at enerhiya, at ang pagcultivate niya ay mas lalong lumakas matapos kumain ng prutas.

Inilibot din ni Zhao Feng sa kaniyang katawan ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique. Mahigit isang daang kakaibang bungkos ng lightning symbols ang lumitaw sa kanyang lilang Soul Sea. Madilim ang aura ng mga ito at kumikislap sa madilim na ilaw. Ang mga lightning symbol na ito ay konektado sa isa't isa, na bumubuo ng isang uri ng circuit.

Pagkatapos magkaroon ng malalim na kaalaman tungkol sa God Tribulation Lightning Intent at pagbuo ng Emperor Intent, unti-unti nang nagagamit ng maayos ni Zhao Feng ang kapangyarihan. Gayunpaman, mabagal ang pagbawi ng God Tribulation Lightning, kaya't kinakailangan niyang mag-ingat sa paggamit nito.

"Maghihintay ako hanggang magkaroon ako ng ilang daang bungkos ng lightning symbols. Sa puntong iyon, malaking banta ito sa Emperor of Death. Kung kaya ko lang humigop ng ilang libong bungkos pa, hindi na ako matatapatan ng kahit sino sa ilalim ng Mystic Light Realm," kumislap ang mga mata ni Zhao Feng. Sa sandaling ito, ang tanging banta lamang sa katawan ng Emperor of Death ay ang Scarlet Destruction Eye Flame at bahagyang magdudulot ng pinsala.

"God Tribulation Lightning… Wings of Wind and Lightning… Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning…."

May tatlong direksyon sa isip ni Zhao Feng na maaaring siyang palakasin.

Ang Winds of Wind and Lightning ay napaka importante pagka't para ito sa bilis. May dalawa pang naiisip si Zhao Feng - unawain ang Lightning Wings Spatial Flash at unawain ang Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning.

Sa pormasyon ng Emperor Intent, kapansin-pansing bumilis ang comprehension ni Zhao Feng, at kahit anong bottleneck noon ay mabilis na masisira.

Habang nagkucultivate si Zhao Feng, wala siyang kaalam-alam na ang kaniyang pagdating ay nakaepekto ng matindi sa Bright Flower Area.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Maririnig ang tunog na tila ba pumapagaspas at papunta ito sa crater kung saan namamalagi si Zhao Feng.

"Doon! May bumaba mula sa langit!"

"Tila isang hindi pa nakikitang bato mula sa kalawakan, at mayroon itong napaka gandang liwanag na inilalabas. Ang puwersang nagmula rito ay sapat na upang makapaslang ng Nakatataas."

Saad ng mga pigura sa himpapawid sa isa't-isa.

Tila ba isang lightning-filled meteorite si Zhao Feng na nagmula sa walang hanggang karagatan. Sa mata ng mga hukbo, pangitain ito mula sa langit. Maaaring isa itong kakaibang banta mula sa kalawakan o uri ng kayamanan. Gayunpaman, hindi sila makalapit dahil mayroong katakot-takot na aura sa isang-libong yardang-lawak na crater.

Maririnig ang pagaspas sa iba pang direksyon. Ang mga parating na pinaka mahina ay nasa True Lord Rank habang ang pinaka malalakas ay naabot na ang huling yugto ng Small Origin Core Realm.

Ang sitwasyon sa Bright Flower Continent ay tulad sa Azure Flower Continent - walang Void God Realm Kings. Ang pinaka malakas na angkan dito ay mga isa't-kalahating bituin lamang. Samakatwid, lahat ng pupunta dito ay ang mga peak expert ng lugar.

"Napaka lakas na pwersa ng Langit at Lupa…."

Nakaramdam ng hindi mapigilang puwersa ng Langit at Lupa ang mga peak expert nang lumapit sila, at nagkaroon ng ulap sa hangin mula sa Wind Lightning.

"Mukhang hindi ito isang uri ng kayamanan."

Mayroong humigit-kumulang dalawampung inland experts dito, ngunit hindi sila makapalapit kahit dalawang-daang milya sa crater. Ni minsa'y hindi pa nakita ng mga ekspertong ito ang Void God Realm King.

Sa katotohanan, dahil ito sa mental na enerhiya ni Zhao Feng, ngunit wala ni isa sa mga ekspertong ito ang may alam dahil ang kapangyarihan at kadakilaang ito ay lampas sa kanilang kaalaman.

