Download App

Chapter 758: Ang awkward nito

Editor: LiberReverieGroup

Kaya, tinuloy muli ni Huang Shi Xin ang sinabi niya kanina, "Boss Wan, pumunta ka na lang sa iba at magtanong ka kung sinong may gustong bumili ng produkto mo. Hindi kami tumatanggap ng mga sirang mga bato sa precious stone trade."

Naguluhan si Wan He Yun. "A-ano… boss Huang, nagkaroon na tayo ng kasunduan… pumayag ako na ibebenta ko ito ng may 30% discount…"

Sumabad si Hou Maofeng. "Tsk, Wan He Yun, walang kukuha ng mga produkto mo, kahit iregalo mo pa ito, dahil mababang kalidad ang mga iyan - bakit gusto nilang kunin ang kamalasan na kaakibat nito!"

Biglang nagalit si Wan He Yun kahit na nung una ay malumanay pa lang siya. "Anong gusto mong mangyari, HOU Maofeng!"

Walang pakialam si Hou Maofeng na maraming tao nakapalibot sa kanila. Matayog siyang nagsalita, "Wan He Yun, na basta't nandito pa rin ako, si Hou Maofeng, kalimutan mo nang makakabenta ng kahit isang bato ang Glittering Jewels Pavilion!"

Mahigpit na sinara ni Wan He Yun ang kamao niya. "Huwag ka nang sosobra, Hou Maofeng!"

Tumawa ng malakas si Hou Maofeng. "Ha, gusto lang kitang i-bully. Anong magagawa mo sa akin, ha? Kapag binigyan mo ako ng 70% discount sa presyo ng mga produkto mo, pwede kong tanggapin ang charity na ito at kukunin ko na rin ang basura mong mga produkto. Kung hindi… tingnan ko na lang kung sino ang may gustong bumili ng mga bato mo sa city H!"

70% parang binigay ko ito ng libre sayo! Pinagkakakitaan mo ang kamalasan ko!

Galit na galit at namumula ang mga mata ng assistant ng Glittering Jewels Pavilion. "Boss Hou, huwag ka nang lalagpas sa limitasyon! Noon, ikaw ay…"

Huminga ng malalim si Wan He Yun at ginambala niya ang kanyang assistant. "Tama na yan. Tara na…"

Papahiyain lang nila ang sarili nila kapag nakipaglaban pa sila.

Binabalot ng galit ang puso ng munting assistant. "Anong gagawin natin sa mga produkto na ito? Magsasara kaagad ang store natin kapag hindi natin ito nabenta…"

Nakita ni Eleven ang sitwasyon at umiling siya. "Nagtatago ng hinanakit si Hou Maofeng, ang malas pala talaga ni Wan He Yun!"

Sa oras na iyon, biglang tumayo si Ye Wan Wan na kanina'y umiinom lamang ng tsaa habang nakaupo.

"Miss Wan Wan…" hindi alam ni Eleven kung anong gagawin ni Ye Wan Wan kaya nagtaka siya dito.

Tumayo ng maayos si Ye Wan Wan at tinawag niya si Wan He Yun, na lalabas na sana kasama ng assistant niya. "Uy, yung lalaki papalabas, saglit lang!"

Tumalikod si Wan He Yun at makikita na malungkot siya, "Miss, may kailangan ka po ba?"

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang may gulang na lalaki na matanda na ang itsura. "Glittering Jewel Pavilion, Wan He Yun, boss Wan?"

Wan He Yun: "Ako yun. Anong maitutulong ko sa inyo, miss?"

Ngumiti si Ye Wan Wan. "Wala kang kailangang gawin para sa akin, pero gusto ko sanang pag-usapan natin angnisang business deal."

Nabigla si Wan He Yun pero bumalik rin siya sa tamang pag-iisip. "Pag-uusapan natin ang… business deal? Miss, gusto mo bang… bumili ng mga bato?"

Ye Wan Wan: "Tama."

Nabigla si Wan He Yun.

Siguro turista siya na hindi sumusunod sa mga sabi-sabi?

Sa tagal ng panahon, mga turistang nagtataka ang bumibili ng mga bato niya.

Naisip ito ni Wan He Yun at gayundin ang naisip ni Ye Wan Wan.

Mas mainam nang ibenta nila ang isang piraso ng bato kaysa hindi, dahil hindi rin naman maibabalik nito ang funds ng store.

"Miss, saan dito ang gusto mong bilhin na bato? Piliin mo kung ano ang gusto mo…" Sinabi ito ni Wan He Yun at sinabihan niya ang kanyang assistant na itigil ang pagtutulak niya ng trailer.

Seryoso at tapat pa rin si Wan He Yun kahit na isang piraso ng bato lamang ang binebenta niya.

Lumapit si Ye Wan Wan at sinuri niya ang bawat isang bato.

Pagkatapos niyang tingnan ang bawat isa sa mga ito, napansin ni Ye Wan Wan na wala siyang mapili na kahit isa dito.

Natandaan ni Ye Wan Wan sa buhay niya noon na binili ni Hou Maofeng sa mababang presyo, ang mga bato ng Glittering Jewels Pavilion. Sa huli, ang mga nilabas na mga bato ay may laman na top-grade emerald green imperial jade - nagulat ang buong precious stone industry sa pangyayari na ito.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C758
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login