Download App

Sampung Atake Lamang sa Entablado

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang dalawang tunay na henyo ng martial art ay nagharap na. Ang isa kanila ay ang hari ng outer disciples, samantalang ang isa naman ay nabibilang sa top tier inner disciple.

Nagsimulang manahimik ang mga manonood. Kahit hindi magbabago ang resulta, nakakaaliw pa ring panooring ang labang ito.

Hu~

Nagsimulang dumaloy kay Zhao Han ang malamig na chi. Nagdulot ito ng higit na lamig sa buong arena. Kahit malayo nang ilang metro si Zhao Feng mula sa kanya, nararamdaman niyang nagyeyelo na ang kanyang mga kasukasuan. Hindi ito isang imahinasyon, malamig nga talaga! Ang pinanggagalingan nito ay ang elemento ng Inner Strength ni Zhao Han.

"Napakalakas naman na chi! Dahil naglalaman ito ng elemento ng yelo, ang kanyang Inner Strength ay mas malakas pa kaysa sa ibang mga fifth rankers," bulalas ng nakatatandang henerasyo ng Zhao sect.

Kung tutuusin, napakalakas nga talaga ng Inner Strength ni Zhao Han. Gamit ang kalakasang ito, natalo niya ang ikatlo sa pinakamalakas ng Xin family na si Xin Tong sa loob ng isang atake lamang. Hindi nga naman talaga matatawaran ang lakas niya sa kanilang mga puso.

Ngayong naayos nang mabuti ni Zhao Han ang kanyang kontrol sa mailap niyang Inner Strength, higit siyang naging nakakatakot.

"Nakahanap si Zhao Han ng kapiraso ng isang kristal ilang buwan na ang nakalipas, ito ang dahilan kung bakit ang Inner Strength niya ay dumoble ng ilang beses," pagngiti ng isang matanda.

"Hindi nakapagtataka kung bakit ang taas ng chi niya."

Ang Azure Flower Continent ay punong puno ng mga misteryosong bagay at mga lugar. Sapagkat umiiral ito sa loob ng ilang libong taon, maraming mga puntod at kakaibang gamit ang maaaring makatulong sa mga maswerteng cultivators na naghahangad lumakas, makuha lamang nila ang mga aytems na ito.

Napakaswerte ni Zhao Han sapagkat nakakuha siya ng kapiraso ng isang misteryosong kristal. Dahil ditto, mabilis na umangat ang kanyang cultivation level sa nakalipas na anim na buwan at nagkaroon pa siya ng oportunidad na mapasama sa top inner disciple.

"Zhao Feng, bibigyan lamang kita ng tatlong atake," pagmamaliit ni Zhao Han kay Zhao Feng. Ang lamig sa kanyang boses ay bagay na bagay sa kanyang nagyeyelong Inner Strength.

Tatlong atake?

Hindi inisip ng mga manonood na arogante siya. Sa halip, naisip nilang katanggap-tanggap ito.

Gayundin, ang ranggo rin naman ni Zhao Han ay malayong-malayo kay Zhao Feng. Sa pagbibigay ng tatlong atake, walang magsasabi na inaapi niya ang mahina.

"Hahaha… tatlong atake? Zhao Han! Ganyan ka ba kaduwag!? Bibigyan kita ng sampung atake," tumawa nang malakas si Zhao Feng habang kinukutya si Zhao Han.

Sampung atake!

Tinignan ng mga manonood si Zhao Feng na para bang halimaw siya. Hindi tumanggi si Zhao Feng sa tatlong tsansang umatake na ibinigay sa kanya, sa halip binigyan niya pa ng unang sampung atake si Zhao Han.

Nanahimik ang lahat matapos ang kakarampot na diskusyon.

"Paniguradong nagbibiro lang siya."

"Malamang."

Umiling ang iba, "Matatalo rin naman siya eh, ang pagbibigay ng sampung tsansa kay Zhao para umatake ay wala ring saysay."

"Sampung atake?" namutla si Zhao Han. Pinipigilan niya ang kanyang galit, kung kaya't mapait niyang sinabi, "Gusto mo na yatang mamatay eh!"

Hu~

Nang matapos siyang magsalita, ang dalawang balikat niya ay naglabas ng napakalamig na aura. Ang apatnapu't walong inner disciples ay napaubo sa lamig.

Isang manipis na patong ng puting pilak na nyebe ang nagpakita sa palad ni Zhao Han at lumipad patungo kay Zhao Feng. Ang kapangyarihan ng kanyang palad ay makakapuksa ng kahit sinong nasa fourth rank o mas mababa pa.

