Download App

Lethal Weapon!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa banta ng pag-atake ni Clarke, walang nagawa si Marvin kundi harapin ito.

Alam niyang hindi siya maaaring umatras. Nasa likuran niya si Lorie at napakaraming inosenteng naninirahan sa Hope City.

Kahit pa hindi niya teritoryo ang lugar na ito, maraming bagay sa Rocky Mountain ang nagpaalala sa kanya na may mga mabubuting tao dito.

Handa siyang lumaban para protektahan ang kapirasong lupaing ito!

Isa pa, noong kinuha niya ang [Weeping Sky], isinama na niya sa listahan ng kanyang mga papatayin ang Black Dragon na si Clarke!

Kasalukuyang kailangan ni Marvin ng malaking battle experience para tumaas ang kanyang level, at ang pagpatay ng isang Dragon ang isa sa mga pinakamabilis na paraan para makakuha nito.

Ang isang pangkaraniwang Adult Red Dragon ay nagbigay kay Marvin ng 16000 exp, kaya siguradong mas malaki ang makukuha niya kay Clarke!

Kaya naman, nakipagkasundo ito kay Jessica na siya ang tatapos sa Black Dragon.

Kaso nga lang, sumobra ata ang tingin ni Marvin kay Jessica. Nakakulong ang Fate Sorceress habang nasa bingit ng panganib ang Hope City.

Dahil umabot na sa ganito, mapipilitan nang kumilos si Marvin.

Dahil alam niyang hindi aatras si Lorie.

Madunong ang batang ito, masyado pa itong bata pa.

Nanatili itong nakatayo doon, binibigyang pag-asa at lakas ng loob bang kanyang mga nasasakupan.

Kasabay nito, nagbigay rin ito ng pag-asa at lakas ng loob kay Marvin.

Sa harap ng nakakatakot na Black Dragon, nanindigan siya at hindi nagdalawang-isip na gamitin ang pinaka-akmang anyo niya para sa sitwasyon na ito!

Diamond-shape!

Mayroong lang siyang walong segundo!

Ang walong Segundo na ito ang magdidikta ng tagumpay o pagkasawi.

Makikita ang pagkaseryoso ni Marvin sa kanyang mga mata. Matapos niyang gamitin ang Diamond-shape, napansin niyang halos kapantay na ng isang Legend Monk ang kanyang mga attribute.

Hindi lang ito limitado sa pagiging matibay ang epekto ng Diamond Body. Ang kanyang Strength, Constitution, at Resistance ay umabot ng napakataas na level.

Kasama na dito ang kanyang Dexterity.

Isa itong nakakatakot na bloodline ability. Kahit pa walong segundo lang ito eepekto, may mga taong handing ibuwis ang kanilang buhay para dito!

Umatungal ang Black Dragon, tila tawag ng kamatayan ang anino nito.

Desperadong nagtatago ang mga tao sa likuran ng city wall. Wala na silang ibang mapupuntahan o mapagtataguan.

May ilang tumitingala sa kanila at nakikita nila ang isang anino na matikas na nakatyo sa city wall.

"Sino siya?"

"Anong binabalak niya?"

"Hindi ba si Mister Robin 'yon? Siya 'yung tumulong sa atin makalusot sa barikada noong isang araw!"

"Diyos ko! Wag mong sabihing gustong harangan ni Sir Robin ang Black Dragon nang mag-isa? Malakas man siyang Druid, pero si Black Dragon Clarke ay…"

Iba-bang reaksyon ang makikita sa mukha ng mga taong nakatingin kay Marvin.

Mayroong respeto, pag-aalala, at pagdududa.

May mga taong inisip na isang ignoranteng nais lang magpasikat si Marvin.

Para lang siyang langgam na sinusubukan pigilan ang isang tao, masyadong mataas ang tingin niya sa kanyang sarili. Gusto niyang patayin ang Dragon para sumikat? Sa kasamaang palad, hindi magandang punteryahin ang Black Dragon na si Clarke!

Anak siya ng isang god!

Pigil ang paghinga ng lahat ng nanunuod. Nang biglang may isang kaaya-ayang boses ang kanilang narinig.

"Kaya mo 'yan."

Ito ang boses ng batang babae.

Narinig rin ito ni Marvin.

Iyon ang boses ni Lorie.

Ang kanyang Fate Power na Wisdom, ay walang hanggan ang kakayahan.

Tumagos hanggang sa puso ni Marvin ang boses nito at binura ang ano mang pagdududa ang mayroon sa kanyang sarili.

Makikita ang determinasyon sa kanyang mga mata.

'Kaya ko 'to,' sabi niya sa kanyang sarili.

Pagkatapos nito, galit na humiyaw si Marvin at itinuon ang kanyang lakas sa kanyang kaliwang binti. Burst!

