Download App

Chapter 931: Hen-pecked brother

Editor: LiberReverieGroup

Natapos na ang first dance.

Ang lahat ng dumalo na nasa entertainment industry ay may kalaaman kung paano timbangin ang mga salita ng mga tao at mag-obserba sa kanilang mga kilos. Sa pagkakataon na iyon, may isang magandang babae na lumapit kay Ye Mu Fan.

"Gusto mo bang sumayaw, Mr. Ye?"

Tiningnan siya ni Ye Mu Fan at biglang lumiwanag ang kanyang mga mata.

Ang mga artistang dumalo ay mga A-listers at mas mataas pang artista ng Emperor Sky, tulad ng babaeng nasa harapan niya ngayon. Siya ang pinakabagong promoted na A-lister blossoming flower - naging isang sexy na artista at naging goddess rin sa napakaraming lalaki.

Tsk, okay itong chicks na ito, huh. Ang score niya sa akin ay eight kahit na maselan at mataas ang standards ko...

Sumagot nang walang pag-aalangan si Ye Mu Fan, "Syempre naman…"

Napansin ni Ye Wan Wan ang babae na lumapit kay Ye Mu Fan, hinigop niya ang kanyang inumin at tiningnan niyang patagilid si Ye Mu Fan.

Kinilabutan si Ye Mu Fan nang makita niya si Ye Wan Wan; nag-iba ang mga salita na nasa bibig niya. *cough* "Isang karangalan na makasayaw ka, pero pasensya na. Naging abala ako nitong mga nakaraang araw at medyo magulo pa ang isip ko, baka magalit sa akin si Miss Yin!"

Simula noong siniwalat ang skandalo ni Shen Meng Qi, natatakot si Ye Wan Wan na baka bumalik si Ye Mu Fan sa kinaugalian niya na walang kwentang malanding tao. Kaya sinabihan niya ito na hindi na siya pwedeng uminom ng alak at magpasarap sa mga kinaugalian niyang buhay. Ang importante sa lahat, hindi siya pwedeng magkaroon ng relasyon sa kahit sinong babaeng artista.

Mabait si Ye Mu Fan dahil walang babaeng artista ang Age of Immortals, pero kapag nasa Emperor Sky siya. Para siyang lobo na nasa kumpol ng mga tupa, kaya inoobserbahan siya ng maigi ni Ye Wan Wan.

"Ganoon ba… baka may tsansa pang magkita tayo sa susunod!" Naintindihan naman ng magandang babae na hindi na siya gustong aliwin pa ni Ye Mu fan kaya wala siyang magawa kundi umalis. Sa oras rin na iyon, may pangangamba na sa kanyang mga mata.

May ilang mga tao na lumapit sa kanya, tulad ng maganda babae na gustong makipag-usap sa kanya, ngunit silang lahat ay tinanggihan ni Ye Mu Fan at nanatili lamang siya sa tabi ni Tan Yi Lan.

Sa gabing iyon, maraming nakatigtig kay Ye Mu Fan at nagulat sila sa ginawa niya.

Nag-iba ba ang kasarian ni Ye Mu Fan sa isang playboy?

Inoobserbahan ni Tan Yi Lan ang kanyang apo buong gabi at nakita niya na hindi siya naglalandi o nagkukulit ng gabing iyon. Natuwa siya at maingat niyang sinabi, "Normal lang na makipaghalubilo ang mga tao. Hindi mo kailangang manatili sa tabi ko."

Magalang na sumagot si Ye Mu Fan, "Pwede naman akong makihalubilo, pero mas gusto kong makasama si lola sa gabing ito…"

Lumambot ang puso ni Tan Yi Lan nang marinig niya iyon. "Hindi ko ba sinabi sa iyo noon? Pwede ka namang umuwi sa kahit anong oras na libre ka, o baka may ginalit ka na naman?"

Naging masama ang tingin ni Tan Yi Lan kay Liang Mei Xuan nang maisip niya ang insidente na nangyari sa bahay nila noon, "Mu Fan, bahay mo pa rin ito. Hindi pa patay si lolo at lola - walang kahit sino man ang susubok na ipagkaila ka sa pag-uwi mo!"

Galit na galit si Liang Mei Xuan nang marinig niya iyon, pero wala siyang magawa kundi sumunod lang sa sinabi ni old madam, "Tama si mama. Mu Fan, hindi lang dapat puro trabaho ang iniisip niyo ni Ye Wan Wan, dapat bumibisita rin kayo paminsan-minsan…"

Punyeta talaga! Dahil ba magkadugo kami? At tsaka, si Ye Mu Fan ang anak ng first wife at siya ang iisang lalaking apo. Tulad ng inaasahan, hindi siya madaling alisin!

Hindi ito maaari! Pinaglaban ko nang sobra na mapa sa akin ang Ye family. Bakit ko hahayaan si Liang Mei Xuan na nakawin ito sa akin...

Kinindatan ni Liang Mei Xuan si Ye Yiyi.

Maingat na nagsalita si Ye Yiyi, "Lola, handa na po ang mga reporters. Pwede na ba tayong magsimula?"

Tumango si Tan Yi Lan. "Sige, simulan na natin!"

Nagsimula na ang selebrasyon ng anibersaryo at pumasok na sa loob ang inimbitahang media.

Naglakad sa red carpet ang mga superstars at pumasok ang bawat isa sa kanila sa loob ng venue. Magarbo ang paligid. Hindi isang eksaherasyon ang paniniwala ng mga tao na hawak at kontrolado ng Ye family ang entertainment industry.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C931
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login