"Unang atake…," sigaw ni Zhao Feng. Hindi siya sumalakay pabalik. Sa halip nagpaikot siya ng hangin upang magawa ag Air Crossing Breathing Technique at Metal Wall Technique para maprotektahan ang kanyang katawan. Ang dalawang anyo ay nagsalubong.

Pah!

Kahit tumama kay Zhao Feng ang atake ni Zhao Han, ibinaliko niya lamang ang kanyang katawan para makaiwas sa paglusob. Sa loob ng oras na iyon, ang Inner Strength nilang dalawa ay naglaban.

Teng! Teng! Teng!...

Isa sa mga pigura ang napaatras.

Anong nangyari!?

Nagulat ang mga disipulo sapagkat ang napaatras ay si Zhao Han! Inayos ni Zhao Han ang sarili matapos maitulak. Ang kanyang mukha ay napupuyos ng galit.

Isang nakakamanhid na pakiramdam ang naramdaman niya sa kanyang braso kung kaya't napabulalas siya, "Paano naging ganyan siya kalakas?"

Noong naglaban si Zhao Han at Xin Tong sampung araw ang nakararaan, ang body technique ni Zhao Feng ay hindi pa gaanong nalinang at sapat na ito para mabahala siya. Ngunit, ngayong araw na ito, ang body technique ni Zhao Feng ay higit pang mas malakas kay Xin Tong.

"Hehe, hindi lang ikaw ang humuhusau!" Ngumiti si Zhao Feng nang ilabas niya ang kanyang Inner Strength.

Ang Inner Strength niya ay umangat na mula sa fourth rank patungong fifth rank. Ang pinakapunto ay ang chi ni Zhao Feng ay kontrolado niya nang buong-buo, hindi gaya ng kay Zhao Han na ang Inner Strength ay nakakalupig lang dahil sa dami, at hindi sa kalidad.

"Inner Strength ng isang fifth rank!" Nasa tuktok lamang ng fourth rank ang cultivation ni Zhao Feng, ngunit ang Inner Strength niya ay umabot na sa fifth rank.

"Ang kanyang body strengthening technique ay talagang sobrang lakas. Hinihigitan pa nga nito ang gamit ng mga sects disciples," wika ng hukom na may puting balbas. Ang kanyang desisyon na suportahan si Zhao Feng ay tama nga.

"Marami pa siyang natitirang aura ng cultivation resources. Mukhang maswerte nga lang talaga siya," sabi ng pinuno ng sect na si Zhao Tiancang habang nakatingin siya kay Zhao Feng.

"Huwag kang masyadong mayabang, limampu't isang porsiyento lamang ng aking lakas ang ginamit ko!" Galit na sabi ni Zhao Han dahil sa hiya.

"Cold Snow Palm!" tumingkayad si Zhao Han at dahan-dahang ipinorma ang kanyang mga palad.

Mukhang mabagal ang galaw ng palad niya, pero, inipon nito ang kanyang Inner Strength sa iisang parte. Bago pa dumating ang atake, ang lamig ay makakapagpatigas sa dugo ng kalaban.

"Ikalawang atake!" Nanatili si Zhao Feng sa kanyang kinatatayuan at muling ipinaikot ang hangin para makabuo ng Metal Wall Technique at Air Crossing Breathing Technique para mapigilan ang atake ni Zhao Han.

Boom!

Napakalakas ng ingay na maririnig nang magtama ang dalawang anyo. Isang shock wave ang nakapagpawalis sa lahat ng nasa loob ng limang metrong layo.

Muling napaatras si Zhao Han. Namamanhid na talaga ang kanyang braso.

Matapos sanggahin ang atake ni Zhao Han, nakaramdam talaga ng malamig na daloy ng chi si Zhao Feng sa kanyang katawan. Pero nang maging fourth level ang kanyang Metal Wall Technique, tumaas rin ang kanyang pananggalang sa chi. Hindi lang iyon, pero ang tunay niyang cultivation ay nasa fifth rank talaga.

"Hindi ito maaari!" Sumama na ang tingin ni Zhao Han at umatake siya nang hindi nag-iisip patungo kay Zhao Feng.

Ngunit, si Zhao Feng ay parang isang metal wall, hindi ito nagagalaw. Kahit ano pang gawin niyang matinding atake, nasasangga lang ito ni Zhao Feng.

"Ang kanyang depensa ang pinakamagaling sa lahat ng inner disciples," natulalang sabi ng mga disipulo ng Zhao sect.

Ikalawang atake… Ikatlong atake… Ikaapat na atake…

Sa bawat oras na haharangin ni Zhao Feng ang atake ni Zhao Han, sinasabihan niya ito kung ilan na ang kanyang nagamit. Mula simula, sinasalag niya lang ang lahat ng atake ni Zhao Han.

