Download App

Ang Pagiging Kaakit-akit ni Zhao Yufei

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ako na naman?" Nakaupo si Zhao Feng sa kaniyang upuan at hinawakan ang kaniyang baba. Sina Zhao Chi at Zhao Linlong lamang ang nasa harapan niya.

Bagama't kaya niyang talunin si Zhao Chi, kailangan niyang gumugol ng enerhiya. Kung hahamunin niya si Zhao Linlong, malalaman ng lahat ang kaniyang tunay na lakas at cultivation. Ang kaniyang cultivation ay tumaas ng masiyadong mabilis sa mga nakaraang buwan at ito ay lubos na makakapukaw ng atensyon.

Nais din ni Zhao Feng na magbantay laban kay Zhao Tianjian. Bukod pa rito, walang masiyadong tiwala si Zhao Feng sa kaniyang sarili na kaya niyang talunin si Zhao Linlong.

"Pass muna ako." Gusto munang magpass ni Zhao Feng pagtapos niyang maanalisa ang mga magiging benipisyo.

Ang layunin niya ay makaabot sa top three at makakuha ng peak ranked martial art. Ngayon na ang layunin niya ay naisakatuparan niya na, wala ng dahilan pa para makipaglaban hanggang kamatayan para sa mas mataas na rank.

Ang pagpass ni Zhao Feng ang naging dahilan para bahagyang magulat ang karamihan, ngunit hindi masiyadong kakaiba ang naramdaman nila tungkol dito. Kung tutuusin, sa cultivation na mayroon si Zhao Feng, ang maipuwesto sa top three ay isang malaking tagumpay na.

"Pass rin muna ako." tumitig si Zhao Chi kay Zhao Feng.

Nakita na niya ang laban sa pagitan ni Zhao Han at ni Zhao Feng, at nalaman niya na mas malakas si Zhao Feng kaysa sakaniya.

Nagpass ang lahat ng top three.

Ang mga ranks ay: Numero isa Zhao Linlong, numero dalawa Zhao Chi, numero tatlo Zhao Feng, numero apat Zhao Han, numero lima Zhao Qin, numero anim Zhao Yufei, numero pito Zhao Bing...

Ang lahat ng top seven ay Martial Artists.

"Ito na ang huling beses na makakapaghamon ang sinuman," anunsyo ng tagapaghusga.

Patapos ng second round, hindi karamihan ang naghamunan dahil ang mga ranks ay halos makukumpirma na. Subalit, noong tira na ng numero anim na si Zhao Yufei, mayroong kaunting pagbabago.

"Nais kong hamunin si numero lima Zhao Qin." Ang mga mata ni Zhao Yufei ay tila kristal habang siya ay nagbigay ng munting ngiti.

Ang kaniyang hamon ay ikinagulat ng maraming tao.

"Sige ba," tumango si Zhao Qin habang umaakyat sa entablado.

Hindi nagtagal, ang dalawang naggagandahang babae ay nagharap. Parehas maganda sina Zhao Yufei at Zhao Qin. Bukod pa rito, parehas din silang talentado. Sa oras na nagtapatan ang dalawa, ang pagtibok ng puso ng maraming bata ay nagsimulang bumilis. Masasabing ang dalawang babae ay ang babae ng kanilang mga panaginip.

Lalo na si Zhao Yufei. Siya ay mas bata at ang kaniyang kagandahan ay kumikinang.

_Yi!_

Ang mga mata ni Zhao Linlong ay kumislap ng makinang nang nakita niya si Zhao Yufei.

"Azure Cloud Finger!"

"Butterfly Leaves Palm!"

Sinigaw ng dalawang babae ang kanilang mga estilo habang ang kanilang mga perpektong katawan ay sumabay sa paggalaw ng hangin.

Si Zhao Qin ay ang palaging nagiging henyong top girl. Ang kaniyang cultivation ay halos makakaabot na sa peak ng fifth rank. Kung edad ang pag-uusapan, ang edad ni Zhao Yufei ay mas mababa kumpaea kay Zhao Qin ng dalawang taon at siya ay nakaabot sa fourth rank pa lamang.

Subalit, habang sila ay nagpapalitan ng suntok, hindi natatalo si Zhao Yufei. Ang Inner Strength ni Zhao Yufei ay parang hangin, maliksi at mabilis. Naintindihan ni Zhao Feng na pinag-aaralan din ni Zhao Yufei ang Air Crossing Breathing Technique, subalit mayroong malaking pagkakaiba sa pagitan ng dalawang babae. Ngunit ang kaibahan ng Air Crossing Breathing Technique ang pumalit para sa cultivation gap sa pagitan nilang dalawa.

