Download App
52.97% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 1201: Inakit ang buong mundo

Chapter 1201: Inakit ang buong mundo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Malayo ang venue ng banquet sa Little House of Rose, kaya inutusan ni Ye Wan Wan si Xu Yi na buksan ang radyo para hindi siya ma-bore sa kanilang biyahe.

Pinapatugtog sa radyo ang midnight show at binalot ng nakaka-kalamg muksika ang buong kotse.

Hawak ni Ye Wan Wan si Tang Tang habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Si Ye Han, ine-enjoy niya ang bukod tanging kapayapaan.

Ang mga ugat niya ay matagal nang mahigpit dahil sa stress, pero ngayon ay pwede na siyang mag-relax.

Pagkatapos ng kanta, maririnig ang boses ng host sa radyo.

"Sigurado ako na ang lahat ng tagapakinig ko ay alam ang naganap na Golden Orchid Awards. Kung ikukumpara ito sa nakaraang taon, napunta sa maraming headlines ang ngayong taon na Golden Orchid Awards. Pero, ang pinaka-kuminang ngayong gabi ay hindi ang dalawang Best Actor o Best Actress. Sa halip, ang diyos sa likod ng mga Best Actor at Best Actress ang tunay na kuminang…"

Biglang natauhan si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon.

Eh? Biglang nabanggit ang Golden Orchid Awards sa palabas na pinabukas ko kay Xu Yi, tapos binanggit pa ako...

Biglang umupo ng diretso si Ye Wan wan upang pakinggan ang host na humahanga sa kanya.

"Ang diyos sa likod nila ay ang manager nila Luo Chen, Gong Xu, at ng bagong Best Actress na si Jiang Yan Ran- ang manager nila na si Ye Bai! Hindi ako sigurado kung napanood ng lahat ng tagapakinig ang live broadcast ng Golden Orchid Awards, pero ako, si Xiao Xiao, ay napanood ito. Hindi siya masyadong pinakita sa screen pero hindi ko inasahan na ang misteryosong manager na ito ay sobrang gwapo pala! Hindi malayo ang itsura niya sa dalawang Best Actor; kahit ang puso ko ay tinangay niya! Kaya pala binigay ng mga netizens ang titulo na 'Ang Dakilang Grupo ng mga Gwapo't Magaganda' ang Age of the Immortals…"

Ang host na si Xiao Xiao ay mukhang naging fan ni Ye Bai kaya sabik itong nagpatuloy, "May isa pang pasabog na balita na galing sa oven! Hindi lalaki si Ye Bai! Siya ay isang babae na nagkunwaring lalaki para mapadali ang trabaho niya, nakakamangha rin ang itsura niya bilang isang babae! Lahat tuloy ng mga babae ay gustong magpa-anak sa kanya habang ang mga lalaki ay pinupuri siya bilang diyosa nila! Ang lakas ng tama niya sa mga babae at lalaki!"

Noong sinabi ng host ang "ang lakas ng tama niya sa mga babae at lalaki," halos gustuhin ni Ye Wan Wan na mamatay at hindi niya sinubukang tumingin sa mukha ni Si Ye Han.

Kinilabutan si Ye Wan Wan nung narinig niya ang host na sinabi, "Kahit ang puso ko ay tinangay niya." Tulad ng inaasahan, lalong naging makasalanan ang mga pinagsasabi ng host...

Lalo na yung huling part...

Inakala niya na nakalayo na siya sa pagsubok, pero hindi niya inakala na mangyayari ito kung kailan relaxed na siya.

Inakala niya na halos 50% ng mga tao lamang ang maaakit niya dahil nagpalit siya ng pangbabae na pananamit, pero bakit na-akit niya rin ang 50% pa?

Nagdasal si Ye Wan Wan na sana hindi napansin ni Si Ye Han ang show, pero sa isang saglit, biglang lumapit sa tenga niya ang boses ni Si Ye Han: "Malakas ang tama sa mga babae at lalaki?"

Ye Wanwan: "…"

Kumurap si Ye Wan Wan at tinitigan niyA ang mukha ni Si Ye Han, ang mukha niya ay nakakatakot na parang isang sirena sa ilalim ng gabi. Huminga ng malalim si Ye Wan Wan at sinabi, "Ano… ano naman kung malakas ang tama ko sa mga babae at lalaki? Ikaw nga naaalit mo ang buong mundo, eh! Wala naman akong nasabi kahit na marami akong karibal sa puso mo! Galit din ako noh!"

Nilipat ni Ye Wan Wan ang paninisi kay Si Ye Han.

Tinitigan ni Si Ye Han ng maigi ang mukha ni Ye Wan Wan at wala itong sinabi, parang may bigla siyang natandaan...

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang mukha ni Si Ye Han at naramdaman niya na may laban siya kay Si Ye Han, kaya lalong lumakas ang loob niya at tiningnan niya ito para hindi siya matalo. "Ano? Mali ba ako?"

Biglang tumingin si Si Ye Han sa inaantok na si Tang Tang sa mga kamay ni Ye Wan Wan.

 Inunat niya ang kanyang kamay at tinakpan niya ang mga mata kay Tang Tang bago siya lumapit kay Ye Wan Wan. Maririnig ang gasgas niyang boses sa tenga ni Ye Wan Wan. "Hindi ko inaakit ang buong mundo…"

Sa isang saglit, bigla niyang tinakpan ang malambot na mga labi ni Ye Wan Wan at binalot niya ito ng kanyang mga halik—

"Ikaw lang… ang gusto kong akitin…"

Ye Wanwan: "…!!!"


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C1201
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login