Download App
69.52% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 511: Ruler’s Wrath

Chapter 511: Ruler’s Wrath

Editor: LiberReverieGroup

Kumpara sa isang True Dragon, mas maliit tingnan ang isang Mist Dragon.

Kung klasipikasyon naman ang usapan, mabibilang sa uri ng mga Dragon ang nilalang na ito. Subalit, alam ni Marvin ang tungkol sa kasaysayan ng mga Chromatic at Metallic Dragon, kaya naman alam niya na walang koneksyon ang Mist Dragon sa mga True Dragon. Maaaring naituring lang itong Dragon dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Ang mga Chromatic Dragon at mga Metallic Dragon ay nagmula sa Twin Plane sa Universe, habang ang Mist Dragon ay isang nilalang na mula sa Feinan at mga Secondary Plane nito, hindi ito nanggaling sa ibang lugar.

Mataas ang magical ability ng mga Mist Dragon. Kaya nitong magmanipula ng panahon, ulap, at tubig.

Idagdag pa na espeyal ang katawan nito.

Maraming Mist ang nasa katawan nito, at ang hamog na ito ay an dahilan kung bakit mukha itong mas malaki kesa sa inaakala.

Ito rin ang dahilan kung bakit madalas hindi tumatama ang atake ng mga kalaban nito.

Pero para sa isang expert gay ani Marvin, madali lang hanapin ang mahahalagang bahagi ng katawan nito.

 .

Lalo pa at ang isa sa mga specialty niya ay ang eksaktong pagtama sa kanyang pinupunterya.

Night Boundary!

Matapos kumilos sa dilim, sinamatala ni Marvin ang pagkakataon na hindi pa siya napapansin ng Mist Dragon!

Kahit mukhang marupok ang pares ng Elven dagger, kaya nitong hiwain kahit ang bakal.

Umatake na nga si Marvin gamit ang mga dagger at gulat naman na napahiyaw ang Mist Dragon!

Nang tumama ang patalim, napakaraming dugo ang sumirit at tumalsik pa ito sa mukha ni Marvin.

Tinamaan ni Marvin ang ugat ng pakpak ng Mist Dragon!

Hindi nakatulong ang Disguise nito at hindi nahadlangan ng hamog si Marvin at eksaktong tumama ang kanyang pag-atake.

Sa talas ng mga dagger na dating ginagamit ng Gret Elven King, muntik nang maputol ni Marvin ang pakpak ng Mist Dragon!

Hindi ginamit ni Marvin ang Weeping Sky dahil natatangi ang awra ng Dragon Slayin Spear. Sa lawak ng Feinan, nagagamit niya ito paminsa-minsan nang hindi siya natutukoy o nahahanap.

Pero sa isang nakakatakot na lugar gaya ng Cimson Wasteland, walang nakakaalam kung ilang Dragon ang narito. Kaya maaaring magdulot ng sakuna ang paggamit dito.

Marami nang humawak at gumamit sa Dragon Slaying Spear, at marami na rin itong napatay na mga Dragon.

Isa pa, hindi na kailangan gamitin ni Marvin ang pambihirang sandata na ito para lang patayin ang isang maliit na Mist Dragon!

Sapat na ang [Azure Leaf].

Sa likod ng malaking bato, nagpagewang-gewang ang Mist Dragon at iwinasiwas kanyang buntot, para subukang tamaan si Marvin. Pero mabagsik nang binunot ni Marvin ang kanyang mga dagger.

Mabilis ang kanyang naging pagkilos at naiwasan niya ang buntot ng Mist Dragon at hiniwa pa ito.

Desperation Style!

Burst!

Naputol ng malakas na pag-atake ang buntot ng Dragon!

Hindi kasing lakas ng katawan ng mga True Dragon ang katawan ng mga Mist Dragon. Pero mahusay ang mga ito sa paggamit ng Mist Magic gaya ng mga Wizard na ka-level nila.

Ang paglapit sa isang malakas na Assassin gay ani Marvin ay parang isang hatol ng kamatayan!

Hindi nagbago ang reaksyon ni Marvin at kumilos ito na kasing bilis gng kidlat.

Paulit-ulit na umatake ang mga dagger sa kanyang kamay. Walang kahirap-hirap itong kumilos sa katawan ng Mist Dragon, habang nagpapaulan ng mababagsik na pag-atake.

Kalaunan ay nanghina na ang boses ng Mist Dragon.

Matapos ang tatlong minute, tanging isang bangkay na lang ang naiwan sa likod ng bato!

Pinira-piraso ni Marvin ang Mist Dragon na hindi man lang nakalaban!

Sa di kalayuan, pinapanudo ng Paladin ang eksena, at nakaramdam ito ng kaunting gulat.

Hindi niya inasahan na ang "Great Druid" na ito ay mahusay sa pagtatago!