Pagtapos magpalitan ng dalawampung suntok, naging matamlay ang mukha ni Zhao Qin habang tuluyan niyang pinadaloy ang kaniyang Inner Strength. Subalit, madaling naiiwasan ni Zhao Yufei ang kaniyang mga atake gamit ang kaniyang kaliksihan.

Tatlumpung galaw! Apatnapung galaw!...

Ang skill ni Zhao Yufei ay nagsimulang mahasa mag-isa sa paglipas ng oras. Ngunit sa ika-labing walong galaw lamang nagkaroon ng pagbabago.

"Butterfly Flower Dance!" Ang lakas at bilis ni Zhao Yufei ay biglang tumungtong sa isang panibagong level.

_Pah! Pah! Pah…_

Ang kaaya-ayang katawan ni Zhao Yufei ay tila paru-parurong sumasayaw sa hangin.

Natulak pabalik si Zhao Qin pagtapos ng tatlong galaw. "Tinago mo ang lakas mo!" sigaw niya.

Tinipid ni Zhao Yufei ang kaniyang lakas habang sila ay nagpapalitan ng suntok

"Suko na ako!" hindi nagtagal napinsala si Zhao Qin pagkapos ng ilan pang galaw.

Nagsimula nang makita ng mga disciples si Zhao Yufei sa isang panibagong liwanag. Ang dalagang ito ay hindi lang maganda, ang kaniyang talento ay top tier din.

"Magaling!" Tumango si Zhao Linlong sa pagpupuri habang nakatitig kay Zhao Yufei.

Si Zhao Chi na nasa kanan niya ay naisip, "Maari bang si Zhao Linlong ay…"

Bilang numero uno, ang maikling pagkapalya ni Zhao Linlong ay nakita ng mga manonood.

"Haha, mukhang ang bayaning ito ay hindi kayang palagpasin ang magandang babae," ang mga elders ng sect ay nagsitawa.

"Ang talento ni Zhao Yufei ay hindi mas mahina kaysa kay Zhao Linlong. Ang dalawa ay magiging isang magandang pares," ang pinuno ng sect na si Zhao Tiancang ay ngumiti.

Pagtapos talunin si Zhao Qin, si Zhao Yufei ay umangat sa fifth. Batay sa patakaran, maaari siyang magpatuloy manghamon ng iba.

Subalit nang tumingin si Zhao Yufei sa top four, napagtanto niya na lahat sila ay lagpas sakaniya. Nang makita niya ang mga mainit na mata ni Zhao Linlong, kakaiba ang naramdaman niya.

Malamig at walang ekspresyon si Zhao Linlong noong nasa paligsahan. Ngunit noong mapansin niya si Zhao Yufei, ang kaniyang kalamigan ay tila natunaw. Ito ang unang beses na nangyari ito - Oo, ang pagtibok ng kaniyang puso.

Pagtapos ni Zhao Yufei, si Zhao Han ang sumunod. Ang mga mata ni Zhao Han ay sumaglit kay Zhao Feng, Zhao Chi, at Zhao Linlong. Walang pagkakataon makatungtong sa top three si Zhao Han.

Zhao Feng? Nalasahan agad niya ang mapait na pagkatalo. Ang kaniyang lakas ay kasindak-sindak, siguro ay si Zhao Linlong lamang ang makakapigil sakaniya.

"Pass ako," kaawa-awang smabit ni Zhao Han.

Kung hindi niya hinamon si Zhao Feng noon, maaari pa rin siguro siyang mairank sa top three, at sa peak condition niya ngayon, mayroong pagkakataon matalo niya si Zhao Chi.

"Pass," sabi ni Zhao Feng.

"Pass din ako," sabi rin ni Zhao Chi.

"Tapos na ang paligsahan." bahagyang ngumiti si Zhao Linlong, at muli ulit tumingin sa direksyon ni Zhao Yufei.

Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa tuwing nakikita niya siya, naramdaman niyang mas lalo pa siyang perpekto.

Nang maramdaman niya ang pulang-apoy na mga matang nakatitig sa kaniya, umiwas si Zhao Yufei base sa pakiramdam.

"Ang family sparring contest ngayong taon ay nagtatapos na. Ngayon, ia-anunsyo na namin ang mga premyo at mga ranks…"

Hindi nagtagal, ang ranking ng inner disciples ay lumabas na:

Una: Zhao Linlong

Ikalawa: Zhao Chi

Ikatlo: Zhao Feng

Ikaapat: Zhao Han

Ikalima: Zhao Yufei

Ikaanim: Zhao Qin

Ikapito: Zhao Bing

********

Ang mga top disciples ay punong-puno ng pag-asa. Batay sa ranking nakaraang taon, ang top twenty, top ten, at top three ay magkakaroon ng dagdag pang gantimpala.

"Ngayon ang pinuno ng sect ay ia-anunsyo ang mga gantimpala," sabi ng tagapaghusga.

