Download App
50.72% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 1150: Kinakabahan ka ba?

Chapter 1150: Kinakabahan ka ba?

Editor: LiberReverieGroup

Pagkaalis niya ng gusali ng Si Corporation, nagmaneho si Ye Wan Wan patungo sa lokasyon ng Golden Orchid Awards ceremony at nakipagkita siya kay Ye Mu Fan at sa iba nilang mga kasamahan.

Ang Golden Orchid Awards ay isang taunang enggrandeng okasyon sa entertainment industry, kaya malamang ang lahat ng atensyon ay nasa okasyon na ito.

Maraming nanghuhula kung sino ang mga mananalo sa ngayong taong Best Actor at Best Actress, simula noong nilabas ang listahan ng nominasyon sa internet. Marami rin ang nakipagpustahan kung sino ang napili nilang mananalo.

Maraming mga tao ang pumupusta na si Pei Hang ang magiging Best Actor ng taong ito dahil dalawang beses na siyang nanalo ng parangal nito, makikita na siya ay isang tanyag na aktor sa kanyang larangan. Makikita na determinadong manalo ang Emperor Sky dahil inimbitahan nila si Pei Heng sa kanilang pelikula.

Ang pangalawa sa mga sikat na kandidato ay si Jing Wan Qing ng Worldwide Entertainment. Meron siyang mga sikat at mayaman na production crew, at 200-milyong yuan production ang nakasuporta sa kanya. Magkakaiba ang opinyon ng publiko sa kanya, pero maganda ang naging performance niya sa box office.

Isang kakaiba ngunit bagong mukha si Han Yi, na galing Wisdom Media, ang umangat ngayong taon. Maraming mga tao rin ang natutuwa sa kanya.

At para naman sa A Life and Death Struggle nila Luo Chen at Gong Xu, hindi kilala sa industriya ang lahat ng crew, screenwriter at ang direktor. Ang kilala at mahusay na artista lamang doon ay si Han Xian Yu, na supporting role lamang ang ginanapan.

"Mahusay na Magkaibigan" lamang ang tingin ng publiko kayla Gong Xu at Luo Chen.

Sa loob ng kotse, buong biyahe na nakatitig si Gong Xu sa kanyang Weibo. Bigla siyang naging arogante nang mabasa niya ang mga komento sa internet. "Tch, magkaibigan? Props lang ang ibang tao kahit saang lugar pa pumunta ang young master na ito!"

Walang masabi si Luo Chen nang tiningnan niya si Gong Xu.

Hindi niya alam kung arogante ba ang lalaking ito o maliit lamang ang utak niya. Parang hindi siya nakaramdam ng pagkatalo noon...

Tiningnan ni Gong Xu si Luo Chen nang makita niyang nanahimik ito. "Hoy!"

Tiningnan lamang ni Luo Chen, na walang pakialam, si Gong Xu at tila sinabi ng kanyang mga mata: "Ano?"

Niyakap ni Gong Xu si Luo Chen sa may leeg at bumulong siya, "Kinakabahan ka ba?"

Nagulat si Luo Chen at tila nanigas ang kanyang mukha. "Hindi ako kinakabahan."

Napatikom si Gong Xu at makikita na hindi siya nagdududa siya kay Luo Chen. "Tch, huwag ka nang magsinungaling sa akin. Matagal na tayong nag-aaway bati, kaya alam ko ang iniisip mo gamit ang isang tingin ko lamang! Nagtataka lang ako– bakit ka kinakabahan? Tingnan mo ako! Hindi pa rin ako kinakabahan kahit na ininsulto na ako ng sobra-sobra!"

Habang nagmamaneho si Ye Mu Fan, inirapan niya si Gong Xu sa kanyang rearview mirror. "Ano? Mas lumalakas pa ang loob mo kahit na dapat ay nahihita ka?"

"Sinasabi ko ang totoo! Kung gusto mong manatili sa industriyang ito, tularan mo ako na parating naka-angat ang ulo sa mga ulap. Hindi ba't mamamatay ka sa sobrang pagod kung parati mong papansinin ang mga masasamang komento at basura na binabato sayo? Masyado kang nag-iisip, g*go. Napapagod na ako sayo," bulong ni Gong Xu.

Biglang natuwa si Luo Chen.

Alam niya na intensyon ni Gong Xu na pakalmahin ang puso niya.

Malaking krisis ang kinakaharap ng kumpanya ngayon. Masyadong mabigat ang seremonya ngayong taon, kaya mabigat ang puso niya sa pressure na nararamdaman niya dahil dito.

Tama si Gong Xu– kinakabahan nga siya. Ngayong lang siya kinabahan ng ganito.

Ilang gabi na siyang walang tulog dahil sa insomnia. Hindi siya nakahinga ng maayos nang maisip niya ang pagkakataong baka mabigo niya ang mga ekspektasyon sa kanya ni Brother Ye at baka malugi na ang kanilang kumpanya hanggang sa tuluyan na itong magsasara.

Magkaiba ang personalidad niya kumpara kay Gong Xu. Malaki ang ulo ni Gong Xu at wala siyang pakialam sa opinyon ng ibang tao, ngunit iba sa kanya si Luo Chen. Kapag may kahit anong nangyari, lagi niyang iniisip kung ano ang ginawa niyang mali. Matagal siyang malulungkot sa tuwing makakakita siya ng kahit isang kritisismo sa kanya sa internet.

Ang pinaka nahihirapan siya ay ang katakutan. Natatakot siya na baka sumama sa kabiguan niya ang ibang tao dahil hindi siya magaling.

Binuksan ni Luo Chen ang Weibo sa kanhang phone at nakita niya na ang mga komento sa kanyang mga posts ay mga taong nang-iinsulto kay Gong Xu. Marami sa mga komento ay nagsasabi na sinasama lang ni Gong Xu sa kabiguan si Luo Chen at malaki sana ang tsansang manalo ni Luo Chen dahil sa kanyang acting skills.

Tinitigan ng matagal ni Luo Chen ang mga komentong iyon bago siya nagbukas ng page para gumawa ng bagong post. Dahan-dahan siyang nag-type bago niya ito pinost.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C1150
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login