Download App
10.95% Princess Agents (Tagalog) / Chapter 32: Chapter 32

Chapter 32: Chapter 32

Editor: LiberReverieGroup

Ang gilid ng mga labi niya ay unti-unting tumaas. Tumawa siya ng simple at mabigat ang mga tango, "Sige. Umuwi tayo sa Yan Bei." Magaan nitong sabi.

Mahaba ang gabi. Isa isang kasing lamig ng yelo at medyo basang kulungan na sakop ng capital, dalawang bata ang pinaghihiwalay ng dingding. Nakaupo sila sa kanilang kulungan, ang mga kamay ay nakasuot sa butas na ginawa nila, at magkahawak.

Pupunta tayo ng Yan Bei. Makakalabas tayo dito.

Ang gabi at ang nangangalit na hangin ay lumipas. Dahan-dahang lumiwanag ang kalangitan. Ang tunog ng mga mabibigat na yabag ang gumising sa natutulog na mga bata. Mabilis nilang binawi ang mga kamay nila, at tinakpan ang butas na ginawa nila bago pa man mabuksan ang mga mata nila. Nakita nila ang bawat tapak ng itim na cotton boots sa maalikabok na sahig ng kulungan. Malutong na tunog ng mga susi ang walang tigil na magkakasamang kumakalampag.

Clack, mga limampung sundalo ang pumasok sa kulungan, na pinupuno ito. Lahat sila ay nakasuot ng berdeng baluti, at may kasamang dilaw na kapa. Ang bantay ay maingat na nakatayo sa likuran nila na tumatango at yumuyuko. Umupo sa gilid si Chu Qiao at malamig na tinigna ang mga gwardya. Ang puso niya ay lumubog.

Nakaupo lamang si Yan Xun sa sahig at nakatalikod sa paskan. Nang walang kirap, ang mainit na awra sa kanya ay nawala. Bumalik siya sa kanyang walang pakialam na ekspresyon, hindi pinapansin ang mga taga-labas na pumasok.

Ang pinuno ng mga gwardya ay tumingin sa prinsipe ng Yan Bei, isang myembro ng royal army ng Xia Empire. Ang kanyang ekspresyon ay malamig at hindi makikitaan ng respeto. May inilabas siyang royal decree at binasa ito, "Mula sa utos ng palasyo ng Sheng Jin, si Yan Xun, ang prinsipe ng Yan Bei ay pupunta ng Jiu You platform para alamin ang kanyang sentensya."

Isang gwardya ang lumapit at suminghal, ang mga labi ay nananatiling diretso. "Pagkatapos mo, Prince Yan."

Dahan-dahang binuksan ng binata ang mata niya. Ang tingin nito ay matalas. Sa isang simpleng tingin, nakaramdam ng hindi mapigilang lamig ang gwardya. Mukhang naiintindihan niya kung anong nangyayari, pero nanatili ang mayabang ng tingin sa kanyang mukha. Matigas ang ulo niyang tumayo at naglakad patungo sa pasukan ng kulungan. Hinawakan ng grupo ng mga gwardya ang kadenang ihinanda nila. Nag-isip sila ng matagal, tapos ay inilagay ito sa likod nila. Nagtinginan muna sila bago maayos na sumunod.

Ang kasing puti ng nyebe na kasuotan ng binata ay nahihila sa lupa, ikinakalat ang maduming alikabok na nandito, dahilan upang mapunta ito sa kanyang puting bota na gawa sa balat ng usa. Isang gintong dragon, na para lamang sa mga royal family ang nakaburda dito. Sa ilalim ng repleksyon ng pang-umagang araw, nagiging kapansin-pansin ito. Kahit sa nakakaawang sitwasyon na ito, nanatili pa rin itong kapansin-pansin. Parang bang sinasabi nito na ang angkan ng Yan Bei ay parte ng Xia Empire kahit anong mangyari.

Dumaloy ang hangin sa mahaba at madilim na daanan, dala nito ang sariwang hangin sa labas at ang tagos sa butong lamig.