Ang pinuno ng sect!

Kasing lakas ng kulog ang palakpak ng mga manonood. Sa taas ng entablado, isang hindi gaano katandang lalaki ang dahan-dahang tumayo. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay at isang mapagmalabis na pressure ang nanggaling sakaniya.

Siya ang pinuno ng sect, si Zhao Tiancang!

Naramdaman ni Zhao Feng na ang aura ng pinuno ng sect ay katulad ng mga high tier na nakamamatay na halimaw sa Sky Cloud Forest. Siya ay isang Martial Master ng seventh rank o mas mataas pa.

Sinuri ni Zhao Tiancang ang mga mukha ng limampung inner disciples. Nang ito ay sumayaw kay Zhao Linlong, ito ay lubhang may pag-iingat at pagmamahal.

Maraming nakaalam na si Zhao Linlong ang kaniyang step-son.

"Sa lahat ng naging inner disciples maaari na kayong magpunta sa second level ng Martial Arts Library at mamili ng isang high ranked martial art. Sila rin ay makatatanggap ng tatlong daang taong gulang na blood plant." Ang mga gantimpala ay kasing ganda rin ng mga haka-haka.

"Ang top twenty ay maaaring mamili ng dalawang high ranked martial arts at makatanggap ng dalawang tatlong daang taong gulang na blood plants. Ang top ten ay kayang mamili ng dalawang high ranked martial arts at makatanggap ng isang limang daang taong gulang na blood plant." Huminto ang pinuno ng sect.

"Ang top three ay maaari ring mamili ng isang peak at dalawang high ranked martial arts. Sila rin ay makakatanggap ng isang blood pill," sambit ng pinuno ng sect habang ngumingiti.

Peak ranked martial art! Blood pill!

Ang mga gantimpala ng top three ay lubhang malayo kaysa sa iba. Hindi mapigilan ni Zhao Feng kundi ngumiti.

Nangangailangan siya ng peak ranked martial arts. At ang blood pill ay maaaring makapagpataas ng cultivation ng isang Martial Artist.

Ang limampung disciples ay nagpunta para kuhanin ang kanilang mga gantimpala sa ilalim ng paggabay ng tagapamahala.

Para naman sa isang peak ranked at dalawang high ranked martial arts, si Zhao Feng ay mayroon espesyal na token na maaaring makapagpapunt sa kaniya sa Martial Arts Library at mamili ng kaniyang skills.

"Nabalitaan ko na ang numero isa ay madalas nakakakuha ng mga espesyal na gantimpala. Bakit walang kahit ano ngayong taon?"

"Baka hindi pa nila ito nai-aanunsyo."

Sa daan pabalik nakaranig si Zhao Feng ng ilang pag-uusap. Hindi siya nag-abalang makinig sakanila. Sa halip, naglakad na lamang siya pabalik ng bahay.

"Brother Feng!" isang matamis na boses ang tumawag mula sa likuran. Kahit hindi tumitingin, alam ni Zhao Feng na ito ay si Zhao Yufei.

Ang dalawa ay magkapit-bahay at sila ay medyo pamilyar sa isa't isa. Pagtapos magpalitan ng Metal Wall Technique at Air Crossing Breathing Technique, ang dalawa ay mas lalo pang naging malapit.

"Yufei, napakaganda ng performance mo." Hindi mapigilang isipin ni Zhao Feng na tinalo niya si Zhao Qin.

"Masiyado pa akong malayo sa'yo Brother Feng. Nagtataka lang ako sa kung bakit hindi mo hinamon si Zhao Linlong!" Mausisang tumingin si Zhao Yufei sa kaniya.

Nakatitiyak din siya na ang kaniyang Metal Wall Technique ay nakaabot na sa fourth level. Ang kaniyang depensa ay madali lang mapunta sa top sa kasama ng mga inner disciples. Sa pagdagdag pa ng Inner Strength at Lightly Floating Ferry ni Zhao Feng, mayroon siyang karapatang hamunin si Zhao Linlong.

"Masiyado mo akong minamalaki. Mayroon pang malaking distansya sa pagitan ko at ni Zhao Linlong," Mapagkumababang sinabi ni Zhao Feng.

Malinaw na, malapit ang tantiya ni Zhao Yufei sa kaniyang lakas. Ang edad ng dalawa ay malapit sa isa't isa, kaya naman madali silang nagkasundo.

Sa dulo ng entablado, pinagmasdan ng isang batang nakadamit ng ginto ang anyo nina Zhao Yufei at ni Zhao Feng habang sila ay sabay na naglakad palayo.

Malamig ang kislap ng kaniyang mga mata at sinabi sa kaniyang sarili, "Mukhang ang tawag sa batang iyon ay Zhao Feng?"


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C41
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login