Download App
38.5% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 283: Transformation

Chapter 283: Transformation

Editor: LiberReverieGroup

Aatakihin ng Black Dragon ang Hope City habang nakakulong ang Fate Sorceress.

Malala na ang sitwasyon.

Pero sa oras ng matinding pangangailangan na ito, isang matapang na Dragon Slayer ang lumitaw sa Hope City.

Nabuhayan ng loob ang mga tao sa siyudad dahil dito.

Pinanuod nilang bumagsak sa lupa ang katawan ng Black Dragon, at umalingawngaw sa kanilang mga tenga ang dagundong ng pagbagsak nito.

Nabitak ang lupa, at halos gumuho ang ilang bahagi ng city wall.

Pero masayang-masaya ang mga tao!

Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila, nagtagumpay si Sir Robin!

Para itong eksena sa isang nobela o tula: sa oras ng kagipitan, lilitaw ang isang bayani!

Hindi mapigilan ng ilan na kuskosin ang kanilang mga mata, gusto nilang makita kung tunay na nga patay na si Clarke. 

Pero wala silang makita kundi alikabok na mayroon matangkad at payat na anino sa loob!

"Mabuhay si Sir Robin!" Sigaw nilang lahat.

Pero noong mga oras na iyon, makikita ang pag-aalala sa mukha ni Lorie na nasa itaas ng city wall.

Si Marvin ay nasa likod pa ring ng Dragon, at nanghihina na.

Malinis ang pagkakabaon ng Dragon Slaying Spear sa leeg ng Dragon, naputol na nito ang mga ugat at gulugod nito. Kung tutuusin, dapat patay na ito.

Pero wala siyang natanggap na mga battle experience sa kanyang mga logs.

Kaya naman nag-alala si Marvin.

Dahil unti-unti nang nawawala ang kanyang lakas.

Ang walong segundo ng kanyang "man mode" ay tapos na!

Paubos na ang kanyang natitirang lakas. Kung hindi dahil sa pagtukod niya sa Weeping Sky, marahil natumba na siya dahil sa panghihina.

'Anong nangyayari?' Sabi ni Marvin. Sa gitna ng alikabok, bahagyang umangat ang ulo ng Black Dragon, bago muling bumagksak.

"Blag!"

Mukhang naghihingalo na ito.

Yumanig ito at biglang nadulas si Marvin. Mabuti na lang, nakakapit siya sa Weeping Sky, kung hindi, baka nahulog na siya mula sa likod ng Dragon.

Pero sa pagkakataon na ito, may kakaibang pangyayari ang naganap.

Biglang nagbago ang katawan ng Black Dragon.

Ang sugat na dulot ng Weeping Sky ay nagsimulang lumaki.

Ngayon lang nakakita ng ganito si Marvin.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin at paika-ikang lumipat sa ulo ng Dragon.

Nang biglang nahati sa dalawa ang ulo ng Dragon!

Naiwan sa lupa ang ulo nito habang balot naman ng dugo ang Dragon Slaying Spear. Isang masangsang na amoy ang nalanghap ni Marvin.

Makikita ang takot sa mga mata ni Marvin.

Gusto man niyang tumakbo ay wala na siyang natitirang lakas.

Ang Diamond-shape ay isang ability na ibinibuhos na ang lahat sa isang bagsakan.

Kung hindi pa mamamatay ang kalaban mo sa loob ng walong segundo, maaaring ang gumamit nito ang mamatay.

Pero ang kakaibang Black Dragon na ito ay tila nilalabanan ang kamatayan.

Biglang lumiit at naging 1/3 ng orihinal na sukat ang katawan nito.

Pero ang mga buto at kaliskis ay tila malakas at matibay.

Sa wakas, dumating na si Jessica!

Nakawala na siya mula sa projection ng Black Dragon God at nakarating na sa tabi ni Marvin!

Natuliro naman ito dahil sa sitwasyon.

"Anong…"

"Hindi siya namatay?"

Sa harap ng hindi makapaniwalang Fate Sorceress, Marvin, at lahat ng mga nanunuod, biglang pasuray-suray na bumangon ang Dragon!

Sa Hope City, ang kaninang mga taong nagdiriwang ay biglang binalot ng takot at namutla.

Ang Black Dragon, na naputol ang ulo sa labas ng city wall ay biglang bumangon.

Nakabuka ang leeg nito at makikita ang isang madugong siwang.

Ngayon ay mayroon nang isang Black Dragon na pugot ang ulo sa kanilang harapan.

