Download App

Ang lakas ni Zhao Linlong

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa anunsyo ng tagapaghusga, nagsimulang matulala ang mga tao. Tunay na hindi inaasahan ang resultang ito. Bilang isang itim na kabayo, patuloy na dinodomina ni Zhao Feng ang kaniyang mga kalaban at gumagawa ng milagro!

Ngayon ay tinalo niya ang ikatlong pinakamalakas na inner disciple, si Zhao Han. Tumawa si Zhao Feng nang umupo siya sa ikatlong upuan sa unang hanay.

Sa kaniyang kanan ay si Zhao Chi na nakatingin sa kaniya na para bang ito ang unang beses na nakita siya nito. Nang matapos ang paligsahan ng mga outer disciples, lumapit si Zhao Chi upang tingnan si Zhao Feng, ngunit nang oras na iyon, basura lamang si Zhao Feng kumpara sa kaniya.

Matapos talunin ni Zhao Chi si Zhao Qin, kaswal niyang sinabi na walang sinuman ang may karapatan na lumaban sa top three sa pwesto. Gayunpaman, sa ngayon, nakaupo si Zhao Feng sa tabi niya. Ang top three ngayon ay sina Zhao Linlong, Zhao Chi, at Zhao Feng.

Susunod na ang oras upang humamon si Zhao Chi. Tinatamad na nag-unat ng kaniyang likuran si Zhao Chi at pumunta sa entablado.

"Numero apat Zhao Chi, sinong hahamunin mo?" Kaaagad na lumingon ang llahat kay Zhao Linlong.

Ngayong nasa entablado na si Zhao Chi, wala ng humaharang sa kaniyang pagtingin kay Zhao Linlong. Nakasuot ng kulay-gintong damit si Zhao Linlong. Mayroon siyang makakapal na kilay, at kasing lalim ng dagat ang kaniyang aura.

Mula sa umpisa ng tournament, nakapikit lamang ang mga mata ni Zhao Linlong. Kahit na nang talunin ni Zhao Feng si Zhao Han, nanatili siyang walang ekspresyon, tila ba wala siyang pakialam sa lahat.

"Zhao Linlong, humarap ka sakin. Umakyat ka na dito," mapanuksong sabi ni Zhao Chi.

"Unang numero, Zhao Linlong," babala ng tagapaghusga.

"Hmm." dahan-dahang tumayo si Zhao Linlong.

Nang oras na tumayo siya, naging isa siyang malabong kulay-ginto, napunta siya sa entablado.

"Bakit ang daming Zhao Linlong?"

"Anino! Napakabilis!" sigaw ng mga tao. Maraming manonood ang hindi nagawang makita kung paano gumalaw si Zhao Linlong.

"Anong klaseng footwork skill iyon? Napakakumplikado." nagsalubong ang kilay ni Zhao Feng. Kahit na kaya niyang makita kung paano gumalaw si Zhao Linlong, hindi siya makakita ng kahit anong mali.

"Zhao Linlong, hindi tayo nagkita nang kalahating taon. Mukhang ang iyong Step Shadow skill ay tumuntong na sa pinakamataas na antas. Hindi na nakapagtataka na isa ka sa mga apat na henyo ng Sun Feather City." bahagyang napahanga si Zhao Chi.

Ang Step Shadow ay isang high ranked martial art. Ang kasikatan nito ay nilagpasan ang ibang high ranked martial arts dahil sa kataasan ng uri nito.

Pinakamataas na antas ng isang high ranked martial art!

Paghanga lamang ang nararamdaman ng mga disipulo habang nanonood. Walang ikalawang henyo sa Zhao sect ang may kakayahang sanayin ang isnag high ranked martial art haggang sa pinakamataas na antas.

"Zhao Chi, ikaw lang ang makapagbibigay ng magandang laban sa akin. Ngayong araw, pipigilan ko sa ikaapat na rank ang aking cultivation at makikipaglaban sa iyo," kaswal na sinabi ni Zhao Linlong.

Kaagad na nagdilim ang mga ekspresyon ng ibang disipulo. Wlang sinuman bukod kay Zhao Chi ang may karapatan na hamunin siya? Ang mga salita ni Zhao Linlong ay hindi nagustuhan ng nakararami.

Anong mararamdaman ng ikatlo, ikaapat, at ikalimang numero?