"Diyos miyo! Talaga bang hahayaan niyang umatake si Zhao Han ng sampung beses?"

"Mukhang ganun nga. Nakakalima na si Zhao Han per hindi pa rin siya umaatake."

Nagbulungan ang mga tao. Malapit sa entablado, ang numero labing-dalawa na si Zhao Yijian ay namumutla, "Bakit ganito…? Kailan pa siya naging ganito kalakas? Bakit hindi ako!!!"

"Hindi lang basta siya nakaiwas sa kamatayan, kundi lalo pa siyang lumakas…," nasusuka ang itsura ni Zhao Tianjian habang sinasabi ito.

Nagbayad siya ng isang mamamatay-tao para paslangin si Zhao Feng. Hindi lamang sila nabigo, kundi hinayaan pa nilang lumakas nang lumakas si Zhao Feng!

"Ang kanyang depensa ay nasa metal wall level na. Kahit ang Inner Strength ay humihina laban rito. Nangangahulugang ang kanyang Metal Wall Technique ay nasa fourth level na," gulat ang buong mukha ni Zhao Yufei. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Siya ang nagbigay nito kay Zhao Feng at alam niyang napakahirap nitong sanayin.

Ikalimang atake… ikaanim na atake… ikapitong atake…

Ang mga atake ni Zhao Han ay lalo naging nakakabaliw. Pero sa huli, tumulo ang dugo mula sa kanyang labi dahil sa matinding pagkakagat niya rito.

Ngunit, bawat oras na umaatake siya, hindi naman nasasaktan si Zhao Feng. Sa halip, ang sarili niya pa ang nasasaktan sa kanyang ginagawa.

"Ikasiyam na atake… ikasampung atake…," biglang lumigalig ang boses ni Zhao Feng. "Zhao Han! Ubos na ang iyong mga atake! Hindi ka naman pala ganoon kalakas."

Ang boses niya ay parang isang bangungot. Tapos na ang sampung tsansa para umatake!

Totoo nga ang sinabi ni Zhao Feng. Dahil sinabi niyang bibigyan nito ng sampung pagkakataon para umatake si Zhao Han, binigyan niya nga ito!

Ang eksenang ito ay nagdulot sa mga disipulo at nakatatanda ng higit na kabagabagaban. Ngayon, pagkatapos ng sampung atake, hindi na dedepensa si Zhao Feng.

"Angry Dragon Fists!"

May kulay berde ang namuo sa palad ni Zhao Feng. Ang Angry Dragon Fists na ginagamit niya ay nalagpasan na ang orihinal na Angry Dragon Firsts!

Pah!

Ang nakalutang na kamao ay tumama sakto lang sa mahinang parte ng depensa ni Zhao Han.

Wah!

Sumuka na ng dugo si Zhao Han at napapaatras na talaga siya. Sa pagkakataong iyon, nawala na siya sa kanyang kamalayan at lumaban siya na parang siraulo.

Habang lalong nagwawala siya, dumarami ang kanyang kahinaan. Sa mata ni Zhao Feng, isa lamang siyang bata na may hawak na patpat. Noong kalmado pa si Zhao Han, akala ni Zhao Feng kayang tapatan nito si Zhao Chi, ang numero ikalawa sa mga inner disciple. Pero noong nagwala na siya, hindi na siya isang hadlang.

"Hindi ako makapaniwala, talo…"

Habang nagugulpi nang tuluyan, tanging kakarampot na lamang na kapangyarihan ang nagagamit ni Zhao Han, wala ng kahit anong espesyal na skill. Hindi nagtagal, iniwasan lang ni Zhao Feng ang mga atake ni Zhao Han at sa pagitan niyon, sinipa ni Zhao Feng sa tiyan si Zhao Han.

Peng!

Lumipad nang sampung metro si Zhao Han at lumagapak sa lupa nang nauuna ang mukha.

"Hindi ako makapaniwala!" Sinubukang tumayo ni Zhao Han.

"Hukom, bakit hindi niyo pa sinasabi na talo na siya?" Pagtatanong ni Zhao Feng.

"Ah!" Nakabalik na rin ang hukom mula sa kanyang pagkagulat at dali-daling inanunsyo, "Zhao Han, nabigo ka sa iyong hamon! Simula ngayon, ang challenger na ang magmamay-ari ng ikatlong puwesto."

Ikatlo?

Kumurba ng ngiti ang labi ni Zhao Feng. Naabot niya na rin sa wakas ang kanyang pangarap na makasama sa top three inner disciples.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C39
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login