"Pinigilan nito kahit ang aking Spiritual Sense…." isang Origin Core Realm Sovereign ang nakayanang umabot sa isang daang milya at nakaramdam ng pagsikip ng hininga.

Hmm?

Naramdaman ng nagkucultivate na Zhao Feng ang mga pigurang papalapit, ngunit hindi siya nag-abala pa. Gusto niyang mapataas ang cultivation sa lalong madaling panahon, kaya't kinakailangan niyang gumamit ng Emperor Intent. Ibig sabihin nito ay kahit saan siya mapunta ay may maaaring mangyare, ngunit wala sa mga eksperto ang kayang lumapit ng isang libong milya kay Zhao Feng. Ang pwersa pa lamang ng kanyang cultivation ay pinipigilan na ang kahit sinong mas mababa pa sa Sovereign Lord. Katulad ng inaaasahan, wala ni isa sa mga inland expert ang makapalit sa kaniya, at hindi nila maramdaman ang presensya ni Zhao Feng.

Three days later:

"Sa tulong ng Emperor Intent, tunay ngang ang cultivation ay kakaiba." Kumain muli ng prutas si Zhao Feng.

Sa gubat ng Ancient Dream Realm, mahigit dalawampung prutas sa puno ay binabantayan ng alaga ni Zhao Feng - ang ahas at ang ibon.

Unang kinuha ni Zhao Feng ang mga hinog na prutas, at ang kanyang cultivation ay malapit nang umabot sa gitnang yugto ng Void God Realm. Sa kanyang palagay, kung kakain siya ng sampu pang prutas at magcultivate ng mapayapa ng dalawa pang buwan, kaya niyang umabot sa gitnang yugto ng Void God Realm.

Napapabilis ng Emperor Intent ang cultivation.

"Master, kung kakain ako ng isa sa mga Spiritual Fruits, maaaring umabot na sa low mastery stage ang Golden Kun Sacred Body ko, at mabilis akong makakabawi ng lakas. Kung makakahanap pa ako ng pagkukunan, hindi na nalalayo ang gitnang yugto ng Void God Realm…." Maririnig ang boses ng batang Demigod. Napagtanto niyang ang prutas na ito ay mayroong aura ng Ancient Dream Realm na dose-dosenang beses na mas mainam kaysa sa ibang Spiritual Fruits. Napaka talino ng batang Demigod kaya't hiniling niya ito nang nasa panganib si Zhao Feng.

Kung sa normal na sitwasyon, siguradong hindi papayag si Zhao Feng. Gayunpaman, pinag-isipan ito ni Zhao Feng at binigyan ng limang Ancient Dream Realm na prutas ang batang Demigod.

Malaki ang ginampanan ng batang Demigod sa digmaan laban sa Emperor of Death. Ang kanyang Sacred Body at Heaven Sealing Eighteen Palms ay may kakayahang limitahan ang kapangyarihan at Intent ng Emperor of Death, kaya't ang Emperor of Death na nakatapat nila noo'y hindi nagamit ang kanyang buong lakas, kung hindi dahil dito maaaring nagtamo ng matinding pinsala o di kaya'y namatay si Zhao Feng.

Alam ni Zhao Feng na hindi tunay na tapat sa kanya ang batang Demigod. Ang pinaka minimithi ng batang Demigod ay masuportahan ang kanyang pangangailangan at mabawi ang kanyang Demigod na lakas.

"Little Kun Yun, kung hindi mo ibibigay lahat ng iyong makakaya sa susunod na labanan, hindi ko ibibigay ang lahat ng kailangan mo," dagdag ni Zhao Feng, na nagpakaba sa batang Demigod. Napansin kaya ni Zhao Feng na hindi niya ginamit ang buo niyang lakas noon?

Sa katotohanan, pagkatapos makabawi sa Void God Realm, kaya nang gumamit ng iba't-ibang technique ng batang Demigod.

Sa loob ng isang-libong yardang-lawak na crater, parehong nagcultivate si Zhao Feng at ang batang Demigod. Ang pinagkaiba lamang ay si Zhao Feng ay gumagamit ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique at hinahati ang kaniyang isip para mag multi-task.