Tumaas ang mga kilay ni Zhao Feng at kaagad din na bumalik sa normal. Simula nang nakita niya ang mahiyaing babae na inatake ang makapangyarihang Hyena sa Sky Cloud Forest, naintindihan ni Zhao Feng ang isang bagay: Mayroon laging isang tao na mas malakas sa iyo.

Nagtatrabaho siya para sa mas malaking kaharian. Gusto niyang galugarin ang mundo sa labas.

"Nakagagalit! Ang Zhao Linlong na iyon…"

Nakaupo sa ika-anim na upuan sa ikalawang linya, makikita ang kabigatan ng loob sa mukha ni Zhao Han.

This had made him arrogant and a contender for the top inner disciple. In terms of favoritism, he had surpassed Zhao Chi. Kanina lang, ang kaniyang cultivation ay nilaktawan ang mga hangganan. Ang kaniyang Inner Strength ay tumuntong sa tugatog ng ikalimang rank, papalapit na sa ika-anim na rank.

Gayunpaman, parang impiyerno ang pagtama sa kaniya ng mga salita ni Zhao Linlong. At dahil natalo siya kay Zhao Feng, wala siyang karapatan na magyabang sa kaniya.

Sa oras na ito, nagsimula na ang laban.

"Sky Howling Fist!"

Nagsimulang mag-ilaw na kulay-pula ang kamao ni Zhao Chi. Ang Sky Howling Fist ni Zhao Chi ay parehong-pareho ng Angry Dragon Fist ni Zhao Feng, ngunit ang ranks ng mga martial arts ay isang tier ang pagitan.

Dahil sa lubos na paggamit ni Zhao Chi sa Sky Howling Fust, ang kaniyang lakas ay gumapang patungo sa tugatog ng ikalimang rank. Dagdagan pa ng kaniyang footwork, body strenghtning skills at mga techniques, ang kaniyang damage scale ay nakatatakot.

Pagdating sa pangkalahatang lakas, hindi hamak na mas mahirap labanan si Zao Chi kaysa kay Zhao Han. Halos wala siyang kamalian, at ang kaniyang opensa ay napakalakas," tumango si Zhao Feng.

Sinusugpo ni Zhao Han ang kaniyang mga kalaban sa pamamagitan ng paglamang sa kanila sa Inner Stength, ngunit ang kaniyang bilis at depense ay hindi ganoon kalakas.

"Tanggapin mo ang suntok ko!" sigaw ni Zhai Chi nang sumugod siya kay Zhao Linlong.

_Shuah!_

Isang sirang anino ang naiwan. Sa sumunod na sandali,lumitaw sa tabi ni Zao Chi si Zhao Linlong na bahagyang nakangiti.

Ang mas nakatatakot pa ay kalahating metro lamang ang layo ni Zhao Linlong sa kaniya. Nagsimulang pagpawisan nang malamig si Zhao Chi. Sa sandaling ito, naaamoy niya na si Zhao Linlong.

"Smoking Rain Step!"

Hindi inutil si Zhao Chi. Mabilis niyang ginamit ang isang high ranked footwork skill at nagsimulang makipagpalitan ng suntok si Zhao Linlong.

Mabilis na na nagdikit ang dalawang anyo. Pareho silang gumamit ng high ranked martial arts.

Ang dahilan kung bakit sinabi ni Zhao Linlong na si Zhao Chi lamang ang kayang labanan siya ay dahil maraming nang natutunan na high ranked martial arts si Zhao Chi.

High ranked fist skill! High ranked footwork skill! High ranked body strengthening technique… lahat ng skills na ito ay nasanay na isang mataas na antas.

Patuloy na umatake si Zhao Chi gamit ang mga skills na ito. Ngayon ang kaniyang bilis ay nalagpasan na si Zhao Linlong. Kahit na nalagpasan na ng kaniyang bilis si Zhao Linlong, naitutulak pa rin si Zhao Chi. Matapos magpalitan ng benteng suntok, natuluyan siyang malupig ni Zhao Linlong gamit lamang ang ikaapat na rank ng cultivation.

"Gugustuhin mong matalo na lang sa akin!" bahagyang ngumiti si Zhao Linlong.

Itinaas niya ang kaniyang daliri at isang kulay lilang azure aura ang umikot-ikot dito.

