Tinitigan ni Professor Li ang mukha ng lalaki at kusa niyang nilayo ang litrato ng kanyang anak at wala na siyang kasunod na sinabi pa. Nagtataka niyang tiningnan si Ye Wan Wan at sinabi. "Wan Wan, siya ay si…?"
Biglang tinakpan ni Ye Wan Wan ang kanyang mukha at wala siyang magawa kundi magpaka-totoo sa kanya, "Ahem, Professor Li… siya po ang… ang boyfriend ko…"
Professor Li: "…"
Ito ba ang sinasabi niya na "Mas gusto niya ng pangit"?
Masyado na bang malakuma ang beauty standards niya dahil matanda na siya?
Walang masabi si Ye Wan Wan at hindi niya tiningnan sa mata si Professor Li.
Bakit nandito ka?! Kakasabi ko lang na mas gusto ko ng pangit, tapos biglang dumating si Si Ye Han...
Binugbog ng kahihiyan ang imahe ko...
"Um, Professor Li, kung wala nang kailangan pa pag-usapan, aalis na rin po kami!"
Pagkasabi nito ni Ye Wan Wan, mabilis niyang hinila si Si Ye Han at tumakbo sila papalayo.
Hindi napanatag ang saloobin ni Ye Wan Wan hanggat hindi sila malayo o hanggat nakikita pa rin niya si Professor Li.
Gayunpaman, habang kumakalma ang kanyang damdamin, biglang umangat ang kakaibang pakiramdam sa kanyang utak.
Maririnig ang malalim na boses ni Si Ye Han malapit sa kanyang tenga. "Mas gusto mo ang pangit?"
"Uh…"
"Mas ligtas ka sa kanila?"
Napalunok na lamang si Ye Wan Wan at sumagot siya, "Imposible!!! Sinabi ko iyon kasi nirereto ako ni Professor Li sa kanyang anak na gwapo raw. At tsaka, hindi niya ako pinapaniwalaan noong sinabi ko na may boyfriend na ako. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko, kaya naisipan ko na gumawa ng excuse na mas gusto ko ang mga pangit na lalaki!"
Pagkatapos ay pinakita ni Ye Wan Wan ang selfie ng kanyang phone sa mukha ni Si Ye Han. "Tingnan mo nga ang sarili mo, alam mo na hindi totoo ang sinasabi ko kay Professor Li at sinabi ko lang iyon para lokohin siya! Pero bigla kang dumating noong sinabi ko iyon sa kanya! Halos nabugbog sa kahihiyan ang imahe ko!"
Biglaang kumibo ang labi ni Si Ye Han. "..."
Mabilis na iniba ni Ye Wan Wan ang usapan nang makita niyang kalmado na si Si Ye Han. "Oo nga pala, bakit biglaan kang naparito?"
Tiningnan siya ni Si Ye Han bago niya binigay ang bouquet ng mga rosas. "Congratulations sa pag-graduate mo."
"Ah…" tinitigan ni Ye Wan Wan ang bouquet ng bulaklak at nagulat siya. Natuwa siya sa kabutihan na ito. "Para sa akin… ang mga bulaklak na ito?"
Tiningnan siya ng patagilid ni Si Ye Han. "Para kanino pa ba ito?"
Kumurap at agad na kinuha ni Ye Wan Wan ang mga bulaklak sa kanyang mga kamay. "Akin, akin, sa akin ang mga ito!"
Na-surpresa talaga siya. Hindi niya inasahan na magbabago pala ang EQ ni Si Ye Han!
"Pumunta talaga kayo dito… dahil ngayon ang graduation ko?" Tanong ni Ye Wan Wan.
Medyo awkward ang itsura ni Si Ye Han at nilayo niya ang kanyang tingin kay Ye Wan Wan. "Oo."
Niyakap ni Ye Wan Wan ang bouquet ng rosas at mabilis na nawala ng lungkot niya dahil sa graduation. "Akala ko mag-isa lang ako sa graduation ko… Salamat, Ah-Jiu…"
Hindi naiwasang mamangha ni Si Ye Han sa mainit na ngiti ng babaeng ito, maihahalintulad siya sa init ng araw tuwing summer habang hawak niya ang mga bulaklak...
Masayang sinundan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han patungo sa kotse.
Pagkabukas ni Si Ye Han ng pintuan ng kotse, nakita ni Ye Wan Wan si Tang Tang na nakaupo sa likod at mas lalo siyang nasurpresa. "Baby Tang Tang!!!
May hawak na malaking cake si Tang Tang sa kanyang mga kamay. Tuwang-tuwa siya nang makita niya si Ye Wan Wan. "Mommy! Congratulations sa graduation mo!"
Gusto sanang sumugod ng bata sa yakap ni Ye Wan Wan, ngunit pina-alalahanan siya ni Si Ye Han, "Ingatan mo ang cake, Tang Tang."
Doon lamang natandaan ni Tang Tang na may hawak pala siyang cake at kailangan niyang umupo ng maayos.
Hm, pinagsisisihan ko na mas pinili kong hawakan ay cake kaysa sa mga rosas...