Download App
19.72% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 145: Frightening Silver Wire

Chapter 145: Frightening Silver Wire

Editor: LiberReverieGroup

Mas mabilis pa kesa sa inaakala ni Marvin ang magiging reaskyon ni King Cobra.

Nakatuon ang atensyon nito sa Shadow Doppleganger, pero nagawa pa rin nitong magamit ang alas niya agad-agad. Ang Shapeshift Basilisk!

Isa itong Divine Spell at ito ay isang instant cast, kaya naman nagagawa nitong mailigtas ang buhay niya paminsan-minsan.

Pero hindi nagpasindak si Marvin, dahil inasahan na niyang mangyayari ito.

Naisip na niyang hindi ganoon kadaling patayin ang King Cobrang ito. Kaya naman may isa pa siyang planong nakahanda.

Sadyang ganito si Marvin. Marami siyang ihahandang plano sa bawat laban. Isa ito sa mga magandang katangian niya kaya naman naging isa siyang expert.

'Mas mabuting naging Basilisk na siya. Hindi na siya makakagamit ng mga Divine Spell!'

'Mas madaling patayin ang isang Basilik kumpara sa isang Cleric na handa!' Isip-isip ni Marvin.

Noong mga oras na 'yon, ang mga ahas na kaninang na-summon na nito ay agad na sumunod sa kagustuhan ng basilisk!

Mahinahon naman ang naging reaksyon ni Marvin. Sa dami ng mga ahas, isa lang ang pag-asa niya.

Ilang segundo lang ang lumipas, at halos mapalibutan na siya ng mga ahas.

Bigla naman niyang inilabas ang Blazing Fury at ginamit ang spell nito!

[Blazing Fury]!

Walang habas na sinunog ng spell na ito ang mga ahas, at agad namang naabo ang mga ito!

Kahit ang napakalaking Basilisk ay napa-atras dahil sa apoy.

Sensitibo ang mga ahas sa temperature, kaya naman malaking kahinaan nila ang Blazin Fury.

.

Kahit na isa lang pagbabagong-anyo ni King Cobra ang Basilisk, at kahit pa kontrolado ito ng pag-iisip niya, hindi pa rin nito makakatakas sa mga likas na kinatatakutan nito.

At sa isang iglap, isinasagawa na ni Marvin ang kanyang pangalawang plano!

...

Naglalagab na ang apoy sa loob ng kweba.

Isang anino ang tumalon nang napakataas, at sa lakas ng talon nito ay halos umabot ito sa kisame.

Ginamit na ni Marvin ang Night Jump kaya naman napakataas ng talon niya!

Mayroon siyang hawak na mahabak alambre. Habang papalapit siya sa kisame, inikot niya ang kanyang katawan at iniapak ang kanyang dalawang paa sa kisame!

Anti-Gravity Steps!

Dumikit si Marvin sa kisame.

Yumuko siya, habang mabilis na kumikilos ang kanyang mga kamay, itinali niya ang alambre sa isang epesyal na pako saka niya ito ibinaon sa maliit na bitak sa kisame.

Tska siya tumalon mula sa kisam at pinunterya ang leeg ng Basilisk.

Sa isang iglap, isang alambre na ang nagdudugtong sa kisame at sa sahig. Mahigpit ang pagkakabaon ng magkabilang dulo nito.

Napakaliksing gumalaw ni Marvin habang nagpapalipat-lipat ito ng pwesto sa paligid ng Basilisk, nagpapabalik-balik ito sa lapag at sa kisame!

Ilang segudo lang ang lumipas, nawala na ang fire spell at wala na ring natirang mga ahas. At sa loob ng kweba, lagpas sa isang dosenang alambre ang makikita!

Mahigpit na nakagapos sa alambre ang Basilisk, may nakapulupot ring alambre sa leeg ng nito.

Kaya naman, limitado na ang galaw ng Basilisk. Kapag gumalaw ito, babaon ang alambre sa kanyang kaliskis at mahihiwa ito, at patuloy itong hihigpit sa bawat galaw niya.

Ang pako naman na kinakapitan ng alambre ay inihanda na ni Marvin bago pa ang paglusob niya. Malakas ang kapit nito sa bato. Kaya naman kapag ginamit ito kasama ng alambre, kaya nitong igapos ang malalaking halimaw.

Ang kailangan lang ay ang pagkakaroon ng mataas na dexterity at mataas na jumping ability ang gagamit!

Matapos maabot ni Marvin ang pagiging Night Walker, nakita niya ang [Night Jump] sa kanyang skill list at naisip niyang gamitin ito.