Isang kamay ang biglang lumabas sa pagitan ng harang sa kulungan. Ito ay maputla at mapayat, parang isang makinis na porselana. Binibigyan nito ang mga tao ng malaking kuro-kuro na mababali nila ito sa konting lakas. Ngunit, itong kamay na ito mismo ang humarang sa daanan ng lahat sa pagkapit sa paa ni Yan Xun, nakahawak sa pantalon nang mahigpit, determinadong hindi bumitas.

"Anong ginagawa mo? Pagod ka na bang mabuhay?" isa sa mga gwardya ang nagalit, lumapit at sumigaw.

Tumingin sa likod si Yan Xun at tinitigan ang gwardya. Ang kanyang ekspresyon ay malamig at seryoso, pinipigilan ang mga susunod pang sasabihin ng gwardya. Naningkayad ang binata at hinawakan ang payat na daliri ng bata. Sumimangot siya at napatingin sa mahinang bata/ nagsalita siya sa mababang tono, "AhChu, wag ka na gumawa ng gulo."

"Binali mo ang pangako mo!" Chu Qiao, may maliwanag na tingin sa mga mata, ang matigas ang ulong tumingala at sinabi, "Sabi mo hindi mo ako iiwan."

Napasimangot si Yan Xun. Sa paninirahan sa capital, kung saan ang sentro ng kapangyarihan, sa mahabang panahon, ay naramdamang hindi masusunod ang mga naisip niya nang makita ang mga gwardya ng imperyo. Mga bagay na hindi niya alam ang maaaring nangyari, kung saan wala na sa kontrol niya. Mahirap hulaan kung mabuti o masama ang nangyari. Paano niya mahahayaang mapahamak siya pag dinala niya ito? Napakunot ang noo ng binata at sinabi sa malalim na boses, "Hindi kita iiwan. Matiyaga kang maghintay sa pagbabalik ko."

"Hindi ako naniniwala sayo," matigas na ulong sagot nito, na hindi man lang niluwagan ang hawak sa paa nito. "Isama mo ako."

Isa sa mga gwardya ang nagalit, at sumigaw, "Ang tapang na alipin!"

"Ang lakas ng loob mong tawagin siyang alipin!" malakas na lumingon si Yan Xun, matalas na tumingin sa sundalo at malamig na nagsalita, "Kailan pinayagan ng batas ng royal empire na ikaw, isang mababang tao, ang sumigaw ng ganyan sa harap ko?"

Ang mukha ng gwardya ay agad na namula. Ang ibang gwardya sa harap niya ay pinigilan siya, takot sa kung anong hindi maayos na maaari niyang magawa dahil sa galit. Hindi siya pinansin ni Yan Xun. Ibinalik niya ang tingin sa maputlang mukha ng bata. Napasimangot siya, at idinagdag, "AhChu, makinig ka sa akin. Para rin ito sa ikabubuti mo."

"Isama mo ako kung para ito sa ikabubuti ko." Tumingala si Chu Qiao at mahigpit na hinila ang pantalon ng binata. Kasama ang hindi mababagong tigas ng ulo, matatag niya itong inulit, "Isama mo ako."

Mabilis na lumipas ang oras. Ang hangin ay umihip sa harap ng mga mata nila. Ang atensyon ng binata ay nakatitig sa mga mata ng bata, nakakakita ng matalas, at desididong liwanag dito. Alam niya na sa karunungan nito, alam ng alam ng bata ang mga panganib na mangyayari. Iginalaw ng binata ang labi niya, naghahandang magsalita, pero napigilan ng determinadong tingin ng mga mata nito. Pagkatapos ng ilang minuto, tumayo si Yan Xun. "Buksan ang pinto." Ang sabi niya sa gwardyang nasa likod niya.

"Prince Yan, ikaw lamang ang hinihingi ng royal decree..."

