Download App

A Real Man!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hindi na mahalaga 'yon! Ngayong nandito na si Ate, hindi na makakalapit sa Hope City ang Black Dragon!" Sabi ni Lorie.

Nakahinga nang maluwag si Marvin.

At bago pa nga makalahati ng Black Dragon ang distansya mula Lion Town at Hope City, napigilan na siya ni Jessica na balot pa rin ng makulay na liwanag!

Fate Power!

Nakakasilaw ang kanyang katawan at tila mas maputi at malambot ang kanyang balat, pero sa ilalim nito ay may tila lakas ng isang barbarian.

Mukha siyang mahinhin, pero para siyang isang Titan nang hawakan niya ang buntot ng Black Dragon at hilahin ito!

Natangay si Clarke ng malakas na paghila nito at napa-atungal.

Isang mabagsik na 180° na paghagis pala ang naka-abang sa kanya!

"Bang!""Bang!""Bang!" 

Ang Black Dragon, na mahusay sa melee battle, ay hindi nagawang tapatan ang Fate Sorcerer sa laban!

"Bumalik ka na sa Underdark!" Galit na sigaw ni Jessica.

"Isumpa mong hinding-hindi ka na babalik sa Rocky Mountain!"

Mas lalo pang naging kagilas-gilas ang liwanag ng kanyang katawan. Para siyang isang babaeng war god!

Hindi makapaniwala ang mga naninirahan sa Hope City habang pinapanuod ang pangyayari.

Noong mga oras na iyon, mas tumibay pa ang paniniwala nila kay Jessica.

Kung nandiyan si Lady Jessica, na parang isang war god, hinding-hindi babagsak ang Hope City!

Nagsimula nang ipagbunyi ng mga tao ang Three Sisters!

Maraming kawani ng iba't ibang mga organisasyon ang tumakas at pansamantalang tumuloy sa Hope City. Pero nang makita nilang makipaglaban si Jessica, hindi nila maiwasang mamangha.

Naging madugo ang laban!

Isang kaakit-akit na babae ang kumakalaban sa Black Dragon sa isang Melee battle para sa Hope City.

Anong mayroon sa kanila?

Maganda ang reputasyon ng Three Sisters, at dahil nakita ng mga tao ang paninindigan at deisdidong pagprotekta ng mga ito sa Hope City, nakuha nila ang loob ng mga tao.

Ganoon ang mga tao.

Kung walang malakas na kalaban na darating, hindi mapapansin ang isang makapangyarihang pinuno.

Naramdaman ni Marvin ang pagpapalit ng kondisyon ng kapaligiran.

Marahil ang dahilan kung bakit nagawang itatag ng Rocky Mountain ang isang bansa matapos ang Great Calamity, bukod sa makapangyarihang Three Sisters, ay dahil sa mga taong naninirahan dito.

Ang lugar na ito ay paraiso ng mga kriminal, kung saan pinagdududahan at sinasaktan nila ang isa't isa.

Pero sa digmaang ito laban sa mga Underdark Race, wala silang nagawa kundi magtulungan.

Nakita nila ang kabutihan sa isa't isa.

Dahil sa impluwensya ni Lorie, at impluwensya ni Jessica, isang maganda at magaan na pakiramdam ang bumabalot sa Hope City.

Isang mahiwagang race talaga ang sangkatauhan. Kapag may positibong pakiramdam ang kumalat, magiging mas positibo ang kabuoan ng grupo ng mga tao.

...

Pero hindi tulad ng mga taong sinasamba na ang Three Sisters, may naramdamang mali si Marvin mula sa city wall.

'Hindi dapat kaya ng Black Dragon si Jessica!'

'Pero bakit hindi pa rin tapos ang laban na 'to…. Kahit na malaking bagay ang depensa ng Black Dragon, sa trailer ng laro, literal na dinurog ni Jessica ang Black Dragon.'

'Bakit umabot na ng ganito katagal?'

Nabigla si Marvin.

Noong mga oras na iyon, nainis na siya sa nag-edit ng video. Bakit niya ginawang napakaganda ng trailer pero napaka-ikli naman?

Mamamatay ba siya kung kumpleto niyang ilabas ang video?

Sa sitwasyon na ito, kahit pa hindi sapat ang lakas ni Jessica para talunin ang Black Dragon, hindi naman ito aabot sap unto na matatalo siya ng Black Dragon.

Ano bang nangyari para maging ganito ang sitwasyon? Ano ang kulang?

Dahil ba epekto rin ito ng kanyang pag-transmigrate?

Hindi maisip ni Marvin ang kasagutan.

Mas lalo pang nanlumo ang kanyang mukha.

Dahil sumali na sa laban ang projection ng Black Dragon God!

Unti-unti nang nabaliktad ng matyagang Black Dragon ang sitwasyon!