Ngayon ay hindi na makagalaw ang Basilisk dahil sa nakakatakot na patibong na ito.

Wala siyang kamuwang-muwang!

Kahit na siya si King Cobra, wala siyang kamalay-malay sa kung ano ang ginagawa ni Marvin.

Dahil para sa kanya, hindi siya masasaktan ng mga alambreng ito.

"Nagpapatawa ka ba?" Pangungutya ng ahas.

"Masasabi kong napakahusay mong gumalaw, pero kaunting lakas lang ang kailangan ko para lunukin ka ng buong-buo!"

Mahinahon lang nakatayo si Marvin at hawak ang kanyang mga dagger. Tinutuya-tuya niya ang Basilisk.

Bigla namang nagalit ang Basilisk at bnuksan nito ang kanyang bunganga at inatake si Marvin.

Sa kanyang pananaw, mabilis lang na mapapatid ang mga alambre kaya hindi niya ito gaanong pinansin!

Pero nang gumalaw ang Basilisk, nayanig ang buong kweba!

Sa isang iglap, nabalot na ang katawan nito nang hindi mabilang na matalim na alambre. Sinubukan niyang sugurin si Marvin para lunukin ng buo, ngunit napigilan siya ng matinding sakit na nararamdaman niya.

Halos hindi na ito makagalaw noong mayroong nang hindi bababa sa tatlong alambre ang bumaon sa mga kaliskis ng basilisk.

At sa bawat galaw, nahihiwa ng alambre ang makaliskis nitong balat at natanggal pa ang mga ito.

Sa loob lang ng ilang sandal, maraming bahagi na ng kaliskis nito ang natanggal. Maririnig ang atungal nito dahil sa sakit. Isa-isang bumagsak ang mga kaliskis nitong balit ng dugo!

"Mas mahirap ka pang kalabanin bilang isang 3rd rank Cleric."

"Pero sa ngayon, is aka lang dambuhalang ahas."

"Tanga."

Ngumisi si Marvin at biglang inatake ito!

Maliksi itong nagpabalik-balik sa pagitan ng mga alambre, gamit ang kanyang dalawang dagger, walang awa nitong inatake ang mga bahagi ng katawan ng basilisk na natanggalan ng kaliskis.

Hindi kinaya nang balat ng basilisk ang mga atake nang mawala ang mga kaliskis na pumoprotekta dito!

Patuloy lang ang paghiyaw sa sakit ng Basilisk, hindi nito kinaya ang walang humpay nap ag-atake ni Marvin! Wala itong magawa kundi umatras!

Pero hindi niya naisip na mas mapapabilis nito ang kanyang pagkamatay.

Dahil marami rin ang mga alambreng nasa likuran nito, isa-isa ring natanggal ang mga kaliskis nito sa kanyang likuran. Nagliliparan ang mga kaliskis at laman sa loob ng kweba!

Walang pakielam si Marvin na patuloy lang ang pag-atake sa Basilisk. Gamit ang kanyang mga dagger, hindi tinigilang atakihin ni Marvin ang kahinaan nito.

Sa loob ng isang minuto, umabot na sa isang daang beses na nahiwa ni Marvin ang Basilisk!

Ipinamalas niya ang nakakatakot na katangian ng pagiging isang Reckless Dual Wielder!

Napira-piraso na ang ibabang bahagi ng katawan ng Basilisk!

Hindi rin nakatakas ang itaas na bahagi ng katawan nito, tanging ulo na lang nito ang natirang namimilipit sa lapag. Hindi na ito makabalik sa kanyang anyong-tao dahil lasog-lasog na ang kanyang katawan!

Namanhid ang mga kamay ni Marvin.

Mataas ang vitality ng Basilisk, pero ang depensa nito ang pinakamalakas niyang katangian! Mabuti na lang at mayroong alambre si Marvin para matanggal ang mga kaliskis nito.

Dahil kung hindi, baka naging mas mahirap ang naging laban niya ngayon.

"Sssss!"

Galit nag alit na tinitigan ng ulo ng ahas na nasa lupa si Marvin. Lumapit si Marvin at muling inatake ito ng walang habas!

Nang biglang, binuksan ng Basilisk ang kanyang bibig at ginamit ang kanyang natitirang lakas para maglabas ng isang maliit na nakakalasong hamog!

Kahit na pinigil agad ni Marvin ang kanyang paghinga, kumalat pa rin ang lason sa kanyang balat. Nagsugat agad ang kanyang balat!

Sunod-sunod na paalala naman ang luamabas sa window ni Marvin.