Bago pa matapos ng gwardya ang kanyang sasabihin, tumalikod si Yan Xun at malalaki ang hakbang na bumalik sa kanyang selda, at malamig na sinabi, "Eh di dalhin niyo ang katawan ko pabalik sa Sheng Jin para kwestyunin."

Nagdiskusyon ang mga gwardya nang matagal, bago walang magawang binuksan ang pinto ng selda ni Chu Qiao. Pagkatapos ng lahat, isa lamang siyang maliit, at mababang tagasilbi.

Maliwanag sa labas. Tumakbo sa harap ng lahat si Yan Xun at hinawakan ang kamay ng bata, hindi hinahayaang maitali siya. Ang binata ay may desididong tingin sa mata nito. Tinignan niya ang bata na mas maliit sa kanya ng isang ulo, at malalim na sinabing, "natatakot ka ba?"

Tumingala si Chu Qiao, makikita ang ngiti sa kanyang mukha. "Hindi."

Ngumiti si Yan Xun, naglalakad palabas ng kulungan hawak-hawak ang kamay ni Chu Qiao.

Sa labas ng kulungan, mga sundalong nakasuot ng baluti ang maayos na nakalinya, ang mga espada ay mataas sa kanila. Nasa repleksyon ng baluti nila ang puting nyebe; ang makikita ay nakakasilaw. Ang mga sundalo ay nakatayong mabuti sa kanilang hanay na may taimtim na tingin sa kanilang mukha, na parang inaasahan nila ang pagsugod ng malaking pwersa ng kalaban. Malayong nakatayo ang mga sibilyan sa labas perimeters, tumitingkayad upang masilip kung anong nangyayari. Nang makita nila, puno ng gulat at takot ang mga mata nila.

Sino ang taong may kailangan sa royal guards ng Sheng Jin palace para maging personal escort nito?

Dumaan ang hangin sa buong kalupaan. Puting mga agila ang lumipad sa madilim, at maulap na kalangitan ng Zhen Huang, ang may malakas, at tagos-taingang huni. May ilang sibilyan ang tumingala; sa isang iglap, para bang narinig nila ang unang tunog na naghuhudyat sa pagbagsak ng imperyo ng Xia.

Ang kulungan sa capital ay nahahati sa silangan at kanlurang rehiyon. May dalawang daan papalabas sa kulungan. Ang silangang daan ay papunta sa pinaka kalye ng Jiu Wai, kung saan dumadaan ang mga bilanggo para pakawalan o ipatapon. Ang kanlurang daan ay patungo sa Jiu You Platform, kung saan ibinibigay ang hatol na kamatayan.

Walang makikitang karwahe ng bilanggo, walang court trials, sentensya, o nagtangkang beripikahin ang identidad. Bagkus, nag-iisang itim na pandigmang kabayo ang nakatayo sa harap ng pinaka gate ng kulungan. Ito ay well-built at masayang umingit nang makita si Yan Xun, ang amo nito. Mapanglaw na ngumiti ang binata, hinimas ang ulo ng kabayo at isinakay sa likod si Chu Qiao bago siya sumakay. Sumulong ang kabayo sa kalye ng Zhu Wu kasama ang mga tao. Habang nasa daan, maraming mga sibilyan ang nagpumilit na makita ang nangyayari, sumusunod sa likuran at naglalakad patungo sa Jiu You Platform.

Ang maitim na ulap sa kalangitan ay makapal. Ang bayolenteng hangin ay sumasalubong sa dalawang bata. Binuksan ni Yan Xun ang harap ng kanyang roba, at binalot ang maliit na katawan ni Chu Qiao sa loob nito, tanging ulo lang ang makikita.

Tumalikod si Chu Qiao at tumingin sa gwapong mukha ng binata. Ang itsura ng kanyang mga mata nya ay malinis. Tumingin sa kanya si Yan Xun, ngumiti, at hinawakan ng mahigpit ang kamay sa loob ng roba.

Hindi nila alam kung ano ang balak ng kapalaran sa kanila. Ang mga bagyo sa mundong ito ay sobrang laki; ang magagawa nalang nila ay matigas ang ulong tumingin, sumuray-suray na humakbang pasulong sa mabigat na bugso ng bagyo.

