Download App
99.72% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 733: Redemption (3)

Chapter 733: Redemption (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dumating ang dilim mula sa pampang ng Blood River at napalibutan ang buong Demon Army sa isang iglap!

Eternal Night Kingdom!

Nagulat ang lahat ng Demon!

Anong nangyayari?

Alam nilang lahat na kahit na nasa dilim sila, dapat ay nakikita pa rin nila ang kanilang kapaligiran dahil sa kanilang Darkvision.

Pero sa mga oras na ito, nang sumapit ang gabi, wala silang makitang kahit ano!

Kahit ang mga Demon na nasa Legend Realm ay nakulong sa Eternal Night Kingdom!

Bahagyang maririnig ang pag-atungal ng Demon Lord mula sa kaibuturan ng Abyss.

Pero kahit na nanggaling ang pag-atungal mula sa Abyssal Gate, hindi pa rin ito makalabas, dahil masyado siyang abala sa pangangasiwa sa ritwal ng Blood River.

Pero agad niyang nahulaan kung sino ang dumating!

Gulat na gulat at galit na galit ito!

Sa pagkakaalam niya, ang powerhouse na ito ng Feinan ay dapat abala pa rin sa pagkalaban sa mga God. Wala na dapat itong oras na tulungan ang Supreme Jungle.

Kalahating buwan na itong nawawala.

Bukod pa rito, hindi rin niya alam na ang taong sinasabi ng mga God bilang isang malaking suliranin ay umabot na sa level ng Plane Guardian!

….

"Si….Marvin?"

Tiningnan ni Shadow Thief Owl ang kadiliman sa malayo at makikita ang gulat nito sa kanyang mukha. "Nabalitaan kong ibinigay na sa kanya ang Eternal Night Kingdom."

"Nagbalik na si Marvin?" Nagulat rin si Lorant. "Balak niya bang dispatyahin ang isang daang libong Demon nang mag-isa?"

"O binibigyan niya tayo ng karagdagang oras?"

Wala rin sa mga ordinaryong Druid ang nakakasiguro, pero mabuti na lang at ang ilang Great Druid ay mabilis ang naging reaksyon at inutos na umtras ang lahat!

Walang nakakaalam sa kung ano ang plano ni Marvin!

Pero alam nilang isang magandang balita ang pagdating ni Marvin.

Isa pa, ginamit niya kaagad ang Eternal Night Kingdom. Sa pagkakakilala nila kay Marvin, alam nilang hindi niya ito gagawin kung hindi siya kampante sa kanyang gagawin! Gayon pa man, wala rin naman makakatulong sa kanya habang gamit nito ang Eternal Night Kingdom.

"Ngayon na!" Desididong sigaw ni Old Ent.

"Talaga?" Tila hindi sigurado si Sky Fury sa ibig nitong sabihin.

Sa sunod na sandal, isang nakakasilaw na liwanag ang nahulog mula sa kalangitan!

Star Burst!

Ibinuka ni Old Ent ang kanyang mga kamay at pilit na bumigkas ng Chant.

Bumagsak ang napakaraming bulalakaw dahil sa isang Legendary Star Burst spell.

Pero hindi ang kumot ng kadiliman ang pinupunterya ng mga sumasabog na bituin na ito.

"Grambol!"

Isang bulalakaw ang direktang tumama sa Ethereal Eyes para mabasag ito!

Nakatuon ang mga bulalakaw na ito sa mga pares ng matang tuwang-tuwang nanunuod ng digmaan mula sa kalangitan.

Bigla itong napagtanto ng lahat

Ang mga pesteng manonood ang nais dispatyahin ni Old Ent!

Sa laki ng galit ng God Realms kay Marvin, siguradong hindi nila maaring hayaan na malaman ng mga God na nandoon si Marvin.

Dahil ayaw nilang maisahan, sumunod ang lahat!

Ang grupo ng mga Druid mula sa Supreme Forest ay hindi natutuwa sa mga God, pati na ang Celestial Deer na si Lorant at si Shadow Thief Owl.