Sa sandaling iyon, kaya niyang hatiin ang kanyang isip sa isang libo at limang daan o ilan pa, na maihahalintulad kay Emperor Duanmu. Gayupaman, kung hahatiin niya ang kanyang isip sa isang daan o isang libo, kaya lang niyang gumawa ng simpleng bagay tulad ng pagkontrol ng hayop. Apat o lima lamang ang kayang gumawa ng komplikadong gawain. Halimbawa, pagcomprehend ng God Tribulation Lightning na kinakailangan ng matinding pokus.

Sa araw na ito, mayroon nang isang daan at pitumpung bungkos ng God Tribulation Lightning sa kanyang lilang Soul Sea. Kung titignan ay mas madaming bungkos, mas mabilis na pagsipsip. Hindi lamang ito dahil sa Emperor Intent ni Zhao Feng; nilinis ng God Tribulation Lightning ang kanyang kaluluwa at ngayon ay mayroong malamlam na aura ng God Tribulation Lightning, sa madaling salita hindi naitaboy ng God Tribulation Lightning ang kanyang kaluluwa.

Si!

Isang daan at pitumpung antigong simbolo ng lightning ang mayroon sa kanyang Soul Sea at nagbigay ng walang kamatayang aura. Ang kaluluwa at Intent ay lalong lumalakas sa bawat araw na dumadaan. Kahit ang kanyang kaluluwa ay may bahid ng God Tribulation Lightning. Halimbawa, ang kaniyang mga mental na enerhiyang atake ay naglalaman ng God Tribulation, na kayang salungatin ang halos lahat ng kapangyarihan sa ilalim ng langit. Ang pinsalang dulot nito ay mahirap paghilumin.

Sa nakalipas na ilang araw, nagtagumpay rin si Zhao Feng sa comprehension ng Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning. Mas naging kapansin-pansin ngayon ang kaniyang True Yuan Dimension na nangingislap sa gintong kulay.

"Naintindihan ko ang limampung porsyento ng Scarlet-Gold Destruction Wind Lightnin, at ang kapangyarihan nito ay maihahalintulad sa Wind Lightning Emperor's Golden Destruction Wind Lightning," bulong ni Zhao Feng.

Kung idadagdag niya ang kaniyang God Tribulation Lightning Intent, ang lakas ng kaniyang Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning ay maikukumpara sa Dark Gold Destruction Wind Lightning.

Gayunpaman, ang pinagkaiba ng cultivation ni Zhao Feng at ng Wind Lightning Emperor ay napaka laki, at ang tulad ng pinagkaiba ni Zhao Feng at ng Emperor of Death. Sa taas niyan, dinaig ng Emperor of Death ang Wind Lightning Emperor sa lahat paraan maliban lamang sa bilis.

"Hmm?" Biglang napagtanto ni Zhao Feng na may isang Sovereign Lord Expert ay nasa loob ng sampung milya ng isang libong yardang-lawak na crater. Mukhang ang ibang Sovereign sa malapit ay bumuo ng malalaking array upang pigilan ang kapangyarihan ng Langit at Lupa. May kasakiman at kagalakang tinignan ng grupo ng mga tao ang crater.

"Hmph!" Malamig na ngumisi si Zhao Feng. Sinong mapangahas ang gumambala sa kanyang pagcultivate?

Boom!

Kahanga-hangang Kapangyarihan ang nabuo sa langit at nagsanhi ng pagdagundong ng Heaven Earth Yuan Qi. Isang malaking pigura ng lalake na may lilang buhok na nababalot ng lightning ang lumabas sa langit. Tila ba siya ang God of Lightning. Ang balangkas at anyo ng lalake ay eksaktong kahalintulad ni Zhao Feng, at pati parte ng kanyang lakas.

"Ito ba ay… isang projection nabuo mula sa sukdulang kapangyarihan?"

"Ayon sa mga alamat, tanging ang mga hindi maarok na Emperor level ang may ganoong kapangyarihan."

Iwinagayway ng kahanga-hangang lalaki ang kanyang kamay at nagdulot ng pagyanig habang ang isang di mapigilang puwersa ang dumaan sa pisikal na mundo.

Wah!

Ang mga inland expert na sinusubukang lapitan siya ay naglabas ng dugo at matindi ang pinsala.

"Emperor Projection…." Pabulong na sabi ng batang Demigod. Hindi niya inakala na pagtitibayin ng God Tribulation Lightning ang soul Intent ni Zhao Feng sa puntong makakayanan niyang gumamit ng sikretong technique. 


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C742
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login