Dong, lahat kasamang naglakad sa pinaka kalye ay napatigil, nakatingin sa bundok ng Ya Lang sa Eastern Hongchuan Plains. Mabibigat na tunog ng orasan na hinahampas ang maririnig galing sa Sheng Jin palace na Cheng Guang Temple. Sa makatuwid, mayroong saktong tatlumput anim na tunog.

Biglang namutla si Yan Xun. Naramdaman ni Chu Qiao na nanginginig ang kamay na nakahawak sa kanya. Napataas ang kilay at tinignan si Yan Xun na naguguluhan. Ngunit, walang sinabi ang binata.

Sa tradisyon ng royal empire, kapag pumanaw ang emperor ng Xia, kailangang hampasing ang orasan ng apatnapung-limang beses bilang tanda ng respeto. Pag nahampas ng tatlumput-anim na beses ang orasan, tanda ito na may namatay ng myembro ng royal family.

Ang dugo ng royal family ng Xia Empire ay dumadaloy sa kanya. Maraming taon ang nakakalipas, nagbigay siya ng respeto sa mga Zhao ng royal family. Malamig siyang ngumiti, napaisip sa sarili, kung ano ang dumating ay babalik din. Oras na para harapin ang tugtog.

Nakahilera ang mga bandila papunta sa Jiu You Platform, purong gawa sa black cymbidium stones, ang nakatayo sa patag na lupa. Ang repleksyon ng puting nyebe sa kulay itim na lupa ay ginawang mapangalw ang pakiramdam.

Bumaba ng kabayo si Yan Xun at naghandang umakyat sa plataporma. Sa pagkakataong ito, isang nasa katamtamang gulang na lalaki na may suot ng uniporme ng opisyal ang lumapit sa kanya at sinabing, "Prince Yan, dito po tayo."

"General Ming Tian?" bahagyang napataas ng kilay si Yan Xun, tinitignan ang direksyon na tinuturo ng lalaki. Nagtanong siya, "hindi ba dapat ay doon ako nakaupo?"

"Sa utos ng Sheng Jin Palace, doon po kayo mauupo Prince Yan.

Tinignan ni Yan Xun ang execution seat sa tabi ng plataporma. Kung ang royal na papatayin ngayon ay hindi siya, sino kaya ito?

"kung gayon, ay susundin ko ito." Tumalikod ang binata at umakyat sa execution platform sa ikinagulat ng lahat, umupo ito sa execution official seat. Sa tabi niya ay nakatayo ang mga opisyal galing sa Elder's court. Ang kagwapuhan ng binata ay kapansin-pansin. Ang kanyang itsura ay kasing lamig ng yelo, walang pagkabalisa o kalungkutan.

Mabagal na lumipas ang oras. Walang bilanggo ang makikita sa dirsyon ng kalye ng Zhu Wu. Sa isang iglap, maririnig ang malakas na mga dagundong. Ang maharlikang Zi Jin Gate ay marahang bumukas. Ilang malalakas na tao mula sa Elder court, ang hukbo ng mga labas na royal na pamilya, at ang madirigma mula sa Military Hall ang lumabas. Kahit si Zhuge Huai at Wei Jing ay kasunod sa likod kasama ang pamilya nila, at inukopa ang upuan sa observation stand.

Maputla ang itsura ni Wei Jing. Ang mga kamay ay nasa kanyang bulsa, itinatago ang kahit anong nagsasabi ng kanyang sugat. Matalim siyang tumitig kay Chu Qiao, na nagtatago sa likod ni Yan Xun. Nang makita ito ni Yan Xun, ay tumalikod at tinignan si Wei Jing. Ang kanilang tingin ay dumidiklap sa ere. Malamig siyang ngumiti, tapos ay nagpatuloy na magkunwaring walang nangyari. Ibinalik ang natural na tindig, isang kalmadong itsura sa kanilang mga mukha.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C32
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login