Sa katunayan, hindi pa umaatake ang mga ito sa Supreme Jungle, pero siguradong handa nang lusubin ng mga God na ito ang kanilang kalupaan ano mang oras!

Ito ay teritoryo ng mag taga-sunod ng Ancient Nature God!

Ang mga walang hiyang New God na ito ay hindi nangangahas na atakihin ito habang buo pa ang lakas nito, kaya hinahayaan nilang ang mga Demon muna ang maghirap para sa kanila.

Sadyang kasuklam-suklam ang mga ito!

Hindi inakala ng mga Scout ng mga God na agad silang aatakihin ng mga Legend ng Supreme Jungle sa oras na mabalot sa dilim ang labanan.

Walang habas na tumama ang Star Burst ni Old Ent sa mga mata at tenga ng God Realms!

Sa isang iglap, naging magulo ang kabilang dako ng Blood River. Sa tulong ng mga Great Druids, tila isang Demon si Shadow Thief Owl, mawawala at biglang lilitaw habang isa-isang pinapatay ang mga Divine Servants nang walang kamalay-malay!

Isa talaga itong isang Expert Assassin, at kahit na rouge ang class ni Shadow Thief na kadalasan ay mababa ang lakas sa pakikipaglaban, nauna nang tinamaan ang mga ito ng spell ni Old Ent kaya naman nagkakagulo na ang mga ito. Ito ang pinakamagandang pagkakataon para samantalahin ang krisis na ito!

Ikinagulat ng God Realms ang biglang pagkilos ng Migratory Bird Council.

Naguluhan sila sa desisyong ito. Paanong nagawa ng grupo ng mga Druid na ito na kalabanin sila?

Ito na kaya ang huling kabaliwang gagawin nila bago sila mamatay?

Pero karamihan ng mga God ay nakatuon pa rin ang atensyon sa biglang bumalot na kadiliman, at patuloy na nagpapadala ng mga taga-sunod para magsiyasat. Iilang God lang ang nakapansin na mayroong mali at gumamit ng Long-Distance Vieving Divine Spell para makita ang nagaganap, pero ang Supreme Jungle ay isang Sanctuary na puno ng Nature Power, kaya Malabo ang kanilang nakikita.

Matapos madispatya ang mga mata ng mga God sa isang iglap, tumigil na ang mga Druid sa kanilang pagkilos.

Galit na mga pag-atungal ang umalingawngaw mula sa Abyssal Gate, pero ang mismong Eternal Night Kingdom ay napakatahimik.

Matapos ang humigit-kumulang tatlong minuto, isang boses ang lumabas. "Kahit anong pagsigaw pa ang gawin mo, hindi ka rin naman makakalabas, hindi ba?"

Tulad ng inaasahan, boses nga ni Marvin!

Nagulat ang lahat.

Nawala ang kadiliman.

Ang saya sa kanilang mukha ay napalitan ng gulat!

Hindi na dumadaloy pataas ang Blood River, at sa halip ay umuurong na ito.

Ang isang daang libong Demon sa pampang ng Blood River ay naging mga bangkay na lahat!

Tumayo si Marvin sa dagat ng dugo, at itinutok ang kanyang dagger sa Abyssal Gate. Mahinahon itong nagsalit, "Laging mayroong Plane Guardian sa Feinan."

Nang matapos niya ang kanyang pangungusap, tumalon ito, at gamit ang Sodom's Blades na tila hinihiwa ang mismong Space, hinati ni Marvin sa dalawa ang Abyssal Gate!

Tuluyang natuyo ang Abyssal Blood River, at naputol na rin pati ang pagsigaw ng Demon Lord.

Nagkalat ang mga bangkay sa labas ng Supreme Jungle, kaya humalo sa hangin ang matinding amoy ng dugo/

Bukod sa mga pangkaraniwang Druid, kahit ang mga Great Druid ay napuno ng takot.

Sadyang nakakagulat ito dahil matapos mawala nang isang buwan, biglang magbabalik sa isang kagilas-gilas na paraan si Marvin dahil sa pagpatay sa isang daang libong Demon!

Ang Demon Army na siguradong wawasak ang Supreme Jungle ay pinatay ni Marvin lahat nang walang kahirap-hirap.

