Download App
29.2% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 662: Nagtataka ako kung siya ba

Chapter 662: Nagtataka ako kung siya ba

Editor: LiberReverieGroup

Isang A-lister na si Ling Shaozhe, pero kailangan niya padin masapawan ng isang laos na artista - paano niya malulunok ang hustisyang ito?

Dahil sa si Wan Shanshan ang nag simula ng gulo ngayan, malinaw na natutuwa si Ling Shaozhe makipaglaro.

Sa kanyang ranko, ang crew ay papanig sa kanya kahit alam nila ang katotohanan; hindi sila mag-aalangang protektahan ang isang laos tulad ni Luo Chen na kaya lang makuha ay ang role ng isang supporting actor.

"Mga bully kayo - kayo ang unang nagsimula ng gulo!" galit na galit si Xiao Qing.

Tahimik na nakatayo doon si Luo Chen. Kahit na sumikat siya sa katanyagan ng panandalian noon, hindi siya maikukumpara sa isang A-list artist tulad ni Ling Shaozhe.

Sa kanyang kasalukuyang posisyon at kalagayan, wala siyang karapatan na lumaban...

Isang paghingi ng tawad lamang...

Ang status sa entertainment industry ay lahat. Ang uri ng bullying na ito ay napaka karaniwan; ito ang bagay na malinaw para sa kanya.

Bukod dito, marahil malapit ng dumating si Ye-ge at auaw niya na mag dulot ng kahit anong gulo sa kanya.

Huminga ng malalim si Luo Chen. "Sige… hihingi ako ng tawad…"

"Tsk…" paglibak ni Ling Luo Chen. "hindi sapat kung hihingi ka lang ng tawad; madumi din ang sapatos ko pero hindi masisira ang leather shoes kung kaunti lang ang dumi. Linisin mo ang nga ito para sa akin at ayos na!" ang sabi ni Ling Shaozhe sa isang mabait na tono.

"Anong sinabi mo?!" Tinaas nu Xiao Jing ang kanyang boses sa galit.

Nag-iba din ang mukha ni Luo Chen.

Tama bilang ang mga mata ng lahat ay nahasa sa show na ito, bigla ang lahat, pati na si Xiao Qing, lumingon sa likod ni Luo Chen.

"Ah… Gong…"

Gong Xu…

Bakit pumunta si Gong Xu sa film set ng "Terrifying Dragon 2"?

Naramdaman no Luo Chen ang bigat sa kanyang balikat at isang pamilyar na boses ang pumasok sa kanyang tenga.

"Oh, nagtataka ako kung sino ang nagbibida-bidahan dito. Ikaw pala, Ling Shaozhe!" Ngumiti si Gong Xu at tumingin kay Ling Shaozhe, na nakaupo sa isang tunay na leather chair. Lumabas ang pares ng kanyang maliit na canines at tumingin ng may pagbabanta.

"Gong Xu…" nagulat si Luo Chen at lumingon kay Gong Xu, na nakalagay ang braso nito sa kanyang balikat.

Nang makita ni Ling Shaozhe si Gong Xu, ang kanyang mukha ay naging galit. "Ano? May sinasabi ka ba?"

Kung si Luo Chen ay kinukunsidera niyang dati niyang kaawat, si Gong Xu naman ay tinatawag niyang nemesis.

Silang dalawa ay mayroong pagkakapareha sa acting trajectory at sila din ay nasa magkalaban na kumpanya, kaya madalas silang nauuwi sa away.

"Haha, hindi, siyempre hindi. Ito lang ay…"

Kinislot ni Gong Xu ang kanyang labi at tumingin kay Luo Chen saka biglang kinuha ang tasa ng kape mula sa kanya.

Saka naglakad papalapit si Gong Xu kay Ling Shaozhe ng may isang malaking ngiti at doon ay tumayo. Hawak niya ang tasa ng kape at sa sumunod na sandali, tinapon niya ang lahat ng kape aa pantalon ni Ling Shaozhe ng walang kahit isang patak ng kape sa tasa.

"GONG XU! Anong ginagawa mo?!" mabilis na tumayo si Ling Shaozhe at umangal.

Pati ang kanyang crotch area ay basang basa din.

"Anong ginagawa mo?" tinaas ni Gong Xu ang kanyang kilay at inabot ang kanyang braso.

Ang maliit na assistant na sumusunod sa likod niya ay tumakbo papalapit na may kasamang isang checkbook at pansulat.

Nagsulat ng $800,000 sa kanyang cheque at sinampal ito kay Ling Shaozhe saka sumagot, "ngayon, akin na ang outfit na ito. Nagtapon ng kape ang young master dito sa kanyang sariling outfit - may problema ka ba doon? Para saan ang sinisigaw mo?"

Halos malapit na sumabog ang lalamunan ni Ling Shaozhe sa galit. "Ikaw…"

"Eh? Paano ako? hindi ba sinabi na kailangan lang namin mag bayad?" naglagay ng isang inosenteng mukha si Gong Xu.

"Pfff…" hindi mapigilan ni Xiao Qing ang kanyang tawa at siya ay tumingin kay Gong Xu ng may kinang sa kanyang mata.

Habang si Luo Chen, hindi niya inaasahan na si Gong Xu, na laging kontra sa kanya, ay talagang pinagtanggol siya. Siya ay mukhang naguguluhan.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C662
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login