Download App
21.67% Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 215: Natapos na ni Ruobing ang Disenyo

Chapter 215: Natapos na ni Ruobing ang Disenyo

Editor: LiberReverieGroup

Hindi na nag-abala pang sumagot si Old Madam Xi pero ang kanyang manugang ang sumagot, "Sa walang partikular na dahilan, tulad ng pagpapalayas mo kay Ruobing ng walang dahilan, pinapaalis ka na din namin ngayon! Ang hayaan kang manatili sa lab ay isang pagsasayang ng oras at mga kagamitan. Kaya, huwag mo nang isipin na makakatuntong ka pa sa lab muli; ipinagbabawal ka na doon ng habambuhay!"

Matagal ng naghihintay na maturuan ni Ginang Xi si Xinghe ng leksiyon kaya hindi na siya nagpigil pa na pagalitan si Xinghe.

Ang pares ng maiitim na mata ni Xinghe ay diretsong tumitig kay Old Madam Xi. "Dahil lamang doon?"

Sinalubong ni Old Madam Xi ang pagtitig. "Natapos na ni Ruobing ang pinakamainam na disenyo kaya wala ka nang silbi pa."

Lumipat ang tingin ni Xinghe kay Ruobing…

Matagumpay na ngumisi si Ruobing, "Tama iyon, natapos ko na ang disenyo. Ngayon, naghihintay na lamang ako na mayari ito. Kaya naman, hindi ka na kailangan."

"Natapos mo ang disenyo?" May pagsususpetsang tanong ni Xinghe, "Nang walang tulong mula sa iba?"

"Xia Xinghe!" Mukhang may tinamaan ang mga salita ni Xinghe kaya nagalit si Ruobing sa kanya, "Ano ang pinalalabas mo? Na ikaw lamang ang makakakumpleto ng disenyong ito at wala ng iba pang makakagawa nito? Huwag mo akong patawanin! Maraming mga tao na mas mahusay sa iyo kaya huwag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili!"

Bahagyang tumango si Xinghe. "Tama ka. Maraming tao nga na mas mahusay sa akin pero siguradong hindi ka isa sa kanila!"

"Ikaw—" ang mukha ni Ruobing ay hindi maipinta, hindi inaasahan na iinsultuhin siya ni Xinghe ng harapan.

"Xia Xinghe, sumosobra ka na. Huwag kang mainggit kay Ruobing dahil sa mas nauna niyang natapos ang disenyo kaysa sa iyo," galit na sabat ni Tianxin kay Xinghe.

Napasimangot sa disgusto si Old Madam Xi. Hindi naman siya laban kay Xinghe pero hindi naman siya tagahanga nito.

Pero ngayon, nagsisimula na niyang ayawan si Xinghe.

"Xia Xinghe, masyado kang mayabang. Ginugol ni Ruobing ang maraming taon sa pananaliksik niya kaya normal na sa kanya ang makumpleto ang proyekto, hindi tulad mo na nangako ng resulta sa loob ng isang buwan kahit na wala kang karanasan sa larangang ito! Pinapayuhan kita na umalis ka na bago mahuli ang lahat o baka matikman mo pa ang galit ko!"

Bahagyang ngumiti si Xinghe, ang kanyang tingin ay mas naging matalim ng ilang anggulo. "Tama si Madam Xi. Gumugol nga si Ruobing ng maraming taon sa kanyang pananaliksik at mas maraming karanasan kaysa sa akin. Pero nagtataka ako, paano niya biglang natapos ang kaniyang disenyo sa pagkakataong ito habang literal na zero pa ang kanyang progreso sa mga taong nagdaan bago rito?"

Lalo na ang sariling disenyo ni Xinghe ay halos kumpleto na.

"Xia Xinghe, ano ang ibig mong sabihin diyan?" Ang tinig ni Ruobing ay kasing lamig ng taglamig. "Malapit ko nang matapos ito ng ang bigla mong pagsulpot ang sumira dito!"

"Iyan ba talaga o ang bigla kong pagsulpot ang tumulong sa iyo na matapos iyon?"

"Ikaw…" nanlaki ang mga mata ni Ruobing hindi dahil sa galit, kundi sa pagkabigla.

Tinitigan siya ni Xinghe. "Dahil natapos mo na ang disenyo, kaya mo bang ipakita ito sa akin?"

Kinalma ni Ruobing ang sarili at ngumisi, "Ipakita sa iyo? Para ano? Para gayahin mo?"

"Xia Xinghe, ang pinakamahalaga ay natapos ni Ruobing ang disenyo, kailangan mong tanggapin ang katotohanan na ito! Ibig sabihin nito ay ang kontrata mo sa amin ng Xi Family ay wala ng bisa pa, hindi ka na kailangan, syempre ibig sabihin nito ay hindi mo na makikita pa ang apo ko kahit kailan," matagumpay na sabi ni Ginang Xi.

"Tama si Auntie. Ang disenyo ni Ruobing ang pinakamainam na nakita ko," tumatangong sang-ayon ni Tianxin.

"Security, paalisin na ninyo siya," mas direkta si Old Madam Xi.

Isang security ang nagmamadaling pumasok sa silid at sinabihan si Xinghe nang may malamig at walang pusong na ekspresyon, "Miss Xia, sumunod po kayo sa akin!"

Sinulyapan ni Xinghe ang silid na puno ng mga babae. Imbes na galit o inis, mababanaag ang pang-uuyam at pagkasuklam doon.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C215
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login