Sino ba namang hindi magugulat nito?

Syempre, hindi naman niya iniwasan ang pagbati sa mga ito.

Gustong malaman ni Marvin ang kalagayan ng White River Valley kaya agad siyang binalitaan ni Shadow Thief Owl.

Kalahating buwan na ang nakakalipas, matapos magdulot ng kaguluhan sa God Realms sina Marvin at Tiramisu, nawalan na sila ng balita sa mga ito.

Sinasabing ang Time Dragon ay nai-seal ni Grant sa isang Artifact, pero walang nakakaalam kung saan.

Matapos nito, sunod-sunod nang nag-descend ang mga God at winasak ang mga kalupaan, pinapalaganap nila ang kanilang impluwensya at pinapalakas ang kanilang pwersa.

Tungkol naman sa White river Valley, nagpadala ng mga tauhan ang mga God para siyasatin at subukan ang lakas nito pero matatag pa ring nakatayo ang Ancient Sanctuary na tinayo ni Marvin.

Kahit na mawasak ito ng isang God, siguaradong malaking pinsala ang matatamo nito.

Sa era na ito na pinag-aagawan ng mga God ang Faith, kahit pa organisado ang God Realms, walang tiwala ang mga ito sa isa't isa.

Ang kanilang paulit-utlit na pagsubok at pagsisiyasat ay paraan nila upang palabasin si Marvin.

Sa kasamaang palad, walang takot na lumaban sina Constantine at ang iba pa, at dahil hindi pa lumalabas si Marvin, hindi na muna sila kumilos laban sa White River Valley. Lalo pa at kapag winasak nga nila ang White River Valley habang wala naman doon si Marvin, siguradong mananatili itong nagtatago hanggang sa makuha nito ang kapangyarihan ng Fate Tablet at saka ito maghihigati. At ayaw makitang magyari iyon ng mga God.

Nang marinig na ligtas pa rin ang White River Valley, nakahinga nang maluwag si Marvin.

Nitong nakaraang dalawang linggo, ang pinkakinakatakot niya ay ilalabas ng mga God ang kanilng Galit sa White River Valley, pero mukhang mas pinagtutuunan ng pansin ng mga ito ang papapalakas ng kanilang pwersa habang hinihintay ang paglabas ni Marvin!

At noong mga nakaraang araw, mayroong maliliit na pag-aaway sa pagitan ng mga God dahil sa teritoryo!

Dito pa lang, makikitang hindi kasing payapa at masaya ang God Realms tulad ng inaakala ng lahat.

Hindi nagtagal si Marvin sa Supreme Jungle. Alam niyang ngayong nakabalik na siya sa Feinan, maaaring mapansin siya ng Divination ng mga God ano mang oras.

Sa ngayon, mahalaga ang bawat minuto!

Kailangan niyang mahanap kaagad ang dalawang pang pahina ng Book of Nalu!

Pero napag-alaman niyang wala pa ring balita mula sa Green Sea Paradise na daan patungo sa Fallen Star Fiel. Mukhang mayroong kapangyarihang naghahati sa koneksyon sa pagitan nila.

Nang sabihin ni Marvin na aalis muna siya habang hinihintay na manumbalik ang koneksyon, sinabi ni Old Ent kay Marvin na babalitaan niya ito kapag nangyari na.

Lalo pa at iniligtas sila ni Marvin mula sa isang malaking krisis, at iniligtas din nito ang buong Supreme Jungle. Maging ang lakas man nito o ang pakikipagkaibigan sa kanya, aprubado na ito ng Migratory Bird Council.

Matapos umalis ni Marvin sa Supreme Jungle, hindi siya bumalik sa White River Valley.

Nagpunta ito sa Rocky Mountain.

Nalaman niya mula sa Migratory Bird Council na sinusulsulan ng Twin Goddess ang pwersa ng West Coast para atakihin ang Hope City.

Mukhang nahihirapan na ang Three Fate Sisters.

Isa pa, nag-aalala si Marvin sa pagkupas ng Fate Imprint niya.

Siguradong mayroon itong ibig sabihin.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C733
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login