"Pucha!"

Nahilo si Marvin!

Ibinuhos na niya ang kanyang natitirang lakas para tapusin ang ulo ng Basilisk.

Magulong-magulo ang buong kweba. Nagkalat ang mga alambre, ang ilan dito ay napatid na dahil sa Basilisk, hanag ang iba naman ay nakakabit pa rin sa mga dingding.

'Kailangan kong makahanap ng lunas kaagad!'

Pinilit ni Marvin na tumayo at napailing habang sinusubukang manatiling gising.

Kasama pa rin nag nakakalasong hamog na 'yon sa kalkulasyon ni Marvin, Matapos niyang maging Basilisk ni King Cobra, hihina ang mga poisoning at cursing ability nito.

Kaya niya pa itong labanan.

'Kakayanin ko pa naman atang labanan ito ng ilang minuto.'

Nagngalit ang kanyang mga ngipin at umasa siya sa kanyang alaala para mapunta sa pinakamalalim na bahagi ng kweba.

Mayroong doong tukador na may lamang gamot para dito.

Nangapa si Marvin habang sinusubukang hanapin ang tukador.

Mabuti na lang at ilang beses na niyang na-farm ang Hidden Granary instance para maghanap ng Poison Resistance, kaya naman kabisado na niya ang lugar na ito. Kung hindi, baka nairapan siyang hanapin ang tukador na ito.

"Bang!"

Bumukas ang pinto ng tukador.

'Ikatlo mula sa kaliwa.'

Tiningnan ito ni Marvin, at sa wakas, nahanap na niya ang kulay pulang potion.

Kilala ang pulang poton na ito bilang [Extra Grace], isa itong bagay na ibinibigay ng Crimson Patriaarch, at ginagamit ito kapag mayroon silang miyembro na nalason.

Kayang tanggalin ng potion na ito ang lahat ng lason ng Twin Snakes Cult!

Kinuha ito ni Marvin at halos maubos ito!

Unti-unti namang nawala ang mga sintomas ng pagkakalason niya at bumalik na ang kanyang balat sa dati.

Nakahinga na siya ng maluwag.

Sumandal si Marvin sa pader at dahan-dahang naupo. Nanghihina siya.

Maraming stamina ang nilamon ng laban na ito!

Masama pa rin ang kalagayan niya. Kahit na ininom na niya ang potion, kailangan pa rin niya ng kalahating oras para kahit papaano'y makabawi ng lakas.

Pero nadulot ng ingay ang laban nila.

'Siguradong may nakarinig ng ingay kanina!'

Pinilit ni Marvin na itayo ang sarili para itago ang bangkay ng ahas at ang mga alambre sa mas malalim na bahagi ng kweba.

At tulad ng inaasahan, ilang sandal lang matapos niya itong gawin, may nagsalita mula sa labas ng kweba, "Sir King Cobra, may narinig ho kaming ingay, may nangyari ho ba?"

Nanikip ang dibdib ni Marvin!

Ang dalawang dumating ay hindi bababa sa 2nd rank na Cleric.

Hindi niya kakayaning labanan ang mga ito sa kalagayan niya ngayon.

Agad siyang tumingin sa kanyang paligid at napansin ang isang malinis na balabal na kulay lila na nakasabit sa pader!

...

Sa labas ng kweba, tila nagtataka ang dalawang 2nd rank na Cleric.

Madalas naman silang sinasagot ni King Cobra.

Naghintay pa sila ng ilang sandal. Nagkatinginan ang dalawa at saka pumasok ang dalawa.

Ang nakita nila sa loob ay ang pamilyar na balabal na kulay lila na nakatayo sa taas ng platform na gawa sa bato. Nakatayo ito sa harap ng palanggana.

"Sir…" Magalang na sabi ng isa sa mga Cleric.

Hindi nito inakalang ang taong nakabalabal ay lilingon at titingnan sila ng masama!

Napakabagsik ng itsura nito!

Nagulat ang dalawa, at hindi nagtagal ay napansin nilang puno ang palanggana ng dugo!

'Kinakausap pala ni King Cobra ang Crimson Partiarch!'

'Ang ingay na narinig natin, baka nanggaling sa…'

Agad na natakot ang dalawa. Paulit-ulit na humingi ng paumanhin ang mga ito at umalis sa kweba.

At si Marvin naman na nakatayo sa platform ay hinawakan ang kanyang pisngi.

'Malaki talaga ang pakinabang ng Mask of Deciever!'

'Oras na para magnakaw.'


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C145
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login