Tumawa si Ginang Chu. "Siyempre masaya ako para sa iyo. Nag-aalala nga ako dahil ang mood mo ay hindi naging maganda sa mga nakaraang linggo."
Ipinalupot ni Tianxin ang kanyang kamay sa braso ng kanyang ina at sumagot ng nakangiti. "Paumanhin kung pinag-alala kita pero ayos na ako ngayon dahil may nalaman ako."
Nataon naman na pumasok si Ginoong Chu noon. Nagtanong ito ng may nag-uusisang ekspresyon, "Ano ang pinag-uusapan ninyong dalawa? At ano ang eksaktong nalaman mo, Tianxin, na nagpasaya sa iyo?"
"Oo nga, Tianxin, ano ba iyong nalaman mo?" Dagdag ni Ginang Chu, sabik na marinig sa anak na sabihin nito na, Nalaman ko na hindi ko na kailangan si Xi Mubai sa buhay ko, makakahanap ako ng mas maigi pa kaysa sa kanya!
Kaya naman, napasimangot siya ng sumagot si Tianxin, "Napagtanto ko na ang kinabukasan ay maaari pang magbago. Sigurado ako na babalikan din ako ni Mubai balang-araw."
"Tianxin, bakit ba nakatutok ka pa din sa kanya? Hindi maganda ang trinato niya sa iyo…"
"Mum, hindi ko siya susukuan!" Binawi ni Tianxin ang ngiti nito at sinabi ng may determinasyon.
Biglang tumawa si Ginoong Chu. "Mabuti ang sinabi mo, isa ka talagang anak ng Chu Family! Tama ka, kailangan mong ipaglaban ng husto ang mga bagay na gusto mo! Tianxin, kakampi mo ang Daddy mo dito!"
"Daddy, huwag kang mag-alala, siguradong magiging akin siya," dagdag ni Tianxin na may tusong ngiti.
Eh ano naman kung mahal ni Mubai si Xia Xinghe? Ang b*tch na iyon ay wala na kundi pagkain ng mga aso ngayon!
Ngayong wala na ang kakumpetensiya ko, magiging akin din siya sa susunod!
Sa oras na iyon, isa sa mga katulong ang nagmamadaling magsabi, "Miss, narito si CEO Xi, sinabi niyang gusto ka niyang makita."
"Xi Mubai?!" Masayang napalundag mula sa sofa si Tianxin, ang kanyang mga mata ay nangingislap pagkarinig sa pangalan ni Mubai. "Kung ganon, ano pa ang itinatayo-tayo mo diyan? Papasukin mo na siya!"
Nagtataka si Ginang Chu. "Bakit bigla tayong bibisitahin ni Mubai?"
Ang kaparehong pagtataka ay makikita sa mukha ng kanyang asawa.
Wala ng pakialam pa si Tianxin kung bakit ito naroroon basta ba makikita niya ito.
Tumatakbong nilagpasan pa nga niya ang katulong para buksan ang pintuan para batiin ito.
Nang buksan niya ang pinto, nakita niya si Mubai na nakatayo sa likod ni Xinghe na nakaupo sa wheelchair.
Sa ilalim ng ilaw ng balkonahe, napatunganga si Tianxin kay Xinghe ng nanlalaki ang mga mata. Ang hindi pagkapaniwala ay makikita sa mukha nito!
Naningkit ang mga mata ni Xinghe sa kanya at sarkastikong nagtanong, "Nasorpresa ka bang hindi ako patay?"
Hindi ba't dapat ay patay na si Xia Xinghe? Ano ang ginagawa niya dito?
Pero tahimik na nakabalik sa pag-iisip si Tianxin at sumagot ng pauyam, "Ano ang ibig mong sabihin? Pero hindi na ako masosorpresa kung makikita kitang patay balang araw."
"Siyempre, hindi ka na magtataka kung may kinalaman ka doon."
"Xia Xinghe, ano ang ibig mong sabihin doon?!"
Ang pagkabalisa at kaba sa puso niya ay lumabas at naging galit.
"Tianxin, bakit ang tagal mo?" Tanong ni Ginang Chu mula sa likuran ni Tianxin.
Naging mapanuya ang kanyang mukha sa oras na nakita niya si Xinghe. "Sino ang nagpapasok sa kanya sa bahay ko? Hindi siya nararapat na makatapak sa sahig ng bahay ko! Itapon siya palabas!"
Nang kumilos ang isang katulong palapit matapos ang ilang hesitasyon, isa sa mga bodyguard ni Mubai ang humarang sa daan nito ng may nakakasindak na presensiya.
Napaatras sina Tianxin at ang nanay niya. Kahit na wala silang ideya kung ano ang ginagawa ng mga ito doon pero halata naman na hindi ito bumisita doon ng may pagkagiliw.
"Ano? Akala ninyo makakapunta kayo ng ganoon na lang sa bahay ko?!" Sigaw ni Ginoong Chu habang lumalapit ito. Mabalasik niyang tiningnan si Mubai, nilalayon na sikilin ito gamit ang katauhan bilang nakatatanda kay Mubai. "Xi Mubai, ano ang ibig sabihin nito? Gaano ka kapangahas na tratuhin ng ganito ang mga mas matanda sa iyo?"
Walang emosyong sumagot si Mubai, "Isa lamang itong hindi pagkakaunawaan. Siyempre, hindi kami sosobra at lalampas sa linya."
Dahil nararapat namang talaga ang pagganti.
Mukhang hindi alam ni Ginoong Chu kung ano ang ginawa ng anak niya dahil iniisip talaga niya na takot si Mubai sa kanya. Mayabang nitong klinaro ang lalamunan.