_Shua!_

Isang hibla lamang ng Inner Strength ay naglalabas na ng nakatatakot na aura.

"Spatial Cloud Finger!"

Ang daliri na iyon ay tila nagbubukas ng butas sa mga ulap. Iyon ay...

Huminga nang malalim si Zao Chi nang ipunin niya ang lahat ng kaniyang Inner Strength upang labanan ang daliri.

"Sky Howling Leaping Thunder!" Kulay apoy na liwanag ang bumalot sa kamao ni Zao Chi nang harapin nito ang daliri.

Ang lakas ng kaniyang kamao ay nilagpasan ang anumang skill na nagamit sa tournament. Ngunit, kahit na mukhang malakas ang kaniyang kamao, tila isa itong langgam kumpara sa kaswal na daliri ni Zhao Linlong.

_Hooong—-_

Sa wakas ay nagbangga na ang dalawang kilos. Kaagad na nalasahan ni Zo Chi ang kalalawang sa kaniyang bibig nang mapaatras siya.

"Hindi masama, nagawa mong pigilan ang aking peak ranked martial art." Isang batang nakakulay gintong damit na ang mga kamay ay nasa kaniyang likuran ang muling lumitaw.

"Peak ranked martial art? Hindi ako natalo nang hindi patas," mapait na sinabi ni Zhao nang sumuko siya.

Spatial Cloud Finger!

Peak ranked martial art!

Nabigla ang mga tao. Kailan pa natuto si Zhao Linlong ng isang peak ranked martial art?

"Hehe, natutunan na ni Zhao Linlong ang unang tatlong galaw ng Spatial Cloud Finger. Iyon ay ang una pa lamang," pagmamalaking sabi ng pinuno ng sect, si Zhao Tiancang.

"Binabati kita sa pagpapalaki mo ng isang magaling na step-son." lumpait ang mga elders at binati ang pinuno ng sect.

Si Zhao Linlong ay step-son ng pinuno ng sect! Walang duda na kaya niyang matutunan ang mga peak ranked martial arts.Ngunit ang mga peak ranked martial arts ay madalas nangangailan na marating muna ang seventh rank bago sila maitindihan. Ang madalas na natututo ng peak ranked martial arts ay mga Martial Masters!

"Zhao Chi! Nabigo sa pagsubok, hindi nagbago ang rank. Zhao Linlong, hindi nagbago ang rank," anunsyo ng tagapaghusga.

Bumalik sa kanilang mga upuan sina Zhao Linlong at Zhao Chi. Walang ekspresyon si Zhao Linlong at hindi humamon ng kung sino. Sa kaniyang opinyon, wala ng hahamunin pa.

Ang unang bahagi ng paligsahan sa pagsubok ay nagtapos na. Ang susunod ay ang ikalawang bahagi. Sa kabuuan ay mayroong tatlong pagkakataon upang maghamon ng kung sino kada tao.

Wala halos challenger sa ikalawang bahagi. Ngunit nang dumating sa ikalabing-anim na numero, oras na ni Zhao Han, kaagad niyang hinamon ang ikaapat na numero na si Zhao Qin at nanalo.

Nagpatuloy siya at hinamon ang ikalawang numero na si Zhao Chi at unang numero na si Zhao Linlong. Ang resulta ay nagawa niyang tumabla kay Zhao Chi sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang Inner Strength.

Ngunit nang matapat siya kay Zhao Linlong, natalo si Zhao Han sa loob lamang ng tatlong galaw. Hindi siya katulad ni Zhao Chi na mayroong buong depensa, kaya't hndi niya kayang sanggain kahit ang tatlong galaw ni Zhao Linlong.

Unang karangalan Zhao Linlong… Ikalawang karangalan Zhao Chi… ikatlong karangalan Zhao Feng… ikaapat na karangalan Zhao Han.

Sila ang top four na inner disciples. Walang nangahas na hamunin sila.

Sa apat ay nanguna si Zhao Linlong dahil natalo niya so Zhao Chi at Zhao Han. Tnaging si Zhao Feng lamang ang hindi nakatapat ni Zhao Linnlong mula sa top three.

"Ikatlong karangalan Zhao Feng, pagkakataon mo na humamon ng kung sino," sabi ng tagapaghusga.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C40
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login