Dahil sa kanyang mataas na Strength attribute, lumipad na parang bala ang kanyang katawan!

Napasigaw ang mga tao sa Hope City!

Hindi nila inakalang mauunang umatake si Marvin.

Para bang nais niyang magpakamatay.

Mabilis na paglipag papunta sa kanya ng Black Dragon. Siguradong mapupulbos ang sino mang tamaan nito!

Isa pa, hindi niya masasalag ang lakas at bilis ng Black Dragon.

Sadyang napakabilis talaga ng Black Dragon!

"Ladu Jessica!"

Inaasahan nilang lahat si Jessica.

Pero nakakulong pa rin ang Fate Sorceress sa itim na ulap.

Walang nang makakapagligtas sa kanila.

Kasing bilis naman ng hangin ang imahe ni Marvin, pero sa mga mata ni Clarke para lang itong isang langaw.

Humalakhak ito at binuksan ang kanyang madugong bunganga!

Ni hindi na niya kailangan pang gamitan ng Dragon Breath ang langaw na ito. Direkta na niyang lulunukin ito.

Pero biglang nawala ang si Marvin sa ere!

Night Boundary!

Bigalng lumitaw ang tagapagmana ng Night Monarch! Babagsak sa likod ng Black Dragon si Marvin!

Kakaunti lang ang nakaka-alam na ang batok ng Black Dragon ang perpektong lugar para umatake ng palihim dahil hindi ito nakikita ng Black Dragon!

Malinaw rin na hindi alam ni Clarke kung saan nagpunta si Marvin, dahil napunta ang kanyang paningin sa batang babae sa city wall.

Isang Fate Sorceress… ah… Masarap na pagkain!

Hindi man nauunawaan ng karamihan ang kapangyarihan nila, pero si Clarke, na halos talunin lang ni Jessica na parang isang aso, ay alam ang tunay na kapangyarihan ng mga ito.

Bilang anak ng isang god, alam ni Clarke na isa sa mga lihim na paraan para makuha ang Fate Power nito ay ang paglamon dito!

Para sa isang tulad niya na patuloy na naghahanap ng karagdagang kapangyarihan, ito na ang pinakamadali at pinakamabilis na paraan!

Humagalpak sa tawa ang Black Dragon kasabay ng pagpagaspas ng kanyang mga pakpak, ang kanyang bibig ay patungo na sa kinatatayuan ni Lorie.

Napapikit ang mga taong nakatingin sa city wall.

Pero ang batang babae ay pinapanuod ang taong nasa likod ng Black Dragon!

Bumagsak na parang bulalak ang anino ni Marvin.

Noong una ay mabagal lang ang kanyang pagbagsak pero taglay nito ang pambihirang lakas at matinding paninindigan.

"Woosh!"

Umihip ang hangin, at nilipad ng baagya ang talang bumabalot sa spear.

Makikita na ang talim ng spear.

Biglang naramdaman ni Clarke na mayroong mali.

Sinubukan niyang lumingon.

Pero huli na ang lahat.

Ang sandatang nakapatay sa napakaraming Dragon mula noon ay muli na namang pagpapadanak ng dugo! Naramdaman ni Marvin ang saya ng sandatang ito nang matanggal na ang telang nakabalot dito!

Kasabay ng pagbagsak ni Marvin, natuklasan niya na hindi kamay niya ang pumupwersa sa Dragon Slaying Spear, sa halip, siya ang hinihila nito pababa!

Pabilis ito nang pabilis!

Sa isang iglap, walang habas itong bumaon sa batok ng Black Dragon.

"Pshhh!"

Ang malakas at matibay na balat ng Black Dragon ay tila papel lang na direktang binutas ng sandatang ito!

"Aaaaaaaaaah…"

Isang naghihinagpis nap ag-atungal nag maririnig na lumalabas sa bunganga ng Black Dragon. Nawalan ito ng balanse at itinulak pababa sa lupa ng hindi kapani-paniwalang lakas ng sandatang ito.

Ito ang kapangyarihan ng Dragon Slaying Spear!

Noong mga oras na iyon, labing-dalawang metro na lang ang layo nito sa city wall.

Natuliro ang mga tao dahil sa pagyanig ng lupa!

Sa loob lang ng limang segundo, nagawang pigilan ni Lord Robin ang Black Dragon at maipako ito sa lupa!

Anong klaseng kapangyarihan iyon!

"Isa bang Legend si Sir Robin?!" Tanong ng isa sa mga ito.

Pero habang nakatayo si Marvin sa likod ng Dragon, hinihingal pa dahil sa pagod, may naramdaman siyang mali.

'Sandali… Bakit wala pang battle experience na lumalabas?!'


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C282
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login