Download App
87.6% Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 869: Ikaw ang Mali

Chapter 869: Ikaw ang Mali

Editor: LiberReverieGroup

"Hindi ka dapat ipinanganak!" Malupit na pinandilatan nito si Xinghe. Ang tingin niya ang pinaka nakakadiri at malupit na tingin na naranasan ni Xinghe sa buong buhay niya. "Wala kang karapatang mabuhay sa mundong ito dahil ang pagkabuhay mo ang nag-iisa at tanging pagsisisi ni Xia Wa sa buhay. Kung alam ko lamang na nagkaanak siya sa Earth, nasira ko na sana ito ng walang pagdadalawang-isip. Nararapat sa iyo ay kamatayan, dahil sinira mo siya! Ang isang tulad mo ay hindi kwalipikado para manahin ang dakila niyang legacy!"

"Kung hindi ako kwalipikado, kung gayon ay sino?" Tumawa si Xinghe. Hindi siya nagalit sa mga salita nito, kahit katiting man lamang.

Nababaliw na sinabi ni He Lan Yuan, "Ang anak ko, siyempre! Tanging ang sarili kong anak ay kwalipikado para manahin ang kanyang legacy dahil siya at ako ay mga superhuman. Maliban sa akin, wala ng tao ang nararapat para sa kanya. Sino ang iyong ama? Papatayin ko siya! Sinira niya ang pinakamahusay kong gawa; hindi ko siya mapapatawad kahit na mamatay ako!"

"Ikaw?!" Nanghahamak na tumawa si Xinghe habang isang kasing lamig ng yelo na awra ang pinakakawalan ng katawan nito. "Ikaw lamang ang kwalipikadong maging kapareha niya? Nabanggit mo pa ang pinakamalaking pinagsisisihan niya sa buhay. Hindi mo ba naisip na, marahil, ikaw ang kanyang pinakamalaking pinagsisisihan sa buhay?"

"Ano ang sinabi mo?" Hayagang pinandilatan ni He Lan Yuan si Xinghe na tila isang leopard na handang umatake.

Inulit ni Xinghe ang sarili, "Ikaw ang pinakamalaki niyang pagsisisi sa buhay, kaya naman gusto niyang mawala ka, para sirain ang lahat ng pinaghirapan mo!"

Natigilan si He Lan Yuan, nakatitig kay Xinghe ng nakanganga. Sinabi niya na nais ni Xia Wa na mawala siya? Paano iyon naging posible?

"Nagsisinungaling ka sa akin!" Kalmadong muli si He Lan Yuan, pero ang mukha nito ay nakakatakot pa din. "Ibinigay ko ang lahat ng mayroon ako para maging bihasa siya. Ginawa ko ang lahat para sa kanya, trinato ko siya ng maigi, at ako na halos ang nagpalaki sa kanya. Ako ang kanyang confidant; ako ang lahat ng mayroon siya. Bakit niya nanaising tapusin ako, ang taong nais niyang mawala ay ikaw sapagkat ikaw ang kanyang pinakamalaking pinagsisisihan sa buhay!"

Lalong natataranta si He Lan Yuan habang pinipilit nitong kumbinsihin ang sarili kaysa kay Xinghe. Patuloy itong tumatango, habang sinasabi na, "Oo, ako ang lahat ng mayroon siya, at ikaw ang pinakamalaking pinagsisisihan niya. Dapat ay wawasakin ka na niya, oo, ikaw…"

"Pero ang nawawasak sa ngayon ay ikaw," paalalang muli sa kanya ni Xinghe. Nanigas sa kinatatayuan si He Lan Yuan habang nagpatuloy si Xinghe, "Paano mo pa maipapaliwanag ang katotohanan na nagawa kong sirain ang lahat ng naitayo mo?"

Mabagal na itinaas ni He Lan Yuan ang kanyang mukha, ang kulubot nitong mukha ay nanginginig. Ang mga mata nito ay malikot din. Ang isang taong may talino ng tulad sa kanya ay alam kung ano ang pinatutungkulan ni Xinghe.

Ang satellite control system at base defense system niya ay dinisenyo ni Xia Wa. Tanging siya lamang ang mkakahack sa sistema ng madali. Kaya naman, siguro ay iniwanan niya kay Xinghe ang paraan para gawin iyon; siya ay… ninais na wasakin siya.

Nagsimula ding mangatal ang mga labi ni He Lan Yuan. Dapat ay naisip na niya iyon ng biglang nakuha ni Xinghe ang kontrol sa kanyang mga satellite. Dapat ay napagtanto na niya ang relasyon ni Xinghe kay Xia Wa noon…

Ito ay dahil sa hindi niya matanggap ang katotohanan na patuloy siyang nagsisinungaling sa kanyang sarili. Bakit niya ako tatraydurin?

"Imposible, wala siyang dahilan para gawin ito sa akin, imposible…"


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C869
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login