Tila napakadali lang para sa kanya ang pagpatay sa Mist Dragon.

Yumuko si Marvin at bahagyang hinihingal.

Nabalot ng dugo ng Mist Dragon ang kanyang katawan at malansa ang amoy nito.

Pero masaya naman siya sa kinalabasan ng laban.

Lagi siyang umaaasa sa napakalakas na kapangyarihang ng Dragon Slayong Spear o sa matinding lakas ng Mechanical Titan noon para makapatay ng Dragon.

Marami naman makapangyarihang ability ang Ruler of the Night class at kadalasan ay kailangan lang ni Marvin ng isa o dalawa sa mga ability na ito para harapin ang kanyang mga kalaban.

Pero sa pagkakataon na ito, umasa lang siya sa kanyang lihim na pag-atake at sa Desperation style para patayin ang Mist Dragon.

Ito ay patunay na ang lakas ni Marvin ay umabot na sa tugatog ng Feinan.

Malayo-layo pa siya sa level ng isang Plane Guardian, pero siguradong isa siyang makapangyarihang expert.

Kahit sa mga mabagsik na Legend ng Crimson Wasteland, masasabing isa rin siyang expert.

Lalo pa at mayroong malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga Legend.

Ang mas ikinatuwa pa niya ay matapos niyang mapatay ang Mist Dragon, nakakagulat na nakakuha siya ng 2 puntos ng Comprehension!

Eksakto naman ang pagdating ng dalawang puntos ng Comprehension na ito.

Nakakuha na si Marvin ng 8 Comprehension points at dalawa na lang ang kailangan niya para maabot ang level 2 Ruler of the Night.

Ngayon ay nakuha niya na ito.

Tiningnan niya ang kanyang interface.

Matapod makumpira ni Marvin na mayroon na siyang 10 Comprehension points sa [Ruler of the Night] class, maraming logs ang lumabas!

Nakaramdam ng init na dumadaloy sa kanyang katawan si Marvin, nagiging mas kalmado siya na para bang natanggal ang mga nakagapos sa kanya.

Umabot na sa level 2 ang kanyang Ruler of the Night!

Tumaas ang bawat attribute niya, bukod sa Dexterity dahil sa limitasyon ng Godly Dexterity.

Wala na siyang magagwa tungkol dito. Hangga't hindi pa niya nalalampasan ang kanyang limitasyon, kailangan niyang manatili sa Godly Attribute realm.

Sa katunayan, iilan lang ang mga Human na nakalapas sa Godly Attribute Realm sa buong Universe.

At hindi siya mangangahas na labanan ang Mist Dragon nang hindi Ginagamit ang mga ability niya bilang Ruler of the Night, kung wala siyang Demon Huner Steps at ang kanyang Godly Dexterity.

Lalo pa at kahit na malakas ang Ruler of the Night, makakatamo pa rin siya ng malubhang pinsala kung direkta siyang tamaan ng atake ng Mist Dragon!

Hindi niya malilimutan ang Legend Barbarian na namatay sa Jewel Bay nang inatake ito ni Ancient Red Dragon Ell.

Maaaring gamitin ni Marvin ang kanyang Godly Dexterity, Blade Technique, at malakas na mga Ability para kalabanin ang mga nilalang na mayroong mas mababang attribute gaya ng Mist Dragon. Pero kung ang kaharap niya ay isang powerhouse gay ani Ell, kahit na matapang si Marvin, hindi siya mangangahas na lumapit dito.

Ang bilis ng reaksyon ng isang Mist Dragon ay hindi maikukumpara sa mas mabilis na reaksyon ng isang True Ancient Chromatic Dragon. Isang pambihirang pagkakataon ang pagdispatya sa babeng Female Dragon noon, at muntik pa itong makatakas sa kanya.

Matapos mapataas ang level ng kanyang Ruler of the Night class, tumaas din ang mga pangunahing specialty at resistance ni Marvin.

Pero ang pinakamahalaga, nakakuha siya ng Legendary Skill Points!

Kailangan niyang gumamit ng Legendary Skill Points para matuto ng mga Legendary Skill.

Ang mga Legendary Skill, lalo na ang mga skill ng Ruler of the Night, ay tunay na malalakas.

Halimabawa na lang ang Eternal Night Seal na ginamit ni Marvin para iselyo ang kanyang sarili papalayo sa avalanche habang nagtatago sa paningin ng Mist Dragon.

Ngayon na umabot na siya sa level 2 Ruler of the Night, mayroon na siyang pagkakataon na makapagdagdag ng isa pang makapangyarihang skill.

Napag-isipan na ito ni Marvin, kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip at nagdesisyon na agad.

[Sigurado ka bang gusto mong gamitin ang iyong Legendary Skill Points sa Legendary Skill – Ruler's Wrath?]

Lumabas ang log na ito sa harap ni Marvin

Oo!


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C511
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login