Para sa karamihan, wala nang mas nakakatakot pa kesa dito!

"Hehehe…Weeping Sky!"

"Ocelot, Dixon, Shiloh, Jitt…"

"Sa dinami-rami ng mga humawak diyan, napakalakas pa rin nito."

Palalim nang palalim ang boses ng Black Dragon na si Clarke.

Kanina ay boses babae pa ito, ngayon ay tila boses na ng isang lalaking Dragon ang nanggagaling dito.

'Anong nangyari?' Hindi makagalaw sa pagkatuliro si Marvin.

Bakit mayroong Headless Dragon?

Hindi ito ang boses ni Clarke. Boses ito ng ibang Dragon.

"Gusto kitang pasalamatan. Robin ang pangalan mo, tama?" tanong ng malalim na boses.

Pagkatapos ng pagsasalita nito ay isang panibagong ulo ang nagsimulang mabuo mula sa madugong leeg.

"Ginamit ng tatanga-tanga kong nakababatang kapatid na babae ang katawan na ito nang napakahabang panahon."

"Sa wakas, may pumatay na sa kanya para sa akin. Maraming salamat."

"Sa wakas, malaya na ako."

"Mister Robin, bibigyan kita ng disenteng pagkamatay bilang pasasalamat ko sayo."

"Siya nga pala, Clarkson ang pangalan ko. Wag sana kayong mailto sa amin ng tanga kong kapatid."

"Sinayang niya ang talento at potensyal ng katawan na ito."

Saksi ang buong Rocky Mountain sa kakaibang eksenang ito.

Kasama na ang projection ng Black Dragon! 

Wala itong reaksyon, na tila ba alam na niya ang tungkol sa Black Dragon.

Pero hindi maipinta ang reaksyon nina Marvin at Jessica.

Dahil kasabay ng pagbabagong ito, naramdaman nila na mas lumakas pa ang Black Dragon.

Kung si Clarke ang kalaban nila, sapat na ang Fate Power ni Jessica para kalabanin ito, pero ang lakas ni Clarkson ay kasing lakas na ng 5th layer Fate Power ni Jessica!

Idagdag pa na ang Fate Power ni Jessica ay patuloy na humihina kasabay ng panunuod sa kanila ng projection ng Black Dragon God sa kanila mula sa isang tabi.

Mukhang pasama nang pasama ang kanilang sitwasyon.

Namumutla na ang mukha ni Marvin.

Ang pagkamatay at muling pagsilang ni Clarke ay hindi niya inaasahan.

"Dapat pala ay sinabi ko na agad sayo kanina," bulong ni Jessica, "na nakakaramdam ako ng malakas na kapangyarihan mula sa puso ni Clarke… Naramdaman kong may kakaiba sa kanya, pero hindi ko inasahan na…."

Nanatiling tahimik si MArvin.

Napakaraming lihim ng Dragon na ito.

Matapos niyang baliin ang leeg nito at pugutin ang ulo, may tumubong panibagong ulo?

Si Clarke at Clarkson ay dalawang kaluluwa sa iisang katawan.

Sa loob ng napakahabang panahon, si Clarke ang mas nakaka-angat. Ngayong patay na si Clarke, ang isa pang kaluluwa nito ay umasa sa kapangyarihan ng puso nito para patubuin ang panibagong ulo.

Nagkataon din na nagbago pa ang katawan nito.

Naging mas maliit man ito, ngunit mas lumakas ito!

"Ako na ang bahala." Malungkot na sabi ni Jessica.

Makikita ang paninindigan sa kanyang mukha.

Nainilabas na ni Marvin ang lakas niya para sa Rocky Mountain!

Nakikita niyang sa lagay ni Marvin, kahit siguro ay isang 1st rank expert ay hindi na kayang talunin nito!

Makakasagabal lang ito kapag nanatili pa si Marvin sa laban.

Pagkatapos ng pagbabago ng katawan ni Clarkson, naging mas maingat ito.

Mahinahon itong naghintay na humupa ang alikabok. Nakangiti ito habang tinatantya niya ang sina Marvin at Jessica.

"Paano niyo ako ngayon lalabanan?"

Dumating na rin ang projection ng Black Dragon.

Muling nanlumo ang lahat ng tao sa siyudad.

Pero noong mga oras na iyon, isang matabang nilalang ang biglang pinagaspas ang mga pakpak nito at lumipad sa balikat ni Marvin.

Isang salita lang ang sinabi nito.

"Luck…"


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C283
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login