Ang projection ng Black Dragon God ay katumbas ng isang Half-Legend at kahit na hindi ito makapagdulot ng malaking pinsala kay Jessica, malaking tulong na ito para kay Clarke.

Para bang konektado ang isipan ng dalawa dahil napakabanayad ng kanilang pagtutulungan.

Kahit na hawak ni Jessica ang lakas ng isang Fate Sorceress, nagagawa niya lang labanan ang mga ito pero hindi niya magawang tapusin ang mga ito.

Ayaw makita ni Marvin ang ganitong klase ng laban.

Alam niyang may hangganan ang Fate Power.

Kung kulangin ang kanyang Fate Power, malalagay sa panganib si Jessica. Naging mas desperado na ang sitwasyon ng laban!

Baka maging tabla ang laban! 

"Sayang… Umabot lang ng 5th Layer ang Fate Power ni ate."

"Kung umabot siya sa 6th Layer, siguradong patay na ang Dragon na 'yan!"

Bahagyang nag-aalala na si Lorie.

Taglay niya rin ang Fate Power at natural lang na alam niya ang tungkol sa kapangyarihan nito.

At ang kanyang Intellegence ay ang dahilan kung bakit nauunawan niyang mabuti ang nagaganap sa laban.

Sa unang tingin, nananalo na si Jessica, pero sa katunayan, nagiging patibayan na lang ang laban. Hindi ito nakakabuti para kay Jessica.

"5th Layer?"

Bahagyang nabigla si Marvin. Noong mga oras na iyon, napansin niya ang liwanag na may tila pitong kulay sa katawan ni Jessica ay binubuo lang pala ng lima.

Ang mga liwanag ay mga pabilog na patong-patong na bumabalor sa kanya.

Sandali!

Naalala niya na sa trailer ay anim ang bilog ng liwanag na nakabalot kay Jessica!

Iyon ang 6th Layer Realm ng Fate Power!

Naguguluhan si Marvin.

'Mas mabagal baa ng progreso ni Jessica?'

'O… baka ang transmigration, o baka naman ibang bagay, ang dahilan kung bakit mas maagang dumating ang Underdark Winter kaya napilitang mapaaga ang pag-atake ng mga Underdark Race?'

Sumasakit ang ulo ni Marvin kaka-isip.

Tandang-tanda naman niya ang bawat detalye ng mga pangyayari bago ang Great Calamity.

Lalo pa at ang mga manlalaro ay dumating sa Feinan kalahating taon pagkatapos ng Great Calamity. Isa si Marvin sa mga manlalaro na gustong inaaral ang kwento at kasaysayan. Pinagtutuunan niya rin ng pansin ang bawat detalye!

Gayunpaman, bago ang Great Calamaity, hindi siya makagawa ng kongkretong plano.

Subalit, hindi pa rin nakaka-abot si Jessica sa level kung saan kaya niyang durugin ang Black Dragon gamit lang ang kanyang mga kamay!

Ang mga sinabi nito kanina ay pagmamatapang lang.

'Kung hindi talaga ito gagana, kailangan kong ipahiram sa kanya ang Dragon Slaying Spear,' isip-isip ni Marvin.

Hindi niya inaasahan na biglang magbabago ang sitwasyon!

Palihim na ginamit ng Black Dragon God ang isang Divine Spell na konektado naman sa Dvine Wish ng Black Dragon. Ikinulong nito si Jessica sa loob ng isang itim na ulap!

Ang tusong si Clarke ay humalakhak. Hindi na nito pinansin ang nakakulong na si Jessica at muling lumipad patungo sa city wall!

Namutla ang lahat.

Sa pagkakataong ito, hindi na siya mapipigilan ni Jessica!

"Lumikas na kayo!"

Hindi makagalaw si Jessica! Kahit na protektado siya ng Fate Power, hindi niya matutulungan ang mga ito!

Mananatili pa itong nakakulong sa itim na ulap ng sampung segundo!

Maraming maaaring mangyari sa loob gn sampung segundo!

Sa isang iglap, papalapit na ang anino ng Black Dragon.

Ang mga tao sa city wall ay tako na takot na lumilikas.

Pero mayroong dalawang taong hindi gumalaw sa kanilang kinatatayuan.

Nakatayo pa rin doon si Lorie, may maliit na ningning sa kanyang mga mata.

Nakatayo naman sa tabi niya si Marvin.

Hawak nito ay ang spear na nakabalot sa tela. Nakatayo siya sa city wall at tahimik na tinitingnan ang baliw na Black Dragon.

Sa isang iglap, para bang tumigil ang oras.

Ang Black Dragon ay mabilis ang paglipad at tatama na sa kanya.

Nang biglang lumitaw ang nakakasilaw na liwanag sa city wall!

Diamond-shape!

Oras na para ipakita na tunay siyang lalaki!